He's wearing his hard hat protection and he's helping his construction workers to discharge some equipment from the truck. That's pretty heavy work to do. Di ko na namalayan na nakatulala pala ako dito at nakatitig lang sakaniya at sa ginagawa niya ngayon. Attempting to approach him and ask him some things that Hailee told me yesterday. Siya rin ang dahilan kung bakit medyo wala ako sa sarili ngayong first day ko. Pakiramdam ko until unti akong nilulukob ng konsensya kaya ganito ako umakto ngayon.

Bago ko pa man maihakbang ang paa ko palapit sakaniya at tuluyang magpakita ay narinig kong sumigaw ang isa niyang katulong sa ginagawa. "Inspired si engineer kay miss Kimberly. Panigurado susunod yun dito, di yan mapaghiwalay eh" nagtawanan ang iba pa at kinantyawan na si Hilton na wala man lang sinabi. Patuloy lang ito sa ginagawa.

Inatras ko ang paa ko at lumayo na doon. Right. He's with another woman. Why am I letting myself feels this way? I have no right anymore. He cheated on me. I should keep that in mind. No hailee's words can softened my heart just like that.

Kumain ako saglit at umuwi din kaagad para magpahinga ng ilang oras. Nagdadalawang isip pa ako Kung pupunta ng party kaso kung hindi ako aattend, ano namang gagawin ko? Magmumukmok sa kuwarto at iisipin siya? I'll just drink this and it'll fade away just like before.

I used the remaining one hour to prepare myself for the party. Nakakainis, ang aga aga pa pero paulit-ulit ang remind saakin nina Becca at Tricia na pumunta daw ako. Akala na naman siguro nila ay magmumukmok ako dito mag isa at magsusulat. Kung alam lang nila na nangangati na ako uminom.

I wore a charlita maxi split strap dress and with a black stilletos too. I put some make up on to make my looks more formal. Nanonood ng tv kina mama nang magpaalam ako na may party kami ngayong gabi. Pinasadahan lang nila ang itsura ko at sabay silang tumango ni papa.

"Atee. Ang ganda at sexy mo. Mas mukha kang makikipag-date kesa magpa-party." Sigaw ni Mica bago ako makalabas sa pintuan. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Sino namang ide-date ko?"

"Kuya Hilton. Nakita ko siya kaninaa" tinakpan ni mama ang bibig ng kapatid ko at sinenyasan ako na umalis na. Akala ata nila broken pa ako sa lalaking yun. Nakita ko na nga din kanina eh. Okay pa naman ako.

Walking distance lang kami sa bar na pagpa-party-han kaya nilakad ko lang. Di alintana ang mataas na stiletto na suot. Sanay naman na ako. Sa work ko nga dati ay naglalakad pa ako sa ilang palapag na mataas ang sapatos na suot.

Nang makarating ako sa bar na malapit lang sa school namin ay madami ng tao ang naroon at nagsasayawan na ang iba. Madalas kami dito dati nina Becca at mga kaklase ko. Malapit lang kasi saamin. Dito din kami nagkakilala ni Hilton nung magpa-party si sir Malate nun dahil stress na daw kami sa research namin. May mga part ng bar na kagaya pa rin noon pero may iilang binago at dinagdag.

Lumawak rin ng konti pati yung lounge area. Mas dumami na ang varieties ng alak. Naupo ako sa harapan ng counter para medyo malayo sa may dancefloor.

"Isang boteng wine please" nagtatakang tumingin saakin ang bartender. Siguro napakaaga pa para maglasing. Mukhang ako pa lang dito ang nagre-request ng alak. Nang tingnan ko ito ng nananakot ay wala rin itong nagawa. Kumuha siya ng isang bote ng red wine at sinalinan ang shot glass ko. Iniwan din niya sa harap ko ang bote para ako na magsalin sa next kong shot.

May mga kakilala akong um-attend ngayon at parang naging reunion itong party. Iilan dito ay mga college classmates namin na naimbitahan din. Lumalapit ang iba saakin para bumati at i-congrats ako na sikat na author na daw ako. Sus. Limot ko na nga na writer pala ako. Mas masaya ako ngayon maging teacher. Tsaka dalawa o tatlong books lang naman ang napasikat ko. The rest, nevermind. Pero magsusulat pa din ako kasi sayang ng ideas na pumapasok sa utak ko.

His PromisesWhere stories live. Discover now