Chapter 31

13 3 0
                                    

CHAPTER 31

Hindi ako palasumbat na tao pero Lord, bakit si Yno? Bakit siya pa? Wala namang ginagawang masama ang tao bakit siya? Maraming tao sa mundo na masasama; killer, adik, snatcher, bakit hindi nalang sila ang tamaan ng lintek na cancer na iyan?

Bakit 'yung tao pang marangal na nagtatrabaho para buhayin ang pamilya? Bakit 'yung tao na wala namang ginawang mali? Bakit si Yno pa? Bakit siya pa?!

Kanina noong nasa ospital pa kami ay itinanong ko siya kung kailan nagsimula, kailan pa niya nalamang may cancer siya at bakit tinago niya.

"Isang taon narin, tinanggap ko nalang, nandiyan na e. Akalain mo iyon? Inaasar pa ako ni Timothy noon na wala raw akong utak tapos malalaman kong may brain tumor pala ako. Gets mo? Brain two more, hindi lang isa ang utak ko kun'di madami. Haha!" Nagawa pa niyang magbiro sa malalang kalagayan niya.

"Alam mo bang kaya ako nagtatrabaho, bukod sa pagpapadala ko ng pera sa pamilya ko ay nag-iipon ako para narin sa burol ko? May nakita na nga akong kabaong na astig e, yung may ilaw sa bawat gilid? Sarap siguro humiga roon 'no? Haha." Tumulo na ang ilang butil ng luha sa mga mata niya hanggang sa hindi na niya napigilan at sunod-sunod na ito. "Shit! Wala naman ng bagyo ah? Bakit umuulan?" Sambit niya habang pinupunasan ang pisngi pero may kapalit agad na luha.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya nang sobrang higpit. "Huwag ka namang magsalita ng ganiyan o, gagaling ka, hindi mo kami iiwan, kaya nga nandito ka sa ospital 'di ba? H–Huwag mo akong iwan, please?" Pagmamakaawa ko habang humahagulgol sa dibdib niya.

Parehas na kaming umiiyak ni Yno sa bawat isa. "N–Natatakot ako Zaria," Usal niya. Ang kaninang mapagbirong si Yno ay tuluyan ng nawala at napalitan ng parang batang nagsusumbong sa ina. "Ayoko pang mamatay, ayoko pa kayong iwan, marami pa akong pangarap sa buhay ko."

"Bakit ako pa? Zaria, bakit ako pa? Wala naman akong ginagawang masama hindi ba? Bakit Niya ako pinarusahan ng ganito?" Sambit ni Yno "Hindi pa ako mamatay hindi ba? Makakasama ko pa kayo ng matagal 'di ba, Zaria?"

Pinapakalma ko muna ang sarili ko habang pinupunasan ang luha ko bago ako humarap sa kaniya na nakangiti.

Sinapo ko ang magkabilaang pisngi niya at pinunasan ang luha niya na patuloy parin sa pagragagsa. "Shh, gagaling ka ha? Makakasama mo pa kami ng matagal, makakasama ka pa namin." Pilit kong pinapasigla ang boses ko, hindi dapat ako paghinaan ng loob, kaya niya ito 'di ba? Kaya niya, si Yno pa ba? "Hindi ka namin iiwan, hindi kita iiwan. Nandito lang kami para sayo ha? Hindi ka nag-iisa, hmm? Tumahan kana, ang pangit-pangit mo umiyak Yno."

Pagak na natawa si Yno at sinapo rin ang magkabilang pisngi ko at hinimas ang pisngi ko gamit ang thumb niya. "Ikaw din, pangit mong umiyak. Wala ng iiyak, ah?" Sambit niya habang nakangiti.

Nakangiting tumango ako. "Wala ng iiyak, nakakapangit."

"Si posporo, hindi pa umiiyak, pangit na." Sambit niya at tumawa.

Natawa rin ako. "Loko ka, marinig ka non!" Sabi ko. Kaming dalawa lang kasi ni Yno ang nasa loob dahil sila Casper ay lumabas na muna.

Parehas nalang kaming natawa, maya-maya lang ay sumeryoso si Yno at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi parin niya. "Zaria, I'm sorry kung hindi ko agad pinaalam sayo, pati narin sa biglaang pagdropout ko at pagkawala. Ayoko lang kasi na alalahanin niyo pa ako, ayokong maging pabigat pa ako sa inyo."

Umiling ako at hinaplos ang maputla niyang balat. "Huwag mo ng isipin iyon ha? Wala na iyon, at saka, kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa'min kaya huwag mong sabihin iyan." Sambit ko "Magpagaling ka ha? Lalaban ka, pagsubok lang iyan. Ikaw si Yno e, bukod sa guwapo ka, malakas ka pa. Cancer lang iyan, ikaw si Yno."

"Kapag talaga mula sa'yo galing ang salitang guwapo, pakiramdam ko talo ko si Kim Seokjin na worldwide handsome, eh." Sambit ni Yno at muli akong niyakap. "Mahal pala yung kabaong na umiilaw, hindi pa sapat ang pera ko. Ilang taon pa ang gugulin ko sa pagtatrabaho para mabili at makahiga roon. Ipon muna 'ko."

Sa sinabi niyang iyon alam kong lalaban siya.

Dumating ang Mama ni Yno kaya lumabas na muna ako para makapag-usap sila ng masinsinan.

Nagpaalam muna ako kay Casper na pupuntang cr pero ang totoo ay nandoon nalang ako sa hallway, nakatago sa pader at mag isang umiyak.

Ang sakit sa dibdib, hindi na ako makahinga, hindi ko matanggap ang kalagayan ngayon ni Yno.

Kaya noong umuwi na kami ni Casper ay tulala lang ako hanggang sa makarating kami sa apartment.

Nagkulong ako sa kuwarto pero ang tahimik, ayoko ng tahimik, masisiraan lang ako ng utak nito kakaoverthink kaya lumabas ako ng apartment at hinayaan ang mga paa ko kung saan ako nito dadalhin.

Hanggang sa napagtanto ko nalang na nasa isang condo unit ako at kinakatok ang isang pintuan.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto, bumungad ang mukha ni Knight na halatang nagulat pa sa presensya ko.

Bubuka palang sana ang bibig niya nang walang pasabing niyakap ko siya at doon umiyak sa dibdib niya.

Baby Series #1: CoolerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt