chapter 23 It's Over

0 0 0
                                    


Jasmine Pov.

Lumabas na nga kami ng tent at pumunta sa lugar kung saan namin sasalubungin si Kuya Theo kasama si Sabrina, at sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla naming nakasalubong si Kian kasama ang mga barkada niya.

Napahinto kami sa paglalakad ni Isha at Anna ganun rin sila Kian. Napatigil naman sa pag-uusap si Lawrence at Louie sa likod at napatingin sa gawi namin.

"Hello Jas!" bati ni Louie at kumaway, ngumiti ako at kinawayan siya pabalik. Ramdam kong tahimik lang sa gilid ko si Isha at Anna, mukhang nakikinig lang.

Napatingin ako kay Kian ng lumapit ito sa harap ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito ng makalapit sa harap ko, ibubuka ko na sana ang bibig ko para sagotin siya ngunit bigla naming narinig ang boses ni Kuya Theo kaya ang lahat ay napalingon sa gawing 'yun, at tama nga ako nandito na sila.

"Oww, It's that you Xavier Kian Salvador?" agarang tanong ni Sabrina ng makilala si Kian, nalipat naman ang tingin niya at napatakip pa ito sa bibig.

"Wait, Xavier girlfriend, right?" manghang tanong nito, hindi ko alam kung bakit tunog namamangha ang tono ng pagtatanong niya, bahala na nga.

"Oo, tama ka" sagot ko sakanya.

"Do you remember me?"

"Oo, ikaw si Sabrina" wika ko.

"That's good, that you still remember me btw are you the one who tell us to come here?" ngumiti ako at tumango.

"I didn't expect na magkikita tayong apat sa iisang lugar ah" sabi niya habang tumatango.

"Mamayang gabi, party kaya tayong lahat? Sama kayo ah!?" sabi ni Sabrina sa'min at kila Louie, nabigla naman ako sa biglaang pagyayaya ni Sabrina ng party.

"Teka lang, pwede makisingit? Payag ako dyan Sabrina ah pero pwedeng pahiram muna si Kuya? Kakausapin ko muna siya sandali ah?" singit ni Isha at walang anumay hinila agad palayo si Kuya Theo, napakunot ang noo ko kasi bakit siya ang makikipag-usap kay Kuya Theo? hindi yun ang plano ah, napatingin ako sa pwesto ni Anna pero walang Anna akong nakita.

Napakamot nalang ako sa ulo ko, yung dalawang yun mukhang nagplano ata kanina nung nakikipag-usap pa ako kay Sabrina. Ano naman kaya ang plano ng dalawang yun?

"Jasmine right? Pumunta ka sa party mamaya ah? 7:30 pm mag sta-start, ipapasundo ko nalang kayo kay Theo, ikaw Xavier, pumunta ka ah? pwede ring sabay kayo pumunta ni Jasmine. Kaibigan ba kayo ni Xavier? pumunta kayo don sa party ah? you three can bring girls too!" mahabang ani ni Sabrina habang nakangiti, wala na akong nagawa kundi pumayag kasi para namang may paraan pa ako para tumanggi atsaka mukhang masaya rin mag party eh!

"I'll buy drink muna, hihintayin ko nalang bumalik si Theo, bye" ani ni Sabrina at umalis na sa harap namin. Parang di ko gets ang mga pangyayari like ang bilis lang ganun at saan naman na kaya ang dalawang yun?

"Tol, alis muna kami ah? mag-usap na kayo ni Jasmine total yun naman talaga ang ipinunta natin dito" sabi ni Lawrence at nakapamulsa silang naglakad paalis, babalik na ata sa campsite nila. Pansin ko lang talaga na ang tahimik lang ni Mr.Sungit, bat kaya?

"So ano yung sasabihin mo?" nakangiti kong tanong kay Kian na nakatitig lang sa'kin. Nailang naman ako sa titig niya.

"Bakit may dumi ba ako sa muka?" takang tanong ko at kinapa pa ang muka ko para malamang may dumi ba o ano, nabigla naman ako ng bigla akong higitin ni Kian sa braso at niyakap. Hindi kaagad ako naka-imik sa gulat at pakiramdaman ko ay biglang bumilis ang pag-tibok ng puso ko dahil sa ginawang pagyakap niya sa'kin ngayon. Nag-init kaagad ang pisngi ko dahil don.

Pretending as a Girlfriend of our Ssg presidentWhere stories live. Discover now