Titigan ba naman ako ? Baka hindi ako makapagpigil niyan, katabi pa naman kita at alam kong wala kang damit sa ilalim ng kumot na yan.

Finally, she smiled. At tinanggap ang tshirt saka maingat na isinuot, yung tipong, wala talaga akong makikita.

Hanggang kelan kaya mahihiya tong babae na to ! Hmp. Sayang, hindi pa nakaboso.

"Did you, did you always offer your tshirt to your, other girls ?"

I look at her. "No. Only to you."

Then I saw her blushing.

"O-Okay ... Magluluto na muna ako, ha." And she finally get out of my bed. Good idea dahil baka may magawa pa ako na ikakatagal naming dalawa.

***

CELINE'S POV

Hindi ko mapaniwalaan na nandito ako sa condo ni Shaun, did have sex with him, and now I'm cooking for our breakfast. Bacon, sunny side up, fried rice and fruits. Mabuti naman at may laman ang ref niya. Usually kasi sa mga lalaking tulad niya, walang pakialam yun sa paggo-grocerry, eh. Mabuti naman at marunong. I smiled when I think of him as a husband material.

I imagine Shaun as a husband. Aalagaan kaya niya ako, aalalahanin, pagsisilbihan at ituturing na asawa niya ? Di ba ganon yung mag-asawa ? O sa kama lang ? Naalala ko rin bigla yung kondisyon niya sakin. Oo nga pala, gusto niya lang akong maging sex partner, and I should never fall for him. Again, there's this disappointment I feel while thinking about it.

H-Hindi naman ako maiinlab sa kanya, no ! I'm just returning the favor to him for agreeing for this marriage. Isa pa, 3 months lang naman kaming magsasama, pagkatapos nun, wala na. Pero, ano naman kayang gagawin ko after 3 months ? Ngayong wala na si James ? Wala na akong babalikan gaya ng nauna kong plano ?

Pero naputol ang pag-iisip ko ng makita ko si Shaun sa harapan ko, wearing only a white pants, with his six pack abs infront of me. Wow. This is jaw dropping. No doubt kung bakit ang daming naghahangad ng abs niya, they were perfect, as if hinulma talaga para sa katawan niya.

Ang masasabi ko lang, ang sexy niya. Sobrang sexy niya.

"Baby, yung laway mo, baka tumutulo."

"H-Ha ?" at bigla naman akong na-conscious ng sabihin niya yun kaya agad kong binawi ang tingin ko.

Natawa siya pero pumunta siya sa likuran ko para yakapin niya ako mula sa likod.

"Titig na titig ka kasi sakin, eh. Hindi ko tuloy alam kung naseseksihan ka sakin o gusto mong ulitin yung ginawa natin kagabi ? Which one ?" at humalik pa sa leeg ko.

Wooooo ! Ang init na agad. Alam na alam talaga ng lalaking to, o.

"Shaun, nagluluto ako, ano ka ba. Dun ka na nga." at pilit ko na siyang pinapaalis pero lalong humigpit. Ano ba naman tong unggoy na to, makayakap naman o ! Nasasarapan ?

"Ayoko ..."

"Nahihirapan kaya akong maghiwa."

"... Oh eh di ganito na lang." saka binaba yung braso niya sa balakang ko. Doon ako napapitlag.

"Nahihirapan ka pa ba ?"

"H-ha ?" ewan ko ba, kahit twice na naming nagagawa to, nahihiya pa rin ako. I didn't expect that we will do this, to this extent. Thinking it was Shaun.

"Baby, focus." at hinalikan na naman ako sa pisngi. At bigla na naman siyang naging sweet.

"Hindi na."

"Bakit, mas masarap bang yumakap yung ex mo kesa sakin ?"

"Shaun naman !"

"Just answer me, baby."

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon