Ang hirap talaga pag magkalayo ang estado niyo sa buhay. Hindi kayo nagkakaintindihan sa mga ganito kasimpleng bagay. Nag pa-book kami ng ticket at mabuti naman na ay may maga-flight kaagad.

Nakatulog ako sa biyahe at dahil mabilis lang sa eroplano ay ginising kaagad ako ni Hilton at sinabing nasa Manila na kami. Ang dali lang ah, kakapikit ko pa lang kanina narito na kaagad kami sa NAIA

Kinusot ko ang mga mata ko habang tinatamad na naglalakad palabas na ng airport. Hawak hawak ni Hilton ang kamay ko at sa kabilang kamay niya ang mga bagahe namin. Nakita namin si kuya Rodolfo na pa-pasalubong samin. Nang makalapit ito ay kinuha niya ang mga gamit namin. Naramdaman ko ang pagpisil pisil ng asawa ko sa kamay ko.

"Anyway, I forgot to ask you this morning but are you still sore?" Tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan sa backseat part. Pumasok din siya kaagad sa may kabila.

"Sore?" Nag loading pa ako sa tanong niya bigla at may naalala kaya napa 'oh' ako. "Oo konti"

"How 'konti'? Like, we can do it again later night?" Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng init sa leeg at pisngi ko. Siguro namumula na ako ngayon. Asawa ko naman siya pero ugh hindi namin masiyadong pinag uusapan ang bagay na ito. Ginagawa lang namin.

"Bakit? Gusto mo pa?" Gusto kong matampal ang sarili sa naging tanong. Napaka bobo naman nun, rhein. I can feel how his body's shaking while laughing at my question. Nakasandal kasi ang baba niya sa may balikat ko habang nagtatanong ng kung anu-ano.

"Ofcourse. Kailan ba ako umayaw?" Kinabig niya ako palapit at hinalikan sa leeg. Pipikit na sana ako para hayaan siya nang mapatingin ako sa unahan. Nakatingin saamin si kuya rod mula sa rearview mirror. Muntik na akong mapamura nang ma realize na may kasama pala kami ngayon sa kotse.

Marahan kong tinulak si Hilton para patigilin. Bumulong ako na may kasama kami at nakatingin saamin ang driver niya.

"Do you have a problem, Rodolfo?" Pormal niyang tanong sa lalaking nagmamaneho.

"Wala ho sir. Namamangha lang po ako. Minsan lang kita makita na ganito" seryoso namang sagot ni kuya rod. Hindi ata siya sanay na ganito pala kalandi ang amo niya. Nasanay siya na lagi itong seryoso at utos ng utos lang sakaniya. Hindi naman kasi kami masiyadong sweet kapag nasa public, minsan lang kapag nasa mood.

"Now you know how this woman light up my dark life"

Pagkarating namin sa bahay ay nakaabang na doon si manang sabel at si Teddy. Kinumusta kaagad nila ako. Natuwa ako nang may pagkain na naghihintay sa mesa. Kaya love na love ko sila eh. Nagpaalam si Hilton na may aayusin muna sa opisina niya at hinayaan muna akong kumain sa hapag. Nalungkot ako na kakarating pa lang namin busy kaagad siya sa trabaho. Pero hinayaan ko na lang.

Kailangan kong maging mas maunawain ngayon. Sabi nga nung bruhang Julia, madami pa silang gagawin.

"Kamusta ang probinsya niyo?" Tanong ni manang habang ngumunguya ako. Mukhang na-miss niya nga ako dahil pinapanood niya ang bawat subo ko sa niluto niya para saakin.

"Maganda pa rin po." Ngumiti ako at naalala ang nangyari nung nakaraan. Lumunok muna ako at uminom ng gatas bago nagsalita ulit. "Pasensya na po pala manang sa nagawa ko nung nakaraang araw. Hindi po ako nag iisip bago gumawa ng desisyon. Nasanay na ako na nagpapadala lagi sa emosyon ko"

"Nakalipas na yun tsaka ayos naman na kayo ni sir. Pero hindi ko sasabihin na ayos lang yun dahil hindi, renyel. Dapat kinokompronta mo ang asawa mo kapag may problema ka sakaniya. Hindi yung mag iisip ka ng kung anu-ano na ikakasakit at ikakagalit mo" natamaan ako dun ah. Lagi naman kasi akong ganun.

"Kaya nga po eh. Pasensya na talaga" tipid akong ngumiti at sunod sunod na ang ginawang pagsubo. Nagpaalam din si manang dahil maglilinis pa daw siya sa likod bahay.

Habang naghuhugas ng plato matapos kumain ay nag iisip na naman ako ng maaari kong gawin. Wala akong mapaglilibangan ngayon. Di ko mayaya kina Trish kasi nasa Bicol pa sila. In-inform ko lang sila kaninang umaga through text na babalik na kami ng Maynila. Si Tricia nga lang yung nag reply. Galit ata saakin si Rebecca. Nako-konsensya din naman ako, dinadamay ko sila sa mga problema ko sa buhay. Dinamay ko silang umuwi dahil hindi kami okay ni Hilton. Tapos ngayon na ayos na naman kami, iniwan ko sila sa Bicol

Kahit siguro ako kay Becca ay magtatampo din ako. Sadyang mabait lang si Trish na hindi niya kayang magtanim ng sama ng loob saakin. I don't want to take that for granted but atleast there's nothing I have to worry with Trish.

Gusto kong tawagan si Becca pero baka i-reject niya lang. I decided to just leave her some voicemail and incase she's not mad anymore, she'll answer me back. I hate losing someone who's important to me. Lalo pa at alam kong kasalanan ko din.

'Hey. Are you still mad? Alam kong ayaw mo munang patawarin ko si Hilton. Pero Becca, mahal ko yun eh. The moment I saw him crying infront of me for being ruthless and impulsive wife, I was melted and I felt bad. I know you don't understand this feeling but someday I hope you will. That no matter how hurt you are, when you love that person, you will still forgive. I love you and Trish and I'm so sorry for being weak when it comes to him'

I sent it to her and put my mobile back to the table. Just when I thought I'm not getting any reply from her this day. But just almost an hour has passed, my phone beeped and saw her name that sent a voicemail too.

'I'm no against of being inlove, rhein. FYI, I know what love is. I do have an idea what that thing is. What I don't know is the stupidity, the innocence and the vulnerability you've got when it is Hilton Saavedra. Seriously, you haven't changed at all. Just one sorry from him then you forgot all the pain and misery he caused you. How can you tied up yourself to a man who did nothing but to trap and ignore you twenty-four seven?'

'You're young, Rheiniel Cordova, you didn't even make a name yet. I know you had so many dreams before him. I thought no man can ruin that. I know you have purpose in life. Not being his slave. Not being in that damn cage you calls home. Damn girl, figure out what your purpose. Chase it. Not with him. Don't give me that line, like I don't understand what you are feeling with him. I've been there, I've been inlove but I chose myself, I chose my dreams, I chose my family. Don't get me wrong, I'm still your friend. Just think'

I realized my tears are flowing to my cheeks as I listened to her. Nakaka-offend kasi natamaan ako sa lahat ng sinabi niya. I know most of it are true but I refuse to confirm it, I refuse to believe it. Bakit ba ganun ang tingin nila kay Hilton?

And my family, they deserve to be chosen too, just like what Rebecca and Tricia did. They deserve to be spoiled too like what they are doing with theirs. Samantalang ako, inuna ko- o my God. Hinahayaan ko ang sarili ko na magpaapekto kay Rebecca. Ginulo ko ang buhok ko at naglakad paakyat sa kuwarto.

Hindi ko pagsisisihan ang desisyon na tinahak ko at buhay na pinili ko. Bata pa ako noon pero kahit ngayon ay wala akong nakikitang mali sa pagpili ko kay Hilton.

Habang lumalalim ang mga iniisip ko ay tumunog muli ang cellphone ko. Akala ko may pahabol pa si Becca pero napapunas ako ng luha sa pisngi nang makitang tumatawag si mama. Kakaalis ko lang, mangangamusta kaagad siya. Lalo ko lang sila nitong namimiss. Tumikhim ako bago nilagay sa tenga ang telepono.

"Anak? Rheiniel?" May kakaibang kaba ang bumundol sa dibdib ko nang marinig ko ang natatakot at garalgal na boses ni mama. Napalunok ako at wala pa man naririnig kung bakit ay halos hindi ko na mahanap ang sariling boses.

"M-mama. Bakit po?"

"Ayaw ko sana kayong istorbohin. Pero h-hindi ko alam kung sino pa ang pagsasabihan ko" umiiyak na niyang sabi. Hindi na niya kinayang pigilan ang iyak na lumabas sa bibig niya.

Naririnig ko sa background ang boses ni Mica na tinatawag si papa habang umiiyak din. Oh God. What on earth is happening there?

"May sakit ang papa mo sa puso. Matagal na niya itong dinadamdam. Sabi ng doctor kailangan na nitong maoperahan kaagad dahil d-delikado na ang lagay. H-hindi ko alam ang gagawin ko"

Nang marinig ko iyon ay napaupo ako sa sahig. Para akong nawalan ng lakas sa narinig. All this time, habang nagtatrabaho si papa sa halip na ako ang bumubuhay sa kanila, may dinaramdam na siya at hindi sinasabi. Napahawak ako sa bibig ko at hindi na napigilang humagulhol. Sinisisi ang sarili.

His PromisesWhere stories live. Discover now