"U-Uhm, ako lang talaga ang magluluto? Wala ba akong—"

"Hintayin mo ang makakasama mo.  Dalawa. I guess, you can do it with them. Besides, you will not fell uncomfortable with them." napakunoy ang noo ko. Magsasara na sana ito ng bumukas ulit. "Wait them on the guard's house."

Hays. Sino kaya sila? Hindi daw ako ma-a-uncomfortable, e wala naman akong kakilala rito.

Pumunta na lang ako sa labas at naghintay. Si Kuya Rhod pala ay nandito, gising kahit dilim pa. Alas quatro pa lang kasi. Tapos maghapon pa ang celebration. Hindi naman ito party na bongga, mga relatives lang daw.

"Goodmorning, ma'am." sabi ni Kuya Rhod.

"Huwag nang 'ma'am'. Good morning din." tumango ito at ngumiti. May nakita na akong dalawang tao na naglalakad, bumubulong bulong pa. Dikit na dikit rin ang mga ito sa isa't isa. Siningkit ko ang mata ko para malaman kung sino ang mga ito.

"Ano ba, 'wag kang malikot." sabi ng isa. Babae ang boses nito.

"Hindi ako malikot! Baka may mumu na lumabas, ang dilim pa!" sagot ng isa.

Nanlaki ang mata ko ng makita sila.

"Jelay?! Zilvane?! Hala!" lumapit ako sa kanila at pinagmasdan ang mga ito. Simple lang ang damit nila, pati itsura.

"Kami nga! Tara na sa loob, nakakatakot na rito!"sigaw ni Jelay, papasok na sana sila ng pigilan ko ang mga ito.

" Sinong masama niyo? Pinayagan ba kayo ng boss niyo? "sabi ko. Si Zilvane ay tumango. Si Jelay naman ay ngumuso.

" Si Mrs. Abramovich ang nagsabi sa akin. Sa kanto na lang ng Subdivision kami nagpababa. Sakto nandoon sa silong itong si Jelay. "lumingon ako kay Jelay. Malungkot ang mukha niya.

" Ako naman, sinabihan rin ni Sir. Kaso noong gumising ako, wala siya sa mansyon e. Kaya nag-message na lang ako tapos umalis ako mag-isa. "paliwanag nito.

" Ano?! Paano kung may nangyari sa iyo papunta rito?! Hay! Dapat—"isinubsob niya ang labi ko sa hintuturo niya.

" Huwag ka nang magbunganga. Tara na. "sabi nito.

NAGSIMULA na kami sa gagawin. May mga order na rin naman kagaya ng cake, desserts ganoon. Pero kami raw sa dishes. Iyon ang gusto ng nanay ni Master.

" Ay butete! "narinig ko ang sigaw ni Jelaijjah. Kaharap nito si Bruno. Sa takot nito ay nabato niya ng carrot ang aso. Wala namang ginawa si Bruno, kinain lang iyong carrot.

" Bakit ganyan iyan kalaki?! Parang kaya akong kainin niyan ah! " takot na sambit nito. Ako naman ay natawa sa kanyang reaksyon.

"Sa tingin ko, Great Dane ang ganyang uri ng aso." kalmado na sabi ni Zilvane. Tama nga naman siya.

"Oo nga." sabi ko. "Mabait naman ang mga iyan." ngumuso ang babae.

"Teka,maghihiwa lang ako ng mga gulay." paalam ni Jelay.

Liwanag na ng mangalahati kami sa mga gawain. Si Zil ay fresh pa rin, kami naman ni Jelay ay haggard ang itsura. Namahinga muna kami sa kitchen counter.

"Teka, kayo lang dito?" tanong ni Jelay sa akin. Ang mata niya ang nanunuri.

"Oo. Bakit?" sagot ko. Siya naman ay napangisi sa akin. Ano naman ang iniisip nito?

"Hala ha. Baka may something na sa in—"

"Are you all done?" biglang may nagsalita na dumagundong sa sistema ko. Nakakahiya! Narinig kaya nito ang sinabi ni Jelay?

"H-Hindi p-pa po, hehe." kanda utal utal na sagot ni Jelaijjah. Ayan! Chismis pa.

Lumipat ang tingin sa akin ng amo ko. Seryoso lang ulit.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now