chapter 20 The Untold Fellings

0 0 0
                                    


"K-kuya? What are you doing here?" Nilingon ko si Kuya Theo na labis na nakakunot ang noo.

"Huwag mo 'kong ma english-english dyan lil sis at sagotin mo nalang ang itinanong ko" shutdapak naman o! Ano nga ba 'yong tanong niya?! Naalala ko na!

"Ah bakit ka muna nandito?" Tanong ko pabalik.

"I'll tell you later"

"Sige, pero 'wag tayo dito mag-usap Kuya, d'on tayo" sabi ko at tinuro 'yong malapit sa tent. Binalingan ko ng tingin si Anna na tahimik lang. Torpe talaga 'to!

"Oy Anna! Usap muna kami ni Kuya ah!" Sabi ko rito, tumango lang siya at ngumiti habang nakatitig lang kay Kuya, napangisi nalang ako ng may maisip. What if, gumawa ako ng way para magkausap 'tong dalawang 'to.

Hmm, sige mamaya, gagawa ako ng paraan!

"Hali kana Kuya!" Sabi ko at naunang maglakad sa kanya.

"Ang totoo talaga Kuya ay mali ka lang talaga ng narinig kanina. Hindi ko talaga sinabing buntis si Jas! Namali ka lang ng narinig, promise!"

"So ano 'yung narinig ko na may plano na silang magpakasal? Si Jasmine 'yung tinutukoy ni Anna, tama?" Pati pala 'yon narinig niya. Ibig sabihin kanina pa siya nakatayo d'on sa likod ko! Narinig niya kaya 'yong lahat?!

"Pati rin 'yon misunderstanding! HAHA! Si Jasmine may plano ng magpakasal? Haha! E wala pa nga 'yong boyfriend e... ehe" peke akong tumawa at napakagat nalang sa ibabang labi.

"Isha, alam ko kung paano ka magsinungaling. Kagat-kagat mo ang labi mo kapag nagsisinungaling ka, kaya alam kong nagsisinungaling ka at hindi nagsasabi ng totoo"

"Sabihin mo, sino ba talaga 'yong lalaking nagugustohan ni Jasmine?"

"Kuya-" bago pa man ako makatapos sa pagsasalita ay nagsalita na siya.

"Si Xavier Kian Salvador, tama?" Nagulat ako sa sinabi niya, p'ano niya nalaman?! Teka kilala niya si Pres?!

"P-paano mo nalaman Kuya?"

"Sabi ko na nga ba" kumunot ang noo ko, anong sabi ko na nga ba.

"Pero p'ano mo nga nalaman Kuya?" Tanong ko uli

"Nakita ko silang dalawa na magkasama at ipinakilala rin siya ni Xavier bilang girlfriend niya"

"Pero kailan? At saan?"

"Sa mismong araw ng dinner ng Montecarlos at Salvador family kung saan nandoon ako at kasama si Sabrina" ah kaya naman pala-heh e anong ginagawa niya ron? At sino si Sabrina? Teka parang narinig ko na 'yung pangalangang 'yun ah! Saan ko nga ba narinig 'yun?

"S-sabrina? At sino naman 'yon, aber!?" Pinandilatan ko siya ng mata habang naka pamewang.

"Nakalimutan ko, hindi ko nga pa pala naipapakilala 'yong girlfriend ko sainyo" nalaglag ang panga ko sa sagot niya, girlfriend? Ibig sabihin girlfriend niya 'yong Sabrina?

"What?! Girlfriend?! Sino? Si Sabrina?! T-teka kaylan ka pa nag ka-girlfriend Kuya?!" Nakaka-shocks naman 'tong pinagsasabi ni Kuya ngayon! Pero wait-wait... kung may gf na si Kuya edi p'ano na si Anna?

Buti nalang pala at dito kami nag-usap ni Kuya at hindi doon dahil kapag narinig niya 'tong pinagsasabi ni Kuya sa'kin ngayon ay baka masaktan lang 'yon, matagal pa naman niyang crush itong mukong na 'to.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora