chapter 3- Xavier and jasmine

6 3 0
                                    

Isha at the multimedia 👆🏻

____________^______^______________________

Habang nag ce-cellphone ako dito sa sofa ay bigla'ng umupo sa tabi ko si Isha at huhulaan ko, magtatanong ito.

"Gurl hindi mo sinagot yung tanong namin kanina" simula nito sa sasabihin niya. Binaba ko ang cellphone at tinignan siya na yakap-yakap ang unan.

"Ano ba yung hindi ko sinagot na tanong nyo kanina huh?" Tanong ko at kumuha ng unan para yakapin rin.

"Yung lasa ng labi ni Pres haha" sabi ko na nga'ba at ito yung itatanong ng babaeng to.

"Ano ba kasi yung lasa gurl?" Tanong to ng tanong kung anong lasa ng labi ni Pres, e what if siya nalang yung humalik kay Pres instead sa'kin. Nasayang pa yung first kiss ko but medyo worth it naman, Char!

"Gusto mo malaman anong lasa ng labi ni Pres?" Tumango naman ito, gusto talagang malaman.

"Bukas puntahan mo si Pres ta's halikan mo'rin siya, then don mo malalaman ano lasa ng labi niya" sabi ko at bumalik uli't sa pag ce-cellphone. Nakita ko naman siyang umirap.

"No,yoko nga! Kay Peter kolang ibibigay yung first kiss ko noh!" Sanaol nalang talaga kay bakla dahil loyal tong nagkaka-crush sakanya, sanaol.

"Edi sanaol"

"Ano ba yung pinag-uusapan nyo huh?" Dumating si Anna na may hawak na popcorn galing sa kusina. Kaya pala ang tagal don sa kusina, nagluto pa pala ng popcorn.

"Nga pala, nood tayo horror movie's guys!" Masigla niyang sabi at pinakita pa samin yung popcorn na niluto niya. Mukang naghanda talaga to sa panonood ah.

"Wag na Anna, lakas mong mag-aya manood ng horror movie's e takot ka naman" sagot agad nitong si Isha.

"Lol, ako takot sa horror movie's? Hindi kaya" umupo siya sa kabilang side ko.

"Wee di nga?" Pang-aasar pa ni Isha.

"Halos mahimatay ka nga non sa pinanood nating horror movies eh" naaalala ko na naman yung time na nanood kami ng nakakatakot na movie at yun rin ang time na halos mahimatay si Anna sa takot, halos mapaos yun kakasigaw. Napagalitan tuloy kami ng nag aasikaso sa building ng dorm.

"Past is past, okay?"

"Tama na ngayang bangayan nyo, baka nakakalimutan nyong may gagawin pa kayong project at assignment, remember?" Mukhang nakalimut ata itong dalawang to. Natahimik sila at umastang may sariling ginagawa.

"Anak ng! Huwag nyong sasabihing hindi nyo tutuparin yung pinangako nyo!" Itong dalawang to may balak atang kalimutan yung sinabi kanina.

"O baka gusto nyong malaman ng mga crush nyo na may gusto kayo sakanila?" Sana gumana tong pangbabanta ko sakanila. Mukhang gumana naman dahil agad nag react yung muka nila.

"Syempre joke lang yun Jas, di'ka naman mabiro oh. So nasaan naba yung assignment mo?" Sabi ni Isha at nagmadaling kinuha ang bag ko at may hinalungkat doon.

"Oy walang ganyanan Jas! Nagbibiro lang ako noh, nasan na iyong mga materials Jas para masimulan ko nang gawin yung project mo" napangisi ako sa dalawa at agad ko naman tinuro kung saan ko nilagay ang mga materials for my project.

At yun nga ang nangyari, natapos ang assignment ko at project ko ng hindi ako ang gumawa hahaha. Aba dapat lang nila tuparin yung pangako nila sakin noh! First kiss ko ang ibinuwis ko para sa assignment at project ko.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum