chapter 32 Sweet

1 1 0
                                    


Jasmine Pov.

"Ah Kian, okay lang ba talaga sayo na ma-late? Kasi, ayos lang naman talaga sa'kin na ako nalang mag-isa ang pumunta sa dormitory e."

Pangungumbinsi ko sa kanya. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad ngayon patungong dormitory kasi nga para makapag-palit ako ng damit o uniform.

Sa kamalas-malasan kasi ay wala akong dalang extra uniform o damit. Kaya kinakailangan kong umuwi don sa dormitory namin, wala ring dalang extra yung dalawa kaya kaylangan ko talagang umuwi don sa dormitory namin para doon makapag-palit, alangan naman pumasok ako sa klase ng madumi ang suot at basa na malagkit.

"It's fine, don't worry about it, okay?" sagot niya.

"Hayst, sige na nga. Basta hindi kita pinilit na samahan ako a"

Sabi ko, ngumiti siya at tinangoan ako.

"Nga pala Kian, question lang." sabi ko, may gusto lang sana akong itanong sa kanya about sa parents niya kaya naisipan kong sabihin iyon.

"What is it?" tanong niya.

Napaisip ako, ituloy ko pa kaya itong pagtatanong ko o hindi nalang? Pero wala namang masama kong tanungin ko siya 'diba? Atsaka, curious narin kasi ako sa reaksyon ng parents niya.

"About sa sinabi mo kahapon, diba sinabi mong ipapaliwanag mo nalang ang lahat sa kanila para magkalinawan na? So ano, uhmm..." nag-isip ako ng idudugtong ko.

"So ano, uhmm... ano 'yung reaksyon nila?" nag-aalinlangan kong tanong.

Nakagat ko pa ang labi ko habang tinatanong ko iyon. Napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya at hindi sinagot ang tanong ko sa kanya, taka ko siyang tinignan na may halong kaba.

"B-bakit ka huminto?" utal kong tanong at nilapitan siya.

"Bakit, m-may problema ba sa tanong ko?"

"No, the truth is, ayos lang naman sa kanila"

Hindi siya makatingin sa'kin kaya mas lalo lang akong naguluhan.

"Ang alin sa dalawa? 'Yung pagtanggi ko ba sa proposal mo o 'yung pagpapanggap na'tin?" nakakunot noo kong tanong.

"Pareho"

Sagot niya ng hindi pa rin tumitingin sa mga mata ko, mas lalo lang kumunot ang noo ko sa inaakto niya, kung totoo talagang ayos lang sa parents niya e bakit hindi man lang siya makatingin sa'kin ng maayos.

"Kung ganon pala e bakit hindi ka makatingin sa'kin ng maayos, huh?"

"Ang ganda mo kasi" namula ako saglit sa sinabi niya, saglit oo saglit lang. Halatang may tinatago 'to.

"Binobola mo lang ako e, 'saka mag sabi ka nga ng totoo." medyo inis kong ani.

Napatingin siya sa mga mata ko at bigla akong nakaramdam ng lungkot ng tumingin siya sa'kin, tila malungkot ang mga mata niya, parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi niya lang masabi.

"I already said the truth"

"Bahala ka nga d'yan"

Inis kong sabi at tinalikuran siya. Nag-patuloy nalang ako sa paglalakad ko ng hindi siya nililingon.

Hindi ko alam pero naiinis ako. Parang hindi siya nagsasabi ng totoo e, parang may tinatago siya. Ano ba kasi 'yon?! Ganoon ba kahirap sabihin ang totoo? Totoo ba talagang ayos lang sa parents niya ang pagtanggi ko sa proposal niya at sa pagpapanggap namin non?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now