chapter 14 First Love

0 0 0
                                    


Xavier Kian POV.

"What?"

"I said, if you can't marry the daughter of Montecarlos, you need to marry your girlfriend instead" Ulit ni dad sa sinabi niya kanina, kakatapos lang ng dinner ng family ko at ng Montecarlos family, at tuluyan ng na-cancel ang engagement's namin ni Sabrina.

Pero hindi ko inaasahan ang ibibigay na consequence sa'kin ni dad ngayon, hindi nga ako makakasal sa babaeng 'yon, magpapakasal naman ako kay Min.

"Pero dad-"

"No but Kian, I'm getting old and I want to see my grandson/daughter before i'll rest" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dad.

"Dad, kung pagod na kayo ay pwede naman kayong magpahinga kahit kaylan ah? Bakit gusto niyo pa ng apo bago kayo makapagpahinga?" Takang tanong ko, napamasahe sa sentido si Dad sa sinabi ko, bakit totoo naman ah?

"Anak ang ibig sabihin ng Dad mo ay, bago siya magpaalam sa mundong ito ay gusto niya munang masilayan ang magiging apo niya" singit ni Mom sa usapan namin ni Dad.

Now, I get it. But, what the heck! He want a grandson/daughter from me? I'm too young to be a father!

"Bukas na bukas Kian, alokin mo na ng kasal 'yong girlfriend mo'na 'yon!" Napaubo ako sa sinabi ni Dad, ano bukas? Sigurado na'ba talaga 'tong si Dad sa sinasabi niya?!

"But dad! Wala pa sa isip namin ang magpakasal! We haven't even graduated highschool yet!"

"Lower your voice Kian! Kung ayaw niyong magpakasal, pwes ipapakasal kita sa iba!"

"Dad, I can handle our company without getting married yet"

"I know you can handle it but-" I cut him off and sighed.

"Okay Dad, but can you give me seven days to find an opportunity to tell her, please" I said.

"Okay but I only give you four days, only" wala na akong nagawa at tumahimik nalang buong biyahe, iniisip kong anong gagawin ko.

Anong sasabihin ko kay Jasmine? Anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang gusto ni Dad na magpakasal kami. Nagtagumpay kaming dalawa sa pagpapanggap pero hindi ko aakalaing aabot sa ganito na kaylangan namin magpakasal kapalit ng pag-cancel sa engagement's namin ni Sabrina.

Papayag kaya siya?

Ang plano ko ay ligawan siya kapag natapos na itong pagpapanggap namin. Yes, she's my first love,  nong sinabi ko sa kanya na, liligawan ko ang first love ko, ang tinutukoy ko non ay siya.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag itong nararamdaman ko sa kanya basta ang alam ko lang ay nung una ko siyang nakita ay tumibok 'tong puso ko, hindi ko pinagbigyan ng pansin ang nararamdaman ko sa kanya dahil bata pa naman ako non.

Inaasahan kong mawawala rin naman itong nararamdaman ko sakanya kapag nagtagal pero habang tumatagal mas lalo lang tumitindi itong nararamdaman ko sakanya.

Pero nung araw na dumating sa buhay ko si Natasha ay unti-unti ko ng nakakalimutan ang nararamdaman ko sakanya pero nung araw na nalaman kong niloloko lang pala ako ni Natasha, sobra akong nasaktan non.

Pero nung araw na dumating at nagparamdam uli siya sa'kin at nung araw na hinalikan niya ako don sa cafeteria, hindi ko inaasahan ang lahat ng 'yon pero simula non bumalik lahat ng nararamdaman ko kay Jasmine at mabilis na humilom ang sakit na nararamdaman ko sa panloloko sa'kin ni Natasha.

___________________________________________

Short chapter lang to guys bawi nalng aq next chapter ^-^

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now