"K-Kumain na kayo." nabalisa kong sabi. Napalipat ang tingin ko kay Xander. Seryoso lang ang mga mata niya. Pero lukot rin ng bahagya ang damit. At hindi naman ako tanga para hindi malaman ang nangyari.

"Wow! Luto mo ang mga iyan?! Ang bango!" puri nito. Napipilitang ngumiti ako.

"Let's eat." yaya ng lalaki sa babae. Hindi rin naman ako nakatingin dahil inaayos ko ang pagkakainan nila. Pumasok na ako sa kusina at iniwan sila sa dining. Nagligpit muna ako. Wala akong naiisip o iniisip habang naglilinis ako sa kusina. Bigla lang may tumulo mula sa baba ko. Pagkapa ko ay basa.

B'at basa?

Kumunot ang noo ko at naghilamos na lang. May nakatingin sa akin. Nararamdaman ko. Ah, may nakasilip pala sa pinto ng kusina. Si Finney at Bruno. Nakatingin ang mga ito sa akin. Lumuhod ako at niyaya sila na lumapit sa akin. Tila naman nakaintindi ang mga ito at lumapit nga. Dinilaan nila ang aking pisngi.

"Huwag niyo akong sasaktan, ha?" nakangiti ng maliit na paalala ko sa kanila.

Bumalik na ako sa paglilinis at sila naman ay nanatili sa sahig, sinasamahan ako. Nang matapos ay sobrang pawis ko na, kaya nag desisyon ako na maglilinis muna ng katawan. Besides ay kanina pa ako rito sa loob. Ewan ko ba sa sarili ko kung umiiwas lang ako sa kanila o sinipag lang talaga ako.

Lumabas na ako at kasunod ko naman ang dalawang aso. Napatigil ako ng makita sa sala ang dalawa. Actually papunta sila sa direksyon kung nasaan ang kwarto ng Master. Ngiting ngiti pa ang babae na naka-angkla sa bisig ng amo ko. Nasilip ko naman ang pagiging seryoso ng lalaki. Taliwas sa hitsura ng babae.

Nanliit ako sa itsura ko. Siya ay fresh na ulit, ako naman ay namamawis ang mukha at katawan. Ang dumi rin ng lolita ko dahil sa paglilinis, at ang pangit ko sigurong tingnan.

Tumaas na lang ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Naglinis na rin ako ng katawan. Bumaba na rin ako upang magligpit ng mga pinagkainan nila. Halos wala na ngang natira sa mga ulam na niluto ko. Baka napilitan lang sila, naawa dahil sa effort ko sa pagluluto.

KANINA pa ako nasa labas ng mansyon. Si Bruno lang ang kasama ko dahil si Finney ay sumunod sa kanyang amo. Naglalaro lang kami ni Bruno ng may narinig akong tili. Tinatawag si Finney.

Kumunot ang noo ko dahil nakita ko ang aso na may kagat kagat na kung ano. Si Laileigh ay pulang pula naman ang mukha habang hinahabol ang aso. Nakasuot lamang ito ng malaking jacket.

Napasinghap ako ng makita ang nginangatngat ng aso. Hinihingal ang babae na inaagaw ang...b-bra na itim sa aso. Ako ang nahiya para sa kanya. Naiilang naman ito dahil nakatingin ako sa kanila.

"Give it to me! Finney!" pulang pula na ang mukha nito. Mukhang maiiyak na nga ito sa kahihiyan kaya lumapit na ako. Hinimas ko ang ulo ng aso.

"Finney, ibigay mo na." tumingin ito sa akin ay iniluwa ang aso. Nakipaglaro na lang ito kay Bruno.

Walang reaksyon ang mukha ko na tumingin sa babae na tabingi ang ngiti sa akin.

"Pasensya ka na. Finney was really kulit!" tumango na lang ako. Bakit siya nag-so-sorry?

GABI na at tapos na kaming mag-dinner. Kanina pa rin nakauwi ang babae, mga hapon pa. At wala na itong ginawa kundi dumikit sa aking amo. Hindi na ito halos humiwalay. Kanina habang nagliligpit ako ay pinapanood ako ng amo ko sa likod ko, sa peripheral vision ko naman ng tumagilid ako ay naka-krus ang braso niya sa kanyang dibdib.

Nang matapos ay nagpaalam lang ako na tataas na ako, hindi naman siya gumalaw o nagsalita. Habol habol lang ako ng kanyang titig habang pataas ako sa kwarto ko.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin. Pero hindi lang talaga ako sanay sa pinaggagagawa nila. Obvious na obvious ba naman. Ni hindi man lang itinatago, halatang halata naman. Pero kung tutuusin ay dapat, wala akong pakialam. Buhay naman niya iyon, at ano ako? Isang pipitsuging katulong lang rito. Palamunin. Tagasilbi. Ni hindi ko naman kaano ano ang lalaki. Hindi ko rin naman magagamit ang pinagsamahan namin noon, dahil hindi rin naman kami naging magkaibigan.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now