Chapter 1- Dare

14 4 0
                                    


Jasmine at the multimedia👆🏻

___________________________________________

"Hays't ang boring naman girls" Inaantok na usal ni Isha, humikab pa ito dahil sa antok.

"Girls wala ba kayong naiisip na pampalipas oras diyan?" Tanong ni Anna.

"Wala e, ikaw ba Jas?" Tinignan ako ni Isha, tumingin rin si Anna sakin. Kanina pa ako tahimik dito.

"Wala rin eh" nakasimangot na tumango si Isha at napahikab uli. Kanina pa kami nakatunganga dito sa loob ng dorm.

"Ayun! May naisip na ako girls!" Nabaling ang tingin namin ni Isha kay Anna dahil sa sinabi niya.

"Talaga! Ano?" Tuwa'ng tanong ni Isha kay Anna. Ano naman kaya naisip ng babaeng to?

"Wait, may kukunin muna ako, hehe" nagkatinginan kami ni Isha dahil nakangiting aso'ng ulol tong si Anna. Sabay kaming nagkibit balikat at hinintay na bumalik si Anna.

"Charan!" Tumaas ang isang kilay ko at kumunot ang noo ni Isha, dahil sa walang lamang bote'ng kinuha ni Anna.

"Ano'ng gagawin natin dyan?" Tanong ko sakanya, tumawa lang ito at umupo uli't.

"Simple lang, maglalaro tayo ng Truth or Dare!" Masiglang sagot niya. Truth or Dare huh?

"Okay, sino sasali?" Nakangisi niyang tanong at tinignan kaming dalawa ni Isha. Nagtaas ako ng kamay at si Isha.

"Okay, game!" agad kaming umupo sa sahig at bumuo ng bilog. Nilagay ni Anna ang bote sa gitna at nagbilang ng tatlo bago ito pinaikot. Unang huminto ay sa harap ni Isha kaya nagtawanan kami ni Anna, dahil sa muka nito.

"Truth or Dare?" Nakangiting tanong ni Anna sakanya.

"Hmm, Truth!" Walang alinlangang sagot ni Isha, agad kaming nag-isip ng itatanong pero wala akong maisip kaya napatingin ako kay Anna na nag-iisip.

"May crush kaba sa room natin? Sino?" Tanong ni Anna , napatingin ako kay Isha ng lumunok ito.

"Yieee may crush siya haha sino ba'yan?" Tumatawang tanong ko, natawa rin si Anna.

"Oo, si Peter" medyo nahihiya niyang sagot at napakamot pa ito sa batok, nagulat kami ni Anna sa sinabi niya. Si Peter? As in yung baklang yun?

"Haha you mean yung si bakla?" Natatawang tanong ni Anna at mukhang hindi rin ito makapaniwala, seriously ganong type ang gusto niya? Pero kahit bakla yung si Peter, gwapo naman siya at matalino kaya siguro nahulog tong si Isha haha.

Tumango lang siya kaya mas lumakas ang tawa namin ni Anna, mukhang napikon ata namin si Isha. Sumimangot yung muka e haha.

"Bakit kayo tumatawa ha? Malay niyo hindi pala siya totoong bakla, di'ba?" Sabi nito at sumimangot. Dahil sa sinabi niya ay mas lalong lumakas ang tawa namin ni Anna. Inlab nga ang gaga.

"Haha well siguro, ba'ka ma-inlove rin si bakl-i mean Peter sayo" pinipigilan ni Anna ang tumawa pa, baka mapikon tong si Isha.

"Sige, let's proceed the game na!" Pinaikot ni Isha ang bote and this time kay Anna tumapat, mukhang handa ang gaga ah, tumikhim pa ito.

"Trut-"

"Dare!" Hindi pa nakakapagtanong si Isha ay nagsalita agad tong si Anna, excited yarn?

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentKde žijí příběhy. Začni objevovat