Chapter 14

12 3 0
                                    

CHAPTER 14

"Naubos mo na pala ang gatas mo, baby Cooler." Sambit ko nang huling timpla na ng gatas ang nasa lalagyan niya ng gatas. "Inumin mo na ito at bibili lang ako ng gatas mo." Inabot ko sa kaniya ang beberon at iniwanan na muna siya sa stroller.

Pumunta ako sa pinaglalagyan ng iba't ibang brand ng gatas, nasa convenience store kasi ako ngayon–sa pinagtatrabahuan ko.

"Oh."

Kukuha palang sana ako ng gatas na iniinom ni baby Cooler na nakalagay sa itaas nang may isang kamay na nag-abot sa akin non.

Si Knight.

Simula ng usapan namin noong isang araw ay hindi na kami nakapag-usap pa ni Knight noong gabi ring iyon, dumami na kasi ang magbabayad ng mga pinamili ng customer.

Kinuha ko yung kahon ng gatas na inaabot niya. "Thanks!" Sambit ko at tinalikuran na siya para bumalik kay baby Cooler.

Nagpatuloy naman sa paglalampaso ng sahig si Knight.

Iniscan ko yung gatas pagkatapos ay binayaran ko na, wala ng customer ngayon kaya naupo muna ako tabi ni Cooler at pinunasan ang pisngi niya ng may tumapong gatas.

Dumukdok muna ako sa lamesa, nakaramdam na ako ng antok. Alas nuebe palang ng gabi, may isang oras pa.

"Mag kape ka muna."

Napaangat ang ulo ko nang maglapag si Knight ng kape sa harapan ko.

"Salamat, kailangan ko nga ito." Sabi ko at umayos ng upo, kinuha ko ang kapeng inilapag niya at hihigop na sana ako ng matigil nang magsalita siya.

"Hindi libre 'yan, may bayad." Sabi niya habang may subo-subong lollipop sa bibig. Naupo siya sa isang silya habang yakap-yakap yung map.

"Yung mineral water at advil na inabot ko sa iyo noong makita kitang lasing? Akala mo nakalimutan ko na iyon? Hindi pa bayad 'yon!" Sabi ko at tinuloy ang pag-inom ng kape.

Tumawa siya. "Sabi ko nga, libre na iyan." Sabi niya at nilabas sa bibig ang lollipop at dinilaan iyon.

"Bakit ka nagtatrabaho?" Tanong ko out of the blue. Mayaman si Knight, lahat ng gusto niya ay makakaya niyang bilhin kaya nakakapagtaka na nagtatrabaho pa ito.

"Why not?" Kaswal na sagot niya at sinulyapan si baby Cooler kaya napatingin din ako kay baby, natutulog na ito.

"Bakit dito pa sa convenience store?" Tanong ko pang muli at uminom ng kape.

"Bawal ba rito mag trabaho?"

"Seryoso ako rito, Knight!"

"Fine. Ito na, aamin na." Sabi niya at pinaikot ang stick ng lollipop at tumitig doon na akala mo ay nandoon niya makukuha yung sagot sa tanong ko. "Dahil–" Nahinto sa pagsasalita si Knight nang may pumasok.

"Good evening sir–" Bati ko habang nakangiti pero nawala ang ngiti sa labi ko nang makilala kung sino yung pumasok.

Chiwawa.

Tumingin sa akin si Chiwawa pero agad din umiwas at dumeretso siya sa fridge, kumuha siya roon ng frosty na tatlong piraso pagkatapos ay naglakad na palapit rito sa counter.

Hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil nakasuot sa ulo niya ang hood ng hoodie na kulay itim. Siguro puro pasa ang mukha nito?

Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na siya, pero hindi siya umalis dahil naupo ito sa upuan sa labas at doon kinain ang binili niyang frosty.

Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at humigop nalang ng kape.

Nang mag alas diyes na ng gabi ay inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag kong dala.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now