chapter 26 Announcement

0 0 0
                                    


[3 Days Later]

Jasmine Pov.

Tatlong araw ang lumipas matapos maganap ang Camping, dalawang araw ang nakalipas matapos sabihin sa'kin ni Kian na binigyan pala siya ng daddy niya ng apat na araw para maalok ako ng kasal, akalain mo 'yun? Kung pumayag ako sa gusto ng daddy niya magiging fiancé ko siya tapos magiging asawa na! Yung dahil lang sa pagpapanggap niyong dalawa kamuntikan ka pang maging fiancé ng crush mo!

Pero sa totoo lang, hindi talaga ako pumayag sa alok ni Kian kasi hindi pa ako handa no! Hindi pa nga kami graduate ng highschool tas nakatakda na akong ikasal. Atsaka hindi pa nga alam ng pamilya ko na may boyfriend na pala ako e, ah oo nga pala. Sinagot ko na si Kian, kahapon lang.

Kyahh! Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari! Yung childhood crush ko, ngayon bf ko na! Ansaya! Balik na tayo sa topic.

So ayun nga, hindi pa nga alam nila mama at papa na may bf na ako, tas pumayag ako sa alok ni Kian na maging fiancé niya tas malalaman nila papa 'yon ng pabigla-biglaan e siguradong p*ty ako sakanila. Besides don ay may ibang rason pa ako kaya hindi ako pumayag, ang gusto ko ay makapagtapos ng kolehiyo tas matupad ang pinapangarap kong trabaho.

Masyado pa kaming bata para maitakda ng magpakasal, gusto ko dahan-dahanin lang ang mga pangyayari. Ipinaliwanag ko kay Kian ang lahat ng rason ko bakit hindi ako pumayag sa proposal niya, at sabi niya naiintindihan niya naman ako.

Handa naman daw siyang maghintay, ipapaliwanag niya nalang rin daw ang lahat sa daddy at mommy niya para magkalinawan.

"May date kayo mamaya ano? Kaya ang aga mong nagising tas sobrang energetic mo" sabi ni Anna sa kalagitnaan ng paglalakad namin papuntang classroom.

"Girl, totoo na ba talaga yan? Hindi na ba 'yan pagpapanggap?" curious na tanong ni Isha.

"Oo nga, totoo na talaga to!"

"Good luck nalang sa relationship niyo Jas ah! Tandaan mo, mayroong hadlang parin sainyo" sabi ni Isha habang seryosong nakatingin sa unahan, tumingin ako sa unahan at kaya naman pala. Papalapit na dito sila Natasha kasama 'yung buntot niyang si Rica.

Nakataas ang kilay ng dalawa habang malditang nakatingin sa'ming tatlo, nakacross-arm pa itong naglalakad palapit sa'min.

Tumigil kami sa paghakbang at walang emosyong tinignan ang dalawa na papalapit sa direksyon namin. Tumigil ang dalawa at umirap naman si Natasha.

"Well, well, well... tignan mo nga naman, umagang-umaga nakasalubong ko na agad 'yung tatlong mga impàkta" maldita at mataray na sabi ni Natasha habang nakataas ang kilay na nakatayo sa hallway.

"Kami ba ang tinutukoy mong impàkta, Natasha?" tanong ni Isha rito. Napangiwi naman ako sa ginawang reaksyon ni Natasha, ang arte!

"Omy god, nahulaan mo ah" nakangising sabi ni Natasha, narinig kong bumulong ng mahina si Anna sa gilid ko.

"Omy god, nahulaan mo ah, tss" ulit ni Anna sa sinabi ni Natasha, narinig ata 'yun ni Natasha kaya biglang nainis ito.

"Hoy impàkta, may sinasabi ka?!" mataray na tanong ng buntot ni Natasha kay Anna, inirapan lang siya ni Anna.

"Rica, huwag mo nalang pansinin 'yan, masisira lang ang araw mo sa babaeng 'yan" sabi ni Natasha sab buntot niya.

"Tinawag mo ba akong impàkta?! Fyi, kung ikukumpara ang muka ko sa muka mo, mas muka kang impàkta!" nagulat kami ni Isha sa pagtaas ng boses ni Anna at sa paraan ng pagsagot niya sa buntot ni Natasha, kita ko namang biglang umusok ang ilong nung Rica, yung buntot ni Natasha.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now