chapter 13"louie" "lawrence" "Aeris"

1 0 0
                                    

"Aray ko naman" mahinang daing ko ng matamaan ako ng isang beach ball, inis kong pinulot ito at tinignan yung tatlong kaibigan ata ni Kian na nasa harap ko.

"Sainyo ba'to?" May bahid na inis sa boses ko, sinusubukan kong huwag mainis pero naiinis talaga ako e, slight.

"Oo, sorry ah, galit ka'ba?"

Napairap ako ng palihim sa tanong niya, hindi ba obvious? Sila kaya tamaan ng bola bigla, sa tingin nila matutuwa sila?

"Hindi naman" pagsisinungaling ko

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng isa sakanila.

"Sa tingin mo?"

"Okay lang"

"Edi okay"

"Ikaw kasi e, ba't kasi nilakasan mo! Ayan tuloy natamaan yung gf ni Kian, mukhang maldita pa naman" bulong ng isa sakanila, napairap nalang ako, nagbubulungan pa e rinig ko naman.

"Kung nasaktan ka, sorry. Hindi namin sinasadya, amin na 'yang bola" sabi nung isa at hinablot sa'kin yung beach ball, sa pagkakatanda ko siya 'yong lalaking nakabunggoan ko noon ah.

"Aba epal to, hindi naman mukhang sincere 'yung sorry mo eh!"

"Edi gawin mong sincere, tsk" sabi niya at naglakad paalis at iniwan yung dalawa dito na kanina lang ay nagbubulungan.

"Ahehe sorry talaga Jasmine, hindi talaga namin sinasadya kaya patawarin mo'na kami ah!? Sige alis na kami!" Akmang aalis na sana sila pero pinigilan ko muna sila dahil may itatanong lang sana ako.

"Wait, 'wag mo'na kayong umalis, may itatanong pa ako!"

"Ano naman 'yon?"

"Uhm, si Kian ba'y sumama dito?"

"Bakit miss mo'na?" Namula ako sa tanong na'yon, umiling kaagad ako.

"Luh, hindi no!"

"Wee parang miss mo'na e"

"Hindi sabi"

"Ayos lang naman e, kung maka-deny para namang hindi mag-jowa" natahimik ako sandali sa sinabi niya at napakagat nalang ako sa ibabang labi ko nang makalimutang nagpapanggap nga pala akong gf niya.

"A-ah ano kasi, nakakahiya lang"

"Ano ka'ba Jasmine, 'di mo need mahiya sa'min kasi kaibigan naman kami ni Kian e! Diba bro?" Tumango naman 'yong isa.

"Oo nga naman pero iniiba nyo 'yong usapan e, ano, sumama ba sa Kian o hindi?!"

"Hindi"

"Huh, bakit hindi?" Naguguluhan kong tanong pero pareho lang silang nagkibit balikat.

"Kasi hindi siya sumama" napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa walang kwentang tugon nila.

"I mean bakit hindi siya sumama? May nangyari ba?! May emergency ba siyang dapat gagawin or pupuntahan kaya hindi siya sumama?"

"Uh ano e, hindi namin sure kung ayos lang ba na sabihin namin 'to sayo pero total gf ka naman ni Kian, siguro okay lang"

"So anong dahilan bakit hindi siya sumama?"

"Sabi niya, magkikita raw yung family niya at yung family ng Montecarlos, at kaylangan nandoon siya kaya hindi siya nakasama ngayon dito"

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now