Chapter 42

10 1 0
                                    

Trigger Warning: This chapter contains attempted suicide and self-harm.

Read at your own risk.

_____

CHAPTER 42

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang wala na ang unang lalaking naging kaibigan ko. Wala na yung lalaking nandiyan lagi sa tabi ko sa tuwing kailangan ko siya, at kapag down na down ako ay siya yung nagiging sandalan ko. Wala na yung lalaking lagi akong inaasar at binubwiset. Yung lalaking lagi akong nililibre.

Wala na.

Wala na si Yno.

Bakit ganoon? Lahat ng taong minamahal ko ay mabilis din kinukuha sa akin? Wala ba akong karapatan na maging masaya? Una ang magulang ko, iniwan nila ako. Pangalawa si Knight na niloko at sinaktan ako tapos ngayon pati ba naman si Yno?

“Ano ba ang ginawa ko noong past life ko at pinaparusahan Mo ako ng ganito?!” Humihikbing sigaw ko habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Masakit sa mata sa tuwing may tumatamang patak ng ulan sa mata ko ngunit hindi ko iyon inalintana.

“Naging mabuti naman ako, ah?! Hindi naman ako pumatay o nagnakaw pero bakit ako yung pinahihirapan mo? Pagod na ako! Pagod na pagod na!” Hindi na kinaya pa ng tuhod ko ang panlalambot at bumigay na iyon. Napaluhod ako sa kalsada habang bumabagsak ang malakas na buhos ng ulan sa katawan ko.

Ilang minuto akong nakaluhod sa kalsada. May naririnig akong mga busina ngunit hindi ko inintindi iyon. Hanggang sa may humawak nalang sa braso ko bigla at pinilit akong itinayo na napagtagumpayan naman nito.

“Nahihibang kana ba at gusto mong mag pakamatay?!” Malakas niyang sigaw sa akin habang yinuyugyog nang malakas ang balikat ko na para bang ibinabalik ako nito sa katinuan.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilaan kong balikat ngunit wala man lang akong maramdamang sakit doon.

Manhid na siguro ako ngayon.

Walang buhay ang mga matang nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

“P–Pagod na ako. P–Pinanganak nalang ba ako p–para saktan nalang? P–Pagod na p–pagod na ako. G–Gusto ko nalang mamatay. G–Gusto ko nalang m–mamatay.” Hinapit niya ang bewang ko at mahigpit na niyakap bago pa man ako muling bumagsak sa malamig na sahig nang maramdaman na bibigay sana ulit ang tuhod ko.

Malamig.

‘Yon ang naramdaman ko habang nakaupo sa loob nang passenger seat ng kotse. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok rito dahil sa kawalan ng sarili.

“Balutin mo ito sa katawan mo.” Sambit ni Knight nang inabot niya sa akin ang isang itim na jacket na kinuha niya sa backseat. Nang hindi ko kuhanin iyon at nakatingin lamang ako sa kaniya ay napabuntong-hininga siya bago siya na mismo ang nagbalot sa katawan ko ng jacket na binibigay niya, pagkatapos ay in-off niya yung AC. “Kailangan mong magpalit ng damit. Baka lagnatin ka pa.” Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaandar na ito kalaunan.

Nakasandal ang ulo ko sa bintana habang nakatingin sa labas kung saan bumubuhos parin ang malakas na ulan. Nakikita ko ang reflection ko sa salamin, pulang-pula ang mata ko at sobrang mugto na nito ngunit hindi parin mapigilan ng mata ko ang lumuha.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatulala hanggang sa namalayan ko na lamang na nakahinto na ang sasakyan at tinatanggal na ni Knight ang suot kong seatbelt.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko para ilabas sa sasakyan. Hinatak niya ako at nag patangay naman ako sa kaniya. Habang nasa loob ng elevator ay ilang beses kong naririnig ang pagbuntong-hininga ng katabi ko sa tuwing napapatingin siya sa akin.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now