chapter 25 Jealousy

0 0 0
                                    

Jasmine Pov.

"Mali ang nakita niyo, ano ba kayo!" pagtatanggi ko sa nangyari.

"Tama ang nakita niyo" tinignan ko ng masama si Kian, itong lokòng 'to.

"Oh si Pres na ang nagsabi Jas na tama ang nakita namin kaya 'wag kana magkaila" sabi ni Isha.

"Ba't mo naman yun sinabi Kian?" mahinang tanong ko kay Kian at siniko siya ng mahina, tinignan niya ako ng nakakunot ang noo.

"Bakit? Ano bang mali kung nakita nilang naghahalikan tayo?"

"Nakakahiya kaya! Hindi ka ba nahihiya?"

*cough, cough*

"Hindi, pero ba't ka naman mahihiya e ikaw nga unang humalik sa'kin e" kumunot ang noo ko sa sinabi niya, anong ako ang unang humalik?!

"Lòkòng 'to, ikaw kaya unang humalik sa'ting dalawa!"

"You sure? so ako pala yung pumunta sa cafeteria tas bigla nalang nanghalik ng isang ssg president" sarkastiko niyang sabi.

*cough, cough*

"Psh, oo na ako na! Pero tandaan mo dare lang yun, 'wag ka assuming dyan na ginusto ko 'yun!"

"Talaga? Sigurado kang hindi mo ginusto 'yun?" mapang-asar niyang tanong, so ito nga nagbubulongan lang kami dito sa harap nila.

*cough, cough*

"Oo nga!"

"Wow ang sweet naman, bigla akong nainggit ah" bigla kaming natigil sa pagbubulongan ni Kian ng biglang nagsalita si Lawrence.

"Halos mapaos na ako kaka peke ng ubo pero parang wala lang" irap ni Isha, tinawanan naman siya ni Anna. Napansin kong kanina na pala umalis si Mr.Sungit.

"Ba't naman naiinggit ang Ren-ren ko na'yan?" pabebeng sabi ni Louie na nagpangiwi kay Lawrence at sa'kin.

"Eww, mandiri ka nga bro! Sige, alis na ako Tol ah, Jasmine alis na ako!" sabi ni Lawrence at tumalikod na.

"Oyy, ren-ren ko! sama ako!" pang-aasar sa kanya ni Louie at kaagad itong sinundan.

"Kami rin, aalis na Jasmine,Pres. Sorry sa pang-iistorbo namin hehe, puwede niyo na ituloy yung ginagawa niyo"

"Anna!" ani ko sa pangalan niya.

"Biro lang, tayo na Isha!" sabi ni Anna at kaagad hinila si Isha.

Nawala narin sa paningin ko si Natasha, mukhang lumayas na ata. Malamang selos na selos na talaga 'yon.

"So tayo nalang ang nandito..." parang may kahulugang sabi ni Kian at dahan-dahang tumingin sa'kin, sunod sa labi ko.

Agad nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ng kamay ang bibig ko ng ma gets ang gusto niyang iparating!

"Lòkò ka!" sabi ko at pinatid ang binti niya.

"The héck! Ba't mo yun ginawa?!" namimilipit niyang sabi habang hawak-hawak ang binti niyang pinatid ko, hala, napalakas ata.

"I-ikaw kasi e! Nanghahalik bigla!" sisi ko sakanya at agad siyang tinalikuran, tatakbo na sana ako paalis pero bigla niyang hinigit ang braso ko at kasunod ay niyakap niya ako. Nabigla ako sa ginawa niya at muli na naman akong namula at bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko.

"Aminin mo, nagustuhan mo rin yun" sabi ni Kian habang yakap ako.

"hindi no" tanggi ko.

"Eh ba't ka namumula?" asar niya

"Ano... mainit kasi" dahilan ko.

"Yung araw ba o yung halikan na'tin?" asar niya na naman.

"Nang-aasar ka" inis kong sabi, natawa siya sa'kin.

"Payag ako" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Pumunta tayo ulit dito tas sabay nating panoorin ang paglubog ng araw" malambing niyang ani. Napangiti ako dahil don.

"Talaga? Kung ganon, hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na 'yun!" masayang ani ko.

Ilang sandali ang lumipas ay kusa na akong bumitaw sa yakapan namin dahil baka maiwanan pa kami ng bus, nakangiti akong bumalik kila Isha na kanina pa ako hinihintay na bumalik. Kagaya ko ay bumalik na rin si Kian sa mga kaibigan niya.

"Wow, nakangiti yarn? Siguro may ginawa pa kayo nung naiwan na kayong dalawa don, 'no? Aminin mo!"

"Gàgà ka Isha, dumi ng utak mo! Syempre wala 'no!  Ano lang ehe"

"Luh, ikaw ata yung madumi ang utak Jas. Remember, wala akong sinabing nag-ano kayo eme-eme, atsaka ano yung ano lang ha?! The héck Jas! 'wag mong sabihing naglápläpan pa kayo!" agad kong tinakpan ang bunganga ni Isha dahil sa lakas ng boses niya, napatingin pa tuloy yung iba dito. Pünyétàng pinsan 'to, ang ingay ng bunganga!

"HAHAHA, LÀPLÀPÀN AMPÜTÀ!" halos màmàtày-m*tay na tawa ni Anna, parang maiiyak na ito sa kakatawa. Hawak-hawak pa nito ang tyan.

"Mga brühà kayo! Ang ingay ng bunganga niyo, shumay! Atsaka anong pinagsasabi mong làplápan, Isha huh?! Ikaw talagang babae ka! Kung ano-ano nalang pumapasok sa utak mo! Ang ibig kong sabihin sa ano lang ay, nag-hug lang kami! Ganon... so shut-up! Dudumi ng utak niyong dalawa, gàgò!" mura ko at nag walk-out, rinig na rinig ko pa ang tawanan ng dalawa na parang wala ng balak huminto.

Pa'no na kaya 'to? Sana walang nakarinig sa sinabi ni Isha, pero sa lakas ng boses non, imposible atang walang nakarinig sa sinabi niya. Pero siguro naman, hindi naman nila iisiping totoo yun, diba?

Kinuha ko ang malaking bag ko at padabog na tumungo sa bus namin. Yup, nandito na ang bus at ang iba ay nandoon na sa loob. May isang bus naman na para sa ibang section, bali tatlo kaming section tas 'yung isang section ay hinati. Kaya may kasama kaming hindi namin kaklase sa isang bus, ayos lang naman 'yon.

Naghanap ako ng upuan at nakakita naman ako ng bakanteng upuan na katabi lang ni Kristine, yung taga kabilang section. Umupo na ako sa tabi niya, pero hindi naman ata niya iyon napansin kasi naka headset siya at natutulog, halatang puyat.

Napatingin ako sa dalawa ng sumakay ito at agad naman nila akong nakita, nag-umpisa na naman silang matawa pero halatang pinipigilan nila ang matawa uli.

"pftt" rinig kong pigil tawa nila, napairap nalang ako sa dalawa. Umupo sila sa unahan, bali kami ni Kristine ang nasa likoran ng inuupuan nila, rinig na rinig ko parin ang bungisngisan ng dalawa.

Seriously, hindi parin sila maka get-over?!

Natasha Pov.

"Bwïsït na babaeng 'yun! Inuubos niya talaga ang pasensya ko!" Galit kong sabi habang umiigting ang panga.

"Bakit? Ano ba kasing nangyari, Natasha? Simula nung bumalik ka rito sa bus ay nagkaganyan ka na" tanong ni Rica habang sinusubukan akong pakalmahin, tinignan ko siya ng masama.

"Hindi naman ako magkakaganito Rica kung hindi sa impàktàng babaeng 'yun! Inaagaw niya talaga si Kian sa'kin!" inis kong sigaw at napasabunot sa buhok ko. Pilit akong pinapakalma ni Rica, kanina pa.

Jasmine Fernan, impàktà kang babae ka. Kung hindi ka lang dumating sa buhay ko at ni Kian siguro matagal na kaming nagbalikan ni Kian, ng dahil sayo hindi na nakipagbalikan si Kian sa'kin! Salòt ka talaga sa buhay ko Jasmine!

"Kapag ako nakahanap ng kahit kaunting baho mo Jasmine, sisiguraduhin ko. Ilalantad ko ito sa publiko at gagawin kong mas malala, pahihirapan ko ang buhay mo Jasmine, maghintay ka lang, babawiin ko sa'yo si Kian. Impökritong babae ka!" galit kong ani sa sarili habang masama ang tingin.

"Huwag kang mag-alala Natasha. Tutulungan kitang mabawi si Kian mula sa babaeng yun." sabi ni Rica habang nakangisi, napangisi ako sa sinabi niya.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now