chapter 11 Unexpextedly Hug

1 0 0
                                    

"Oum Kian, pwede ba kitang tanungin?" Tinignan niya ako saglit bago tumango. I let out a heavy sigh bago nagsalita.

"M-may feelings kapa rin ba kay Natasha?" Lakas loob kong tanong, nagulat siya sa sinabi ko pero agad ring nawala. Tinignan ko siya habang hinihintay ang sagot niya.

"Wala" diretsahang sagot niya na parang napakadali lang ng tanong ko, kumunot ang noo ko.

"Pero k-kaninang umaga kasi, nung recess time" gusto kong itikom ang bibig ko sa pagsasalita pero ayaw makisabay ng bibig ko, parang kumakati ang mga labi ko kung hindi ako magtatanong tungkol doon.

"Anong tungkol kanina?" Nagtataka niyang tanong habang ang tingin ay nasa daan parin. Hindi ako nakapagsalita agad dahil iniisip ko ngayon kung itutuloy kopa ba ang usapang ito, pero parang hindi ako makakatulog ngayong gabi kapag hindi ako nag tanong sakanya, tungkol kanina.

"N-nakita ko kasi kayo ni Natasha na ano..."

"Na naghahalikan" patuloy ko sa sinabi ko, nakita kong kumunot ang noo niya pero nasa daan parin ang tingin, hindi ako binabalingan ng tingin, ouch.

"You saw that?" Tumango lang ako

"So that's the reason why you're questioning me right now, about my feelings for Natasha" natahimik nalang ako sa kinauupuan ko dahil totoo naman ang sinabi niya.

"So ano, gusto mo parin ba siya?" Tanong ko ulit sakanya.

"I already answered that, and my answer is no. I don't have any feelings for her anymore" sagot niya pero ayaw maniwala ng sarili ko.

"Talaga? E bakit mo hinalikan si Natasha?!"

"No, I didn't kiss her"

"Wee maniwala naman, ano siya yung humalik sayo, tss"

"Siya nga" sabi niya na nakakunot na talaga ang noo ko, napairap nalang ako sa sinabi niya.

"Pumayag ka naman" mahinang sabi ko pero narinig niya pala.

"Teka nagseselos kaba?" Nagulat ako sa sinabi niya at agad napatingin sakanya. Nakakunot lang ang noo niya.

"Hindi no! P-pano mo naman yan nasabi huh?!" Natatarantang sabi ko at unti-unti na akong namumula kaya agad akong nag-iwas ng tingin para hindi niya makita.

"But you seem jealous" sabi niya at unti-unting may sumilay na ngisi sa labi, dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ay napainom nalang ako ng tubig na nakuha ko lang kung saan. I think I need to drink some water para mawala na itong kaba ko.

"Are you jealous, babe?" Bigla akong nabilaukan sa iniinom kong tubig at napaubo. Nataranta siya bigla at tinignan ako ng may pag-aalala.

"Are you alright Min? Mag-ingat ka kasi sa pag-inom, ayan tuloy" sabi niya at itinabi muna ang sasakyan sa gilid, hinagod niya naman ang likod ko habang umuubo ako dahil nabilaokan.

Ng hindi na ako inuubo ay tinignan ko agad siya ng masama.

"Ano ba, 'wag mo nga ako tawagin ng ganon!" Pasigaw na sabi ko, pero ang totoo nagulat lang talaga ako sa tinawag niya sakin kanina. Parang ang sarap pakinggan na tinawag niya akong babe.

"Sorry na, inaasar lang kita" nabigla ako sa biglang pagbago ng boses niya, para siyang naglalambing, ang cute pakinggan ng boses, ackk!

"Ayaw mo ba na tinatawag kitang babe?" Ayan na naman po yung babe niyang yan! Tigil-tigilan mo'ko Kian sa boses mong malambing baka 'diko mapigilan ang sarili ko at mapaamin ako bigla sa feelings ko.

"Okay lang naman, babe" wala sa sariling sagot ko , naramdaman kong nagulat siya sa sinabi ko at nawala ang ngisi sa labi niya. Nang ma-realized ko ang sinabi ko kanina ay bigla akong namula at napaubo ng peke, umayos kaagad ako ng upo at kinakabahang tinignan siya pero ng makitang nakatitig lang siya sakin ay bigla kong iniwas ang tingin ko, nakakailang ang mga titig niya para akong tinutunaw, help!

Napansin ko na namumula yung tenga niya kaya nagtaka ako ng kaunti, may sakit ba siya? Naglakas loob akong humarap sakanya at nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi na siya nakatingin sakin. Nakatingin na siya sa harap pero nakatulala lang ito, napansin ko na naman ang namumula niyang tenga kaya mas lalo akong nagtaka. Ano kayang nangyari sa tenga niya?

"Ah I mean kung gusto mo, ikaw bahala" usal ko at mukhang nabalik siya sa sarili niya ng magsalita ako, umubo siya ng peke bago tinignan ako.

"O-okay" sabi niya at sinimulan ng paandarin ang makina ng sasakyan, namuo ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa huminto kami sa tapat  ng building ng dorm ko ay wala paring nagsasalita sa'amin. Ang awkward tuloy ng situation namin.

Tinanggal ko ang seatbelt ko bago siya tinignan, tahimik lang siya habang nakatingin sa manebela. Nagtataka na tuloy ako sa inaakto niya ngayon, simula ng tawagin ko siyang babe kanina ay naging ganyan na yung inaakto niya. Ayoko naman mag-assume na kaya siya nagkakaganyan ay dahil pareho kami ng nararamdaman nung tinawig niya akong babe kanina pero hindi ko maiwasang mag-assume e.

"Salamat sa paghatid, ingat ka pauwi Kian"

Wala akong nakuhang response sa kanya kaya lumabas nalang ako ng kotse at ilang sandali muna akong tumayo don, hinihintay siyang umalis na. Bigla siyang lumabas sa kotse at naglakad palapit sa'kin, akala ko ay may sasabihin lang siya pero natuod ako sa kinatatayuan ko ng bigla niya akong yakapin.

Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya at pinapakiramdaman lamang ang tibok ng puso ko ngayon, ang lakas. Kinakabahan ako baka naririnig at nararamdaman niya ang bilis ng pintig ng dibdib ko.

"K-kian... a-anon-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin at nagulat nalang ako sa ginawa niya. Nagmamadali siyang bumalik sa kotse niya at pinaandar ang kotse paalis, naiwan akong tulala, nagtataka sa inasta niya, at nagugulohan kung bakit niya ako niyakap ng pabigla-bigla.

Wala sa sariling pumasok ako ng gate at sinara iyon, lutang akong umakyat sa dorm namin at hindi pinansin sila Isha at Anna na kanina pa ako tinatanong kung ano ang nangyari sa dinner, pumasok ako ng kwarto at sinara ang pinto.

Napasandal ako sa likod ng pinto at napahawak sa dibdib ko, 'wag kayong bastos. Ang lakas ng kabog ng puso ko na parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko, ang lalim ng mga kumakawalang hininga sakin, para akong tumakbo papunta dito para hingalin ako ng ganito.

Unti-unti akong napaupo at biglang namula ang pisngi ko ng maalala na naman ang ginawang pagyakap sakin bigla ni Kian, agad akong napatakip ng muka ko gamit ang dalawang palad at pinipigilang sumigaw sa kilig.

Pakiramdam ko may mga paro-parong nagsisiliparan sa loob ng tiyan ko dahil para akong kinikiliti sa kilig, tumayo ako at parang bàliw na nagtatalon sa kilig at saya.

Ngayon hulog na hulog na talaga ako sakanya, ano bang ginawa sakin ni Kian para magkaganito ako!

"Niyakap niya ako! Ackk! Niyakap niya ako!" Nabàbàliw na ako habang pigil-pigil ang bibig na sumigaw sa loob ng kwarto ko, baka marinig nila Isha at Anna at isiping nabàliw na ako matapos ko lang kumain ng dinner kila Kian.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now