chapter 31 End of pretending

0 0 0
                                    

Author Pov...

"Baka sarili mo ang sinasabihan mo, Ate"

Mas uminit ang ulo ni Natasha ng marinig ang sinabi ni Xyrene. Masama niya itong tinignan at kinausap gamit ang mga titig.

Humarap si Natasha sa mga estudyante at nagsalita.

"Kung ano man ang sinabi ng babaeng yan ay 'wag niyo nalang pansinin."

Tukoy niya kay Xyrene.

"Yeah, she's right. Kung ano man ang nasabi ko kanina ay pagkakamali lang 'yun." ang sabi ni Xyrene.

Naguluhan naman ang mga estudyante sa narinig, umugong ang bulongan.

"Anong ibig mong sabihin, Xyrene?" tanong ng isang estudyante.

Hinarap siya ni Xyrene at nginitian ng peke.

"What I mean is its just a joke. I'm just joking, okay? Kayo naman uto-uto rin kayo e ano? Actually, wala akong daddy, I don't know where he is but maybe he's d3ad."

Sarkastikong sambit ni Xyrene at ikinibit pa ang balikat.

"Hey Natasha Guttierez. Mukhang nagalit ata kita ah, sorry kung ganon. Binibiro ko lang sila at ikaw"

Parang nakahinga ng maluwag si Natasha pero hindi niya ito pinahalata, inirapan niya si Xyrene at nilagpasan ang babaeng humarang sa kanya.

Dumaan siya sa gilid ni Xyrene at pasimpleng binangga ang balikat nito.

Tumungo ito sa counter para um-order ng pagkain. Napadaan pa ito sa pwesto nila Kian at Jasmine. Nagtaka ito sa nakita, bakit may nakakalat na mga pagkain sa sahig at bakit madumi ang uniform ni Jasmine.

Hindi nalang nito pinansin at nagpatuloy nalang sa paghakbang patungong counter.

Nagsibalikan na sa mga pagkain ang mga estudyante kahit nagtataka parin sila. Tanging bulongan nalang ang ginawa nila.

Naiwan namang nakatayo lamang si Xyrene sa pwesto nito. Ipinilig nito ang ulo at mataray na bumalik sa pwesto nila Jasmine.

Jasmine Pov.

Gulat at hindi parin ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Ano?! Biro lang pala 'yon?!

Naglakad palapit sa'min si Xyrene na suot ang mataray niyang ekspresyon.

"Tch, paano ba 'yan. Nasira ang phone ko at mukhang ayaw na gumana. Ano ng gagawin mo Jasmine? Mahal pa naman 'to at sigurado akong hindi mo naman afford ang ganitong phone."

Mataray niyang sabi at umiiling pa na ipinapakita ang cellphone niyang nabasag ang screen. Napalunok ako, mukhang mamahalin nga.

Alam kong si Kian ang magsasalita sa aming dalawa kaya hinawakan ko ang kamay niya ng asta na siyang magsasalita.

"Hayaan mong ako ang lumutas sa gulo ko, Kian. Salamat pero ako naman ngayon."

Binigyan ko siya ng ngiti saka binalingan si Isha at Anna. Napansin kong bumalik na naman ang atensyon ng mga tao dito sa'min.

Mga chismosa talaga 'to.

Tinangoan lang ako ni Kian.

"Magkano ba ang cellphone mo, Xyrene?" tanong ko rito, napangisi naman ito.

"Nope, hindi pera ang gusto ko. I can buy a new phone kaya wala lang 'to sa'kin and I don't need your cheap money." napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Kapal ng amats nito ah!

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now