Chapter 58

8 1 0
                                    

CHAPTER 58

"Restroom lang ako." Paalam ko kay Lance. Tumango naman siya sa akin at humarap sa pinsan niya nang tawagin siya nito.

Iniwanan ko na roon si Lance at pumasok akong muli sa mansion nila.

Lahat ng tao ay nasa labas. Napakamot tuloy ako ng ulo. Saan ba ang cr nila rito? Nag patuloy nalang ako sa paghahanap ng restroom, ang dami kasing mga pintuan sa ground floor ng bahay. Inisa-isa kong buksan ang mga nadadaanan kong pinto. Ang iba ay naka-locked habang ang ilang kuwarto naman ay nabuksan ko nga pero wala namang banyo sa loob, tanging kama lang at cabinet. Ito siguro ang mga guestroom nila.

Napatingin ako sa isang pinto na malapit sa hagdanan. Lumapit ako roon at pinihit ang doorknob, hindi naman siya naka-locked kaya itinulak ko ang pinto.

Bumungad sa akin ang anino ko nang bumukas ang pinto. Madilim kasi sa loob at tanging torch lang din na nakadikit sa ding-ding ang nagsisilbing ilaw. Ang ilaw naman na nanggagaling sa labas na nahaharangan ng katawan ko ang naging dahilan kung bakit lumitaw ang anino ko.

Naaninag ko ang isang makipot na mahabang hagdan pababa, bigla akong kinalibutan dahil madilim; pero kinulob ako ng kuryusidad kung ano ito. Lumingon ako sa likuran ko at walang tao. Unti-unti kong sinarado ang pinto at dahan-dahang bumaba ng hagdan habang nakahawak sa pader.

Tahimik sa loob at tanging mga yabag ko lang ang aking naririnig na mas nagbibigay sa akin na kung anong takot.

Ginusto mo ito Czarina 'di ba? Panindigan mo.

Gusto ko lang naman umihi, eh.

Pagkarating ko sa ibaba ay mas lalong dumilim dahil wala ng mga torch na nagbibigay liwanag. May naririnig din akong ingay mula sa malayo kung saan ako nakatayo ngayon. Para iyong kadena na binibira.

Bigla akong kinalibutan.

Ano kaya 'yon?

Handa na sana akong magsalita at itanong kung may tao ba rito nang....

"What are you doing here?"

Napatalon ako sa gulat at napasapo sa aking dibdib. Muntik na akong maihi dahil sa labis na takot! Dinig na dinig ko ang malakas na kalabog ng aking puso na para bang gusto ng umalis nito sa loob ko!

Nilingon ko ang tao sa likuran ko, at ang madilim na mukha ni Lance ang nakita ko. Mas natakot ako sa itsura niya kaysa sa madilim at nakakakilabot na lugar na itong pinasukan ko na sa tingin ko ay isang basement.

Parang mangangain na ng buhay si Lance!

"L-Lance..."

"I said, what are you doing here?" Pag-uulit ni Lance sa tanong niya. Gamit parin niya ang seryoso at malamig niyang boses. Hindi rin niya inaalis ang walang emosyon niyang pagkakatingin sa akin.

"Kasi..." Napalunok ako ng laway at hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya. "n-naghahanap ako ng cr tapos n-napadpad ako rito...sorry." Maliit ang boses na usal ko. Napatungo ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi. Natatakot ako at gustong maiyak ng mata ko! Para kasing may ginawa akong isang krimen sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin.

Bumuga siya nang isang malalim at marahas na hangin bago hawakan ang pulsuhan ko. "Let's go upstairs." Aniya at hinatak ako paakyat ng hagdan, nagpatianod naman ako sa kaniya.

Pagkarating namin sa taas ay patuloy parin siya sa paghila sa akin. Lumiko kami sa mga pasilyo hanggang sa huminto kami sa isang pintuan malapit sa kitchen.

"Go inside, ito ang restroom. " Sambit niya mula parin sa malamig na boses. Binuksan niya ang pinto.

Nakatungo parin ako at hindi magawang pumasok sa restroom. I gulped. "G-Galit ka ba sakin? I'm sorry." Mahinang sabi ko habang nanatiling nakatungo.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now