Bago pa man ako makaalis ng tuluyan para maghanap ng taxi ay may narinig akong iyak kung saan. Sa una ay natakot ako kasi baka kagaya ito ng mga napapanood ko sa horror movies. Kaso nang maaninag ko ang isang maputing batang babae na umiiyak sa sulok ay naawa ako. Gustuhin ko mang umalis na lang at hayaan na ito ay parang napaka walang puso ko naman kung gagawin ko iyon. She's alone in the middle of the dark.

Lumapit ako sa kaniya at kitang kita ko ang namumula niyang mga mata sa kaiiyak.

"M-mommy" umiiyak niyang sambit

"Nawawala ka?" Tumango lang siya.

Marahan ko siyang niyaya paalis doon sa sulok kung nasaan siya kanina. Mabuti na lang at bukas pa ang mall kaya pumasok kami para mas maliwanag. She looks little, maybe she's just two or three. Halos hindi ito makalakad ng maayos kaya kinarga ko na. Saan ko ba hahanapin ang nanay nito? Diyos ko naman.

"Saan ba ang mommy mo?" Sana naman hindi ako makasuhan ng kidnapping. I'm tryna be a good girl here.

"I-i don't know" shet Englishera pa pala ito.

Kumuha ako ng tissue sa handbag na dala dala ko at pinunasan ko siya ng pawis at luha. Tinry ko siyang tanungin kong saan sila last nagkita ng mommy niya pero di din alam. Dinala ko muna siya sa ice cream parlor para maaliw at matigil sa pag atungal. Pinagtitinginan na kami dito. Baka isipin pa nilang pinaiiyak ko ang bata. Naupo muna kami sa may high stool at pinagmasdan ko ang bata na tahimik na ngayon na nilalantakan ang ice cream.

May dumaan na kung anong kaba sa dibdib ko nang makita ko sa mga mata niya si- Hilton. Hindi maipagkakaila ang resemblance nila. Oh God. Is this another, blow from our fate? May anak na ba siya?

I can't tell it yet pero magkahawig talaga sila. She looks like his girl version. Lalo pa ng ngumiti na ito saakin nang makita ako na gulat na gulat na nakatunganga sa mukha niya ngayon. Kahit nagmumukha na akong tanga sa harap ng bata ay hindi ko mabago ang reaksyon ko. Hindi ko ata siya napagmasdan ng maayos kanina. Dahil kong napagmasdan ko sana siya ng mas malinaw ay hindi ko na siya dinampot. Hah. Kakayanin kaya ng konsensiya ko?

Magagawa ko kayang matulog ng mahimbing sa hotel room ko knowing na may batang babae dito na iniwan ko sa halip na tulungan? Tsaka baka may mangyari pa sa kaniyang masama at makita ko sa balita, kinamatay ko pa yung konsensiya na mararamdaman ko. I'm glad I did the right thing anyway.

"What's your name?" Magaan kong tanong sakaniya.

"Leyn Coline"

"I'm ate rhein. Okay, lein. Let's find your mom again. I'm sure she's freaking out right now that you're nowhere to be found" nakangiti kong anyaya sakaniya.

Kaso nagtatalon ito nang makakita ng shop ng  laruan. No choice, pumasok kami at binili ko ang gusto niyang bilhin. It's a unicorn stuff. Since may energy na ito ay akay akay ko na lang ito palabas ulit ng mall. Magsasara na ata ito dahil lumalalim na ang gabi.

Palabas na kami ng mall nang makita ko si Hailee na papasok din ng mall. Matagal tagal na nung huli naming pagkikita pero tandang tanda ko pa yun, kung paano niya ako itaboy at maliitin. Nagkatinginan kami at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Pero ako hindi ko pinahalata na gulat ako sa kaniya.

"Mommy!" Tumakbo ang bata na nasa tabi ko at yumapos kay hailee at tuwang tuwa. Doon ako nagulat.

"Raine. My baby" lumuhod siya para yakapin pabalik ang anak. Gusto kong matawa sa sarili ko. Tinulungan ko lang naman yung taong dapat kinamumuhian ko ngayon. Isa siya sa sumira ng buhay ko noon.

"Sh-she helped me. She's ate lein. We have the same name" nakangiting turo saakin ng bata. Tumingin saakin si Hailee at kitang kita ko na nahihiya ito saakin ngayon.

His PromisesWhere stories live. Discover now