Chapter 51

11 1 0
                                    

CHAPTER 51

Isang linggo na ang lumipas simula nang ilibing si Yno. Hanggang ngayon ay hinahanap-hanap ko parin siya. Gustong-gusto ko ulit maramdaman ang presensya niya, yung boses niya, yung pagtawa niya at lalo na yung mga pang-iinis niya sa akin.

Sa tuwing naalala ko siya at namimiss ay hindi ko mapigilang hindi umiyak at mag brakedown. Mabuti nalang at sa tuwing nangyayari iyon ay kasama ko si Lance at siya ang umaalo sa akin.

Sa isang linggo ring iyon ay sinasanay ko na ang sarili kong tawagin si Chiwawa sa tunay niyang pangalan na Lance. Request niya at pinagbibigyan ko lang. Kahit papaano naman ay unti-unti na akong nasasanay na Lance na ang tawag ko sa kaniya.

Bigla tuloy bumalik sa akin ang scenario na iyon kung saan doon ko rin nalaman kung bakit sinipa niya ang upuan ko noong nag transfer siya sa school.

“Can you stop calling me Chiwawa? I have a name, Czarina.”

Ito ang request sa akin ni Lance mula sa tinatamad na boses. Nandito kami ulit na dalawa sa rooftop. Nakaupo kami sa dalawang silya na nadatnan na lamang namin dito sa itaas. Siguro yung ibang estudyante na nagpupunta rin sa rooftop ang naglagay nitong upuan.

“Paano kung ayoko?” Pang-aasar ko sa kaniya bago sumubo sa hawak kong Ice-cream na chocolate ang flavor.

Sinamaan niya ako ng tingin bago sinimangutan. “Sama ng ugali mo.” Saad niya na parang bata na nagpatawa naman sa akin. Ang cute-cute talaga niya kapag ganito siya umakto. Sarap pisilin ng pisngi. Nakakapanggigil. Sarap i-kiss–de joke lang hehe.

“Bakit? Ang cute kaya! Chiwawa. Lance Chiwawa.” Sabi ko at sinenyas pa ang kamay, patuloy parin sa pang-aasar sa kaniya. “Saka, hindi ka pa ba nasanay? Ilang buwan na kitang tinatawag sa ganoong pangalan, ah?”

“Tsk! Bakit ba kasi tinawag mo ako sa gan'yang pangalan?”

Napaisip ako habang nakaipit ang plastic na kutsara sa pagitan ng aking labi.

Bakit nga ba?

Doon pumasok sa alaala ko ang nakaraan. Noong unang beses ni Lance tumapak sa classroom namin bilang transferee. Napasimangot ako, at kinuha ang kutsara sa bibig ko para ibalik sa hawak kong cup ng Ice cream na may paubos ng laman.

“Dahil sinipa mo yung upuan ko ng walang dahilan letsugas ka!”

Bumalik muli yung pagkainis ko sa kaniya non kaya hindi ko mapigilan na samaan siya ng tingin ngayon.

Hanggang ngayon ay may malaking question mark parin sa aking isipan kung bakit niya sinipa ang upuan ko noong mga araw na ’yon. Sa pagkakantanda ko ay wala naman akong ginawang mali sa kaniya non!

“Kasalanan mo naman! Kung hindi mo sinipa yung upuan ko noong unang tapak mo sa classroom namin, hindi sana kita babansagan sa ganoong pangalan at maayos sana ang pakikitungo ko sayo non!”

Siya rin ang una kong nakaaway ngayong second year college ako!

Napa ‘O’ ang labi ni Lance. Marahil siguro naalala na niya ang ginawa niya noon. “Oh, yeah. Sinipa ko nga yung upuan mo. Natatandaan ko na.”

“Oh, kita mo na—”

“But I did it on purpose.” Sansala niya sa nais ko pa dapat sabihin.

“You did what?” Nangunot ang noo ko. “Purpose?” Tumango-tango naman ito sa akin. “Ano purpose mo? Bwisitin ako? Siguro, nagpapansin ka ’no? Crush mo na siguro ako non?”

“Haha! What? I'm sorry to burst your bubble Love, but No.”

Sabi ko nga hindi.

“Pero bakit mo ginawa ’yon kung hindi mo naman pala ako crush, aber?”

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now