Chapter 7- Overthink

1 1 0
                                    

"Prepare yourself from pretending Min" napaangat ang tingin ko kay Pres or should I start calling him 'Kian'. Min, ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa palayaw na iyan.

"Sigurado ka 'ba na gagana itong gagawin natin?" Tanong ko sakanya, tinignan niya ako bago sumagot.

"Oo, basta galingan mo lang ang pagpapanggap mo" sabi niya at sinara ang pinto ng kotse. Napatango nalang ako at kinagat ang ibabang labi dahil sa kaunting kaba.

"e paano kung hindi ko galingan?" Tanong ko uli sakanya.

"Alam kong gagalingan mo" usal niya at kinuha ang kamay ko at ipinatong ito sa braso niya. Tumahimik na lamang ako, may lumapit na isang crew sa amin at sinamahan kami sa pina-reserved na table ng family ni Kian.

Umalis na yung crew at naiwan kaming dalawa dito, tumingin sakin si Kian at nginitian ako at tinanguan. Ngumiti ako sakanya pabalik bago kami dahan-dahang humakbang palapit sa table.

Author's Pov.

Natigil sa pag-uusap ang pamilyang Salvador at ang pamilyang Montecarlos, nang mahagip ni Mrs. Montecarlos ang dalawang taong papalapit sa pwesto nila.

Agad pumasok sa isip nito na baka ito na ang anak na lalaki nila Mr. at Mrs. Salvador.

"Mukhang nandito na ata ang mapapangasawa ng anak ko ah" usal nito dahilan para mapangiti ang pamilyang Salvador at agad lumingon. Ngunit agad nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ng pagtataka.

"Ngunit sino ang kasama niyang babae Mrs. Francesca?" Tanong nito ngunit hindi nakasagot ang ina ni Kian at nakatitig lamang sakanila.

"Good evening Mom, Dad and Tita, Tito" bati ni Kian ngunit wala itong natanggap na sagot. Napakurap nalang ang pamilyang Salvador at pamilyang Montecarlos.

"Ah good evening too Son" bati ng magulang ni Kian. "Good evening too Kian" bati ng pamilyang Montecarlos sa kanya.

"Can we sit?" Tanong ni Kian habang may ngiti sa labi. Agad naman ngumiti at tumango sila. Naghila ng isang upuan si Kian para kay Jas. Ngumiti si Jas kahit kinakabahan ito sa kaloob-looban nito.

"Hindi ko aakalaing ganyan ka pala kagwapo sa personal iho" puna ni Mr. Montecarlos habang may ngiti sa labi. Agad sinuklian ito ng ngiti ni Kian at sinagot.

"Maraming salamat p-" hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang dumating ang isang babae na may kasamang lalaki. Agad nabaling ang atensyon ng lahat dito.

"Rina bakit ngayon kalang? At sino yang kasama mo huh?" Galit na tanong ni Mrs.Montecarlos sa anak nito ngunit inirapan lang siya nito at hinila ang kasamang lalaki palapit sa table. Walang pasabi ay umupo ito at senenyasang umupo rin ang binatang kasama niya.

Nag-angat ng tingin si Jas ngunit muntik na niyang madura ang iniinom niyang tubig dahil sa nakita. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa binatang kasama ni Sabrina, napatingin rin ang binata kay Jas at katulad ng reaksyon ni Jas ay ganun rin ang sakanya.

Jasmine Pov.

Kamuntikan ko ng madura ang iniinom kong tubig ng makita si Kuya Theo sa harap ko na nakaupo. Póta bakit nandito tong si Kuya Theo? Inangat nito ang tingin at mukhang pareho rin kami ng reaksyon dahil gulat niya rin akong tinignan.

Gusto ko man magsalita ngunit nanatiling nakatikom itong bibig ko.

"Ah son, can I ask you who's that girl? We don't know her so please introduce her to us" mukhang napansin narin ata ako nila ah. Napatingin ako kay Kian ng hawakan nito ang kamay ko.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang