SDTR: Kabanata 50

Start from the beginning
                                    

"Good morning, Mr and Mrs. Lataza." Bati nila Tito Kyle at nakipag kamay sila kela Mama, habang si Tita Kei naman ay humalik kay Mama.

"It's an honor to meet you." Narinig kong magkasabay na sambit ng magulang naming dalawa, lumunok ako kahit na nanunuyo ang lalamunan ko. Ewan ko, pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaba, nanginginig ang binti ko at kung hindi ako nakahawak sa braso ni Ethan, malamang ay natumba na ako.

Sumunod namang bumaba si Tita Kristine at Tito Jess kasama si Lola at sila Jenica at Kuya Justine. Isang matamis na ngiti ang nakita ko kay Tita Kei nang lapitan siya ni Tita Kristine at hinalikan siya nito sa pisngi.

"How are you?" Masiglang bati ni Tita kay Tita Kei saka marahan na niyakap ito. "Mabuti naman, sila ba yung mga anak mo?" Tanong ni Tita Kei, tumango si Tita Kristine at saka pinakilala si Jenica at Kuya Justine.

Nagkamayan naman si Tito Jess at Tito Kyle saka nagkamustahan. Hanggang ngayon ay naniningkit ang dalawang mata ko dahil sa magulong nakikita ko sa pamilya ko, hindi ko maintindihan kung anong mayroon.

Sumunod na tumingin si Tita Kristine kay Tito Kyle, isang magandang ngiti ang pinakawalan nila sa bawat isa. "Long time no see." Nakangiting sambit ni Tito Kyle, tumango si Tita Kristine at saka tinanggap ang halik na binigay ni Tito Kyle sa pisngi nito.

"It's good to see you again, Tine." Dagdag ni Tito Kyle.

"Hmm, siya pala yung ex girlfriend ni Dad." Narinig kong bulong ni Monique na nagpalaki sa mata ko, "What?" Pasigaw na bulong ko, bumaling sa akin si Monique.

"Yes, Ate Claire. Sa kwento sa akin ni Mom, sa mga naging ex nitong si Dad isa lang ang naging kaibigan niya, at ang pangalan niya ay Tine." Maikling kwento ni Monique na siyang nagpalaglag ng panga ko.

"Tsk, hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa rin nagsasawa sa kwento ni Mama." Bulong ni Troy sa isang tabi, ngumuso lang si Monique saka inirapan ang kapatid.

Ilang sandali pa silang nagkwentuhan hanggang sa tawagin na kaming lahat nila Lolo at Lola sa mahabang hapag upang doon ipagpatuloy ang pagkukwentuhan. Magkatabi kami ni Ethan at sa mismong gitna pa kami ipinuwesto, sa ilalim ng mesa naman ay walang humpay ang mahigpit na paghawak ko sa kamay niya na hindi naman niya naiisipang bitawan.

Kinakabahan kasi ako, sa buong buhay ko ay ngayon ko lang makakaharap ang pamilya ko upang ipilit ang kagustuhan ko. Upang makiusap na tanggapin ang lalaking mahal na mahal ko.

Nagsimula kaming kumain at sa una ay puro tungkol sa business ang pinag uusapan nila. Sa tingin ko ay ginagawa nila iyon upang pahabain pa ang oras.

"Eat, Claire." Bulong ni Ethan sa tainga ko nang mapansin niyang hindi ko pa ginagalaw ang mga hinimay niyang alimango sa plato ko.

Bumaling ako sa kanya, "Thanks."

"Tsk." Patunog niya at saka kinuha niya ang tinidor saka akmang susubuan ako kaya hinarang ko ang kamay niya. "Ako na." Bulong ko.

"Kanina ka pa tulala, kaunti pa lang ang nagagalaw mo sa pagkain mo." Sagot niya sa akin, magsasalita na sana ako pero napansin kong parang nabuo ang katahimikan sa hapag. Napatingin ako sa kanilang lahat at halos mamula ang mukha ko nang makita kong lahat sila ay nakatuon ang pansin sa aming dalawa.

Isang hilaw na ngiti ang pinakawalan ko saka kinuha ko ang tinidor kay Ethan, tumungo ako upang maiwasan ang mga mapanuyang titig nila Tita Kei.

Tumikhim si Lolo, "Siya nga pala, nabanggit na ba sa inyo ni Ethan ang tunay na dahilan sa pagsasalong ito?" Biglang pagbabago ng usapan na nagpasamid sa akin! Sunod sunod na pag ubo ang nagawa ko kaya naman mabilis na hinagod ni Ethan ang likod ko at pinainom ako ng tubig!

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now