chapter 19 the Rumors

0 0 0
                                    


Natasha Pov.

"Gosh, nakita mo 'yon? Ang sweet nila sa isa't-isa, 'no?"

"'Nga e, nakakainggit talaga si Jasmine. Sana ako nalang siya!"

"Pero sa totoo lang, bagay talaga silang dalawa, 'no? Ang lakas maka-chemistry nila!"

"Kyah! Kinikilig ako sakanila! Huhu"

"Sana sila nalang ang magkatul-"

"Pwede ba?! Tumahimik kayong dalawa! Kanina pa ako naririndi sa mga bunganga niyo! Can you two shut up?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis, bwìsìt na 'yan! Sa harap ko pa talaga mag-uusap!

"Hala! S-sorry Natasha, hindi namin alam na nandyan ka pala" kita ko ang gulat at takot sa mga mata nila matapos marinig ang sigaw ko.

"Obvious ba?! Syempre nandito talaga ako! Kanina pa! Ayan kasi e! Napaka-chismosa" mataray kong sabi 'saka umirap.

"P-pasensya na talaga Natasha! H-hindi namin sinasadya, p-patawarin mo kami!"

"Tch! Bwïsìt, umalis na nga kayo sa harapan ko! Sinisira niyo lang ang araw ko!" Sigaw ko sakanila, taranta naman silang nagsi-tango 'saka nanginginig na umalis.

Napangisi nalang ako, tama. Matakot kayo, kasi subukan niyo lang pumalag at lagot kayo sa'kin.

"Oh c'mon, relax lang girl! 'Wag ka pa high blood, masama 'yan" biglang sulpot ni Rica sa tabi ko.

"Shut up, Rica! 'Wag ngayon, wala ako sa mood" inis kong tugon rito, nawala na ako sa mood kanina dahil sa dalawang 'yon at hindi ko na masisikmura kung pati si Rica ay mas sisirain pa ang mood ko ngayon.

"Woah! Okay-okay! Btw, nabalitaan mo na?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ang alin?" I asked.

"Na nag-proposed si Kian sa babaeng 'yan kahapon" sabi niya at tinuro ang isang direksyon kaya napalingon ako ron. Mas lalo lang akong nainis sa nakikita ko ngayon, bruha talaga ang babaeng 'yon.

Ginayoma niya siguro si Kian para mapasakanya at maagaw 'to sa'kin. Isa talaga siyang bruha, malandi, slut, mang-aagaw. Bwìsit siya, ng dahil sakanya ayaw ng makipag-balikan ni Kian sa'kin.

"Will yeah, pero hindi pa naman sigurado 'yon at kung gagawin nga ni Kian 'yon ay hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon! Never!" Inalis ko ang tingin ko sa direksyon'g yon at bumaling nalang kay Rica, sige lang Jasmine, magpakasaya ka muna ngayon.

"Rumors pa lang naman 'yon kaya wala pang kasiguradohan 'yon, diba Natasha?" Rica said, tumango ako.

"Yeah, at kaylan man hinding-hindi magiging totoo 'yon. Dahil gagawin ko ang lahat mapasakin lang muli si Kian, that bïtch. Magpakasaya ka lang Jasmine dahil darating ang araw na papalitan ko ng sakit 'yang masayang muka mo" I said then I smirk.

Jasmine Pov.

"Kumapit ka ng mabuti" paalala ni Kian sa'kin, tumango ako at dahan-dahang kumapit sa bewang niya. Nagulat ako ng kuhanin niya ang dalawang kamay ko at mas lalong ipinahigpit ang hawak sa bewang ko at kalaunan naging yakap-yakap ko na siya patalikod na sanhi ng pagka-pula ko.

"Kumapit ka ng mabuti para hindi ka mahulog" paalala niya uli.

"Matagal na akong nahulog... Sayo" mahinang sabi ko sa kawalan, nabigla ako ng sumagot siya sa sinabi ko. Narinig ata niya, nakakahiya shumay.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now