Chapter 25

12 2 0
                                    

CHAPTER 25

May pasok na kami ngayon, umuulan parin ngunit mahina na.

Kinuha ko na ang baby bag ni baby Cooler na nakalagay sa kama pagkatapos ay nilagay ko na siya roon at sinuot ko na sakin.

Kinuha ko ang jacket nung gagong lalaki na nakasabit sa likod ng pintuan ko.

Ilang buwan narin pala simula naging sa akin itong jacket niya, kailangan ko kayang makikita muli 'yung gagong 'yon? Mabigyan man lang ng sapak kahit isa, akala niya nakalimutan ko ang ginawa niya sakin ng gabing iyon?

Sinuot ko narin 'yon pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kuwarto. Kinuha ko ang payong na nakalagay sa upuan sa sala pagkatapos ay lumabas na ako ng apartment ko para sumakay ng jeep papasok sa school.

Pagkarating sa school ay naglakad na ako sa quadrangle, marami akong nakakasalubong na mga estudyanteng kagaya ko ay may mga payong din at suot na jacket.

Mas okay na nga sa akin na maaraw kaysa ganitong maulan, hassle kaya, may talansik na nga ako sa bandang binti, eh.

Habang naglalakad, naaninagan ko si Chiwawa na naglalakad patungong locker room. Nakasuot siya ng gray na hoodie habang may napalupot na headphone sa leeg.

Bigla akong namula, naalala ko kasi ang nangyari doon nang nasa bahay pa niya kami.

N-I-Y-A-K-A-P  K-O  S-I-YA  H-A-B-A-N-G T-O-P-L-E-S-S  S-I-Y-A.

As in, sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kaniya dahil sa sobrang takot doon sa letseng robot niya.

Ramdam na ramdam ko ang matitigas niyang parte ng katawan; Muscles, dibdib, abs, tapos 'yung ano....Argh! Nevermind.

"Hoy! Tulala ka riyan?!"

"Ay! Matambok na boxer!" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng multo, agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko.

"What? Ano sabi mo Czarina? Tama ba ang narinig ko?" Namimilog ang mata na tanong ni Casper.

"A–Ah..." Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil pati ako ay nabigla rin, ramdam na ramdam kong nag-iinit ang mukha ko dahil sa labis na pagkapahiya.

"Goodness! Si Mommy Czarina, may pinagpapantasyahang boxer. Kanino 'yan ha? Tambok pa talaga ha?"

Mas lalong namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya, hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil sa sobrang hiya. Napayakap nalang ako kay baby cooler at isinubsob ang mukha ko sa leeg niya para magtago.

"HAHAHA! Nahihiya si Mommy Czarina. Mas okay talaga yung matambok na boxer Mommy Czarina, para satisfied."

"Casper!" Sigaw ko para tumigil na siya, nagdadasal nalang ako na sana ay lamunin na ako ngayon ng lupa.

Muling tumawa si Casper. "Biro lang, huwag ka ng magtago riyan, tumatabingi ang payong niyo, nababasa kana ng ulan." Sabi niya at hinawakan ang mukha ko at inangat iyon.

Pero tinakpan ko parin ang mukha ko gamit ang palad ko dahil hindi ko siya kayang makita ngayon dahil hiyang-hiya ako.

"Huwag mo ng takpan ang mukha mo." Sambit niya at hinawi ang hibla ng buhok kong napunta sa mukha at isinunod niya ang kamay ko pero hindi niya iyon matanggal.

"Umalis kana Casper." Usal ko.

"Nagbibiro lang talaga ako Czarina, lumalakas na ang ulan."

"Ramdam kong nakatawa ka parin!" Inis na sabi ko. "Umalis kana! Kapag umalis ka, aalis narin ako. Umalis kana Casper!"

"Kasi naman–haha!" Muli na naman siyang tumawa. "Maulan kasi ngayon kaya maraming nagtataasang–"

"Casper!" Mas tumaas na ang boses ko. "Hindi na ako natutuwa, gusto ko ng mag palamon sa lupa dahil sa hiya. Bwiset ka kasi, bakit ka ba nanggugulat?!" Gusto ko siyang sapakin, bugbugin, pira-pirasuhin!

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now