"Celine naman ! Hina-----"

Pero natigil siya ng dumating na yung prof namin.

Thankyou Lord, natigil na ang bestfriend ko sa issue niya.

***

JARED'S POV

"What ? On the way na kayo ?"

Sabi ko hintayin ako, sabay kaming pupunta dun sa mansion nila. Tapos malaman-laman ko na lang, on the way na sila ? Kanina okay lang kami ah. Tapos ngayon, halos ayaw akong makita ?

I knew it. Siguro nagalit yun kanina dun sa nakita niya.

Fvck ! Bwisit kasing babae yun eh ! Parang tanga.

Nagselos tuloy yung baby ko.

Ugh. Binuksan ko agad yung kotse at inistart.

"Pakausap nga."

"Sir, tulog po si Ms. Celine." sabi ni Jason.

Ano ba yan ! 6 pm na.

"Kanina pa ba ? Gisingin mo kaya."

"Eh sir, ayaw daw po niyang magpa-istorbo, eh."

"Damn it ! O sige na !" sabay tanggal ng headset ko sa tenga.

Napukpok ko tuloy yung steering wheel.

Bwisit talaga eh ! Paano ko naman siya aamuhin ?

Ano namang gagawin ko ? Ano'ng pampalubag loob ?

Hindi ako sanay sa ganito. Matagal na akong hindi nanuyo ng babae. Hindi na ako nag-iisip kung paano sila ipi-please, aside from sex. Wala na akong alam na ibang idea.

Napatigil ako sandali. Ano ba ? Ano bang ibibigay ko sa kanya para magkabati na kami ? Ayoko kasing magalit yung lampa na yun, baka hindi na ako pagbigyan sa susunod.

Tss. Ang hirap naman nito, o. Matagal ko na kasing itinigil ang mga ganitong kalokohan, 6 years ago pa. Kaya, nahihirapan ako ngayon.

Hmmm ...

And there's a smile that showed in my lips. I start the car and search for a flower shop.

***

CELINE'S POV

Nayakap ako nila mommy and daddy, as well as tita Jas and tito Sonny nung makarating ako sa mansion. Pagkagaling ko sa school, dumiretso na agad ako dito. While we are o our way earlier, tumawag si Shaun kay Jason. I know he will look for me kaya naman nagtulog-tulugan na lang ako. Narinig ko pa na sinabi nila na tulog ako at ayaw kong paistorbo. Mabuti naman at pinagbigyan ako ng dalawa. Ano kayang reaksyon niya ?

Hayy .. Bakit ko ba siya iniisip ? Eh napaka-babaero niya.

"Where's Jared ?" Si mommy. Alam kasi nila na magkasabay kaming pupunta dito. That's the plan, unfortunately, it didn't happened.

"Oo nga anak. Nasaan si Jared ? We thought you'll be here together." si tito Sonny.

"Nauna na po ako. May ginawa pa po kasi sila eh."pagsisinungaling ko.

"Don't worry, he texted me and said he's already on his way here." sabi ni tita Jas.

Tss. Ayoko sana siyang makita pero, wala akong magagawa.

"It's all about business, right ?" pag-iiba ko ng usapan.

"Yah. But we will also discuss your wedding. 3 weeks na lang kasi ang natitira." explain ni mommy.

Napatango lang ako. As usual, business lang talaga. Sana maagang matapos para makauwi ako agad.

"Good evening, sir."

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now