Chapter 58.1

8 1 0
                                    

“Czarina...”

Napalingon ako kay Casper na sumulpot na lamang sa kung saan. Buhat-buhat niya si Cooler. Kanina, hiniram niya ito sa akin. Ayaw sana ni Lance ipahiram si Cooler pero yung Bata na ang gustong sumama kay Casper kaya wala narin nagawa si Lance.

“Ito na si Baby Cooler.”

Bahagyang nangunot ang noo ko sa pagtataka dahil hindi makatingin sa akin si Casper ng deretso at walang kabuhay-buhay rin ang tono ng kaniyang boses.

Isinawalang-bahala ko nalang iyon dahil baka pagod lang siya. Nakangiting kinuha ko sa kaniya si Cooler na mahimbing na natutulog sa mga bisig niya.

“Are you tired?” Napalingon ako sa taong umakbay sa akin, si Lance. Nalanghap ko ang mainit niyang hininga dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Amoy black label siya.

Tumango ako. Masakit na ang paa ko dahil kanina ko pa suot ang high heels. Alas-tres na nang madaling araw kaya nakakaramdam na ako ng antok. Ang parents at ibang kapatid ni Lance ay wala na rito at mga nagsipasok na sa loob ng mansion para siguro mag pahinga na. Ang naiwan nalang dito sa labas ay ang mga pinsan niya na kainuman niya.

“Balik na tayo sa kuwarto.”

“Okay.”

Nilingon ko si Casper para sana mag paalam, ngunit nang harapin ko na siya ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Hindi man lang ito nag paalam na aalis na.

Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon at pumasok na kami ni Lance sa loob at umakyat ng hagdan para pumunta sa kuwarto niya. Maingat kong inihiga si baby Cooler sa gitna ng kama dahil baka magising siya. Nilingon ko si Lance pero agad rin akong napaiwas nang makitang nagtatanggal siya ng botones ng polong suot niya.

Hinubad ko na lamang ang suot kong high heels. Nang matanggal ko na ang high heels ko sa kanang paa ay para itong nakaramdam ng kaginhawaan.

“Love?” Narinig ko ang pagtawag ni Lance sa akin.

“Hmm?” Hindi ko siya nilingon. Abala ako sa pagtanggal ng heels sa kaliwa ko namang paa. Nang mahubad ko na ito ay itinabi ko ito sa isang tabi.

“Can you help me? Hindi ko kasi matanggal ang ibang botones ko.”

Doon ko siya nilingon. May dalawa pang botones ang naiwan sa ibaba niyang polo shirt. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tinulungan ko na siyang hubarin ang suot niya. Hindi naman ako nailang dahil may panloob naman siyang manipis na sando.

Ang kahuli-hulihang botones nalang ang tatanggalin ko nang maramdaman ko ang palad ni Lance sa balikat ko. “Ikaw, love? Hindi ka ba maghuhubad?”

Inis na hinampas ko ang kamay niya nang unti-unti niyang hinihila pababa ang strap ng dress ko.

“Talandi ka!”

Namumula ang mukha ko nang pumasok sa alaala ko ang nangyari sa amin kanina sa restroom.

Hindi na birhen ang dibdib ko!

Mas nauna pa siyang dumede kaysa sa magiging future baby ko—pero baby ko rin naman siya—argh! Ano ba itong pinagsasabi ko? Nababaliw na ako!

Kasalanan 'to nang malanding lalaking nasa harapan ko, e!

Marahas na pinakawalan ko ang laylayan ng polo ni Lance nang tuluyan ko ng matanggal ang kahuli-hulihang botones na hirap na hirap niyang tanggalin.

Humalakhak ng tawa si Lance at kinulong niya ako sa mga bisig niya. “Biro lang, baby.” Naramdaman ko ang labi niya na dumikit sa leeg ko. “Fuck. I'm sleepy.” Napalunok ako ng laway nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa balat ko.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now