Chapter 49

8 1 0
                                    

CHAPTER 49

Pagkatapos ng aminan na naganap sa pagitan ni Kuya Migs at Maggie sa tulong ni Yno ay nagpatuloy muli ang pagbabasa ko sa liham na ginawa ni Yno.

“Kuya, ikaw na ang bahala kila Mama at sa mga kapatid natin.”

“Kahit hindi mo sabihin utol, gagawin ko ‘yon.” Sabi naman ni Kuya Migs habang nakatingin sa kabaong ni Yno.

“Sorry din pala dahil hindi ko naitupad ang pangako ko sayong magiging sister-in-law mo si Zaria. Wala e, hindi tayo gusto. Kawalan naman niya iyon hahaha joke lang.”

Kahit nakaramdam ng hiya ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.

“Sa mga tropa ko riyan, Anthony at Mark. Kailan kayo susunod sa akin? Sabi niyo walang iwanan 'di ba? Hahaha de joke lang, bawal pa kayong sumunod, saka na.”

Tumawa naman ang dalawa niyang loko-lokong kaibigan.

“Bawal pa talaga ‘tol. Walang alak sa langit eh.” Natatawang biro ni Mark habang sumisinghot-singhot pa dahil kagagaling lamang sa pag-iyak.

“May pakiusap pa ako sa inyo, bantayan niyo si Zaria para sa akin. Anthony dude, alam kong may crush ka kay Zaria pero sinasabi ko na sayo. Subukan mo lang talaga, babangon ako sa hukay at pupuntahan kita.”

Nagulat ako sa nabasa ko ngunit mas nagulat si Anthony na napatayo pa mula sa pagkakaupo sa silya. “Hoy! Hindi totoo ‘yon. Czarina, huwag kang maniwala kay Yno. Hindi totoo ‘yon!” He sounds defensive habang si Mark naman na katabi niya sa upuan ay tumawa lang sabay sabing,

“Wala. Nilaglag kana ng tropa mo, pre.”

Muli kong inilipat ng page ang notebook. This time, message naman para kay Casper ang nakalagay sa papel.

“Casper,” Panimula ko. Umangat naman ng ulo ng lalaki at nakuha ko ang kaniyang atensyon. “Pre, may alam akong lihim tungkol sayo. Basahin mo yung page 20, ikaw lang dapat makabasa non. Sekretong malupit. Haha!” Kahit na may suot na sunglasses si Casper ay alam kong naguguluhan ito base sa pagkunot nito ng kaniyang noo.

Maski ako na curious kung ano ang tinutukoy ni Yno.

Ano kaya ang meron sa page 20?

Kinibit-balikat ko na lamang iyon at pinagpatuloy ang pagbabasa.

“Si Zaria pala, alam kong magiging mabuting kaibigan ka sa kaniya, alagaan mo siya at ipagtanggol kapag may umaaway sa kaniya. Handa na akong ibigay ang pwesto ko sayo dahil may tiwala ako sayo. Alagaan mo ang babaeng mahal ko at hmm alam mo na hahaha. Ingatan mo sila ni Cooler.”

“Speaking of guwapo kong baby.” Kasama ko si Baby Cooler, buhat-buhat siya ng isa sa kasambahay ni Tita Chris na nandito rin. “Huwag mong pahirapan si Mommy okay? At syempre huwag mo rin akong kakalimutan. Ako lang naman yung guwapo mong Tito Yno. Nag-iisa lang ako.”

Huminto ako sa pagbabasa nang may napansin ako sa papel. Para bang nabasa ito ng patak na tubig at natuyo. May ibang word kasi ay hindi na ganoong mabasa dahil yung tinta ng ballpen ay naghalo-halo na.

Para bang habang sinusulat niya ito ay umiiyak siya.

“Lumaki ka nang mabuting bata. Sayang at hindi ko na masisilayan ang paglaki mo pero masaya parin ako dahil sa ka-onting panahon ay nakilala at naalagaan kita.”

This time, tuluyan ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan kaya naman sinabi ni Kuya Migs na siya na ang magtutuloy at hinayaan ko naman siya na kuhanin ang mikropono at notebook na hawak ko.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now