chapter 28 Conversation

0 0 0
                                    

Still Author Pov...

"Let's talk" seryosong saad ni Kian kay Natasha. Nagpaalam na si Rica para makapag-usap ang dalawa ng masinsinan.

"Sure, saan ba?" nakangiting tugon ni Natasha ngunit nanatiling seryoso pa rin ang muka ni Kian.

Hinawakan ni Kian ang pala-pulsuhan ni Natasha, hinila nito si Natasha at dinala sa tahimik na lugar. Bibitawan na ni Kian ang pala-pulsuhan ni Natasha ng pigilan siya nito at marahang hinawakan ang kamay ni Kian.

"Ang lambot parin ng mga palad mo Kia-" hindi na natapos ni Natasha ang magsalita ng biglang tanggalin ni Kian ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito.

"Paano mo nalaman ang mga 'yon?" mariing tanong ni Kian kay Natasha, umirap si Natasha at ngumisi.

"Bakit? Curious ka?" hindi siya sinagot ni Kian kaya natawa nalang ito at napairap muli.

"Why should I tell you?" mapang-asar na tanong ni Natasha kay Kian.

"Okay, sabihin nalang nating may taong nakarinig sainyo nung mga oras na'yon at sinabi sa'kin"

"Sino ang taong yun?" seryoso paring tanong ni Kian sa dalaga.

"Why should I tell you? But if you're really interested in knowing who that is, I'll tell you but with a kiss in return" sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Natasha sa panghuling sinabi nito, iniangat nito ang palad at hinaplos-haplos ang kaliwang pisngi ni Kian, habang may pagnanasang nakatingin sa mata ni Kian.

"Ano, payag ka?" mapang-akit nitong tanong at unti-unting ipinikit ang mga talukap ng mata, tumingkayad pa ito para mapantayan ang height ni Kian, kaunti nalang ay maglalapat na ang labi ni Natasha at ni Kian ngunit napadilat si Natasha at sumama ang timpla ng muka dahil sa sinabi ni Kian.

"Wala ka paring pinagbago, Natasha" tila dismayadong sabi ni Kian sa dalaga, kunot noong tinignan ni Natasha si Kian, hindi narin ito nakatingkayad.

"What do you mean?"

"Kaylan ka ba titigil, Natasha? Remember, you are the one who ruined our relationship, but why are you doing this, huh?"

"Kian, I told you that I'm really sorry for what I did and I told you that I want to get back with you"

"Why? To fool me again?"

"Why would I do that? Kian! I still love you so I want to get back with you, but because of that Jasmine! Hindi kana nakipagbalikan sa'kin!" tumaas ang boses ni Natasha ng dahil sa inis.

"Why are you blaming Jasmine? It's all your fault! That's why I didn't get back to you, I'm not stùpid Natasha to get back to you" seryoso at mariing saad ni Kian kay Natasha, umigting nalang ang panga ni Natasha habang galit na kinakagat ang ibabang labi nito. Lumalalim narin ang paghinga nito dahil sa inis.

"Kian, why are you acting like that? Don't you know that girl is a Gold Digger? Kian, wake up! Pinapaikot lang ni Jasmine ang ulo mo! Para ma-perahan ka!" Umigting ang panga ni Kian sa mga naririnig mula kay Natasha, tila hindi na niya nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ng dalaga.

"Don't you ever call Jasmine a gold digger, Natasha. Because first of all, what you say seems like you are just explaining yourself" Malamig na ani ni Kian at masama ang tingin kay Natasha, labis rin na nakakunot ang noo nito. Habang tinitingnan ni Natasha ang reaksyon ng muka ni Kian ay para siyang nanlalamig sa kinatatayuan niya dahil sa paraan ng pagkakabigkas ni Kian at sa paraan ng pagtingin sakanya ni Kian.

Napalunok siya at hindi nakapagsalita, bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa tono ng boses ni Kian.

"I know that no matter what I do, you will not tell me who was the person who heard what Jasmine and I talked about that day. So we better stop this conversation, now" malamig pa rin ang tono ng boses ni Kian habang binibigkas niya ang mga katagang 'yon.

Hindi siya sinagot ni Natasha, tumalikod na ito at maglalakad na sana paalis ng may gusto pa itong sabihin sa dalaga. Lumingon ito sa kinatatayuan ni Natasha at nagsalita.

"By the way, let me tell you that Jasmine and I did not pretend because of you, it seems that the person told you wrong information, Natasha" ngumisi ito bago nito itinuloy ang sinasabi.

"And lastly, there's no pretending going on anymore, Natasha" nakangising sabi ni Kian at naglakad na paalis, habang naka pamulsa.

Pumasok sa isip ni Kian na panahon na para sabihin sa lahat na totoong nagpapanggap lang sila ni Jasmine bilang magkasintahan at plano narin nitong sabihin sa lahat na tapos na ang pagpapanggap nila at totoong may namamagitan na sakanilang dalawa.

Ng tuluyan ng makaalis si Kian ay naiwan naman si Natasha na umiigting ang panga dahil sa galit, labis ng namumula ang muka nito sa galit at para narin itong maiiyak dahil sa mga sinabi ni Kian kanina, inis itong nagpadyak ng paulit-ulit sa sahig, kumuyom ang dalawang kamao nito habang paulit-ulit na minumura ang pangalan ni Jasmine.

"AHHH! BWÏSÏT!"Napasigaw at napamura nalang ito sa inis dahil parang hindi na niya alam ang gagawin.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now