"Hindi kita mahal kasi mahal na mahal kita.Bakit ako nakikipaghiwalay sa'yo?Kasi nagsasawa na akong maloko at paglaruan.Nangako ako kay Cheska,oo, at kelangan ko yung tuparin"

Napaluha na naman ako pero pinunasan nya iyon"Pero handa akong baliin ang pangako kong yun para sa'yo.Kung gugustuhin mo at kung may pag-asa pa tayong maging maayos ulit"mas napaiyak naman ako sa narinig ko,sa saya

Agad ko syang niyakap"Oo Hans,oo!"sagot ko na para bang nagpopropose sya saken

"Babalik din tayo sa dati pero hayaan mo munang isettle ko ang kay Cheska"bulong nya

Napatigil naman ang kasiyahan ko nang dahil dun at napaalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Ano ka ba?Wag kang malungkot,babalik ako"he look at me convincing me to say yes

Inilayo ko ang mukha ko.Papayag ba ko?Ito naman ang gusto ko diba?Siguro sapat na ang mga nagawa kong kasamaan sa kanila.Siguro it's time na para ayusin ko na ulit ang pagsasama namin ni Hans...

Oras naman na siguro para sumaya na ulit ako ng totoo...

Tutal,mahal naman namin ang isa't-isa diba?

Huminga ako ng malalim at hinarap sya.Naghihintay pa rin sya ng sagot ko.

Parang nagdadalawang isip pa rin ako...

"Marie?"hinawakan nya ulit ang kamay ko

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Siguro naninibago lang ako...

Nginitian ko sya ng bahagya at tumango"Sige,hihintayin kita.Hihintayin kita mamaya sa bahay ah?"

"Oo"at niyakap nya ko ng mahigpit

Ang sarap sa pakiramdam kaya lang parang may iba?Parang may kulang?Ay ewan!

5:30 pm...

Lumabas na kami ng hospital at hinatid nya ko sa bahay.Hindi na sya pumasok pa kasi pupunta na daw sya kay Cheska para kausapin ito.Bakit ba kelangan nya pa yung gawin?

Hindi ba pwedeng basta na lang sya umalis at bumalik saken?Tutal asawa nya naman ako...

Pero yun daw ang dapat at gusto din daw nyang makita ang anak nya.

Anak nya...

Ang sakit sa pakiramdam na madinig yun,parang dati lang ang dati kong bukang bibig ay "Anak namin" pero ngayon sa iba na iyon nararapat...

Haist!Ano ka Ba Aia!Wag nga daw maistress diba?!

Kaya naman tumayo ako at tinapik ang magkabila kong pisngi at nagpakawala ng isang ngiti.Dapat ko nang ibalik ang dating ako kung gusto kong maging maayos ulit kami ni Hans...

Pumunta ako sa kusina at nagtingin na pwedeng maluto.Haist,di pa pala ako nakakapamili.

Mag-adobo na lang ako,may mga ingredients naman para doon.Nagsimula na akong magprepare at pagkatapos ay nagluto.Isinunod ko na rin ang pagsasaing at namahinga saglit.

9:30pm na,siguro naman pauwi na sya,di sya nagtetext pero naniniwala at nararamdaman kong dadating na sya.

Kaya naman kailangan ko nang maligo!At ginawa ko nga,tapos na ako kaya naman naupo na ulit ako sa sofa.

Almost 11pm na ah?Matagal pa kaya sya?

Hinintay ko sya ng hinintay hanggang sa nakatulog na ako.Nagising na lang ako nung nasisikatan na ng araw ang mga mata ko.

Agad akong natapayo sa sofa at tinignan kung nandito na ba si Hans kaya lang hindi ko sya nakita sa buong bahay.Bakit wala sya?Anong nangyari?

Nawawalan na ako ng pag-asa bigla namang bumukas ang pinto at pumsok ang taong kagabi ko pa hinihintay.

Patakbo ko syang nilapitan at niyakap ng mahigpit"Akala ko hindi ka na babalik"naiiyak kong sabi

Niyakap din nya ako ng mahigpit"Hindi ko kaagad kasi masabi sa kanya at..."tumigil sya

"Naiintindihan ko,salamat kasi ako ang pinili mo"niyakap ko pa sya

"Buti at pumayag sya"sabi ko sa gitna ng pagnguya ko

Nakain na kami ng agahan"Hindi sya pumayag"

Napatingin naman agad ako sa kanya"Sabi nya ilalayo at hindi ko na makikita si Zion kapag binalikan kita"dagdag pa nya

Bumilis ang kabog ng dibdib ko.Ako ang pinili nya diba?Kaya nga nandito sya?

Gusto kong magsalita kaya lang parang may nakabara sa lalamunan ko...

"Marie hindi ko kaya yun"at dun na nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko

Ibig sabihin ba nito kaya lang sya nandito para sabihing wala na kaming pag-asa?

Agad naman syang tumayo at pinunasan ang mga luha ko...

"Marie bakit ka naiyak?"patuloy pa rin sya sa pagpunas sa mga luha ko

"Ako na lang please, kaya ko rin namang ibigay sayo yun eh"umiiyak kong sabi

"Marie ano bang sinasabi mo?"naguguluhan nyang tanong

"Kaya ka lang nandito para magpaalam diba?Kasi hindi mo kayang malayo sa anak mo.Hans kaya din kitang bigyan ng anak,nagawa ko na nga dati diba?"

"Marie,hindi-"

"Hindi!Ayoko!Akin ka lang!"tumayo ako

"Marie-"

"Hindi,hindi ka aalis.Dito ka na,dito ka lang"humarang ako sa daan

"Marie-"lalapit sana sya pero lumayo ako

"Akin ka lang"pinal kong sabi

Niyakap nya ko tapos ay hinarap nya ulit ako at pinunasan ang mga luha ko"Mali ka ng intindi Marie,ayaw mo kasi akong patapusin muna"

Magsasalita pa sana ko kaso nilagay nya ang thumb nya sa labi ko"Patapusin mo muna ako okay?"

Tumango naman ako"Hindi ko kayang hindi makita ang anak ko,oo,pero mas hindi ko kayang mawala ka na ng tuluyan saken.Marie,mas mahal kita sa kahit na sino pa man"at dahil sa narinig kong iyon ay parang umurong lahat ng luha ko at napalitan ng ngiti ang lungkot sa mukha ko

"I love you Hans"niyakap ko sya

"I love you too"

*-*-*-*-*-*-*
A/N:
Nasira si Wattlad app kaya di agad ako nakapag publish!Pero huhu ang chapter 60 and 63 nakakalimutan nyo atang basahin!!

So ano,buntis ba sya?

Hindi!Stress lang kaya sya nahimatay!!haha Kayo ah... :)

Lapit na matapos!!!Hula na ng ending!

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now