Chapter 15

11 3 0
                                    

CHAPTER 15

Takbo lang ako nang takbo kahit hinihingal na ako. Kung saan-saan din ako lumulusot makatakas lang sa mga ito.

Hindi naman ako mabilis tumakbo pero nakakabilis din pala kapag nasa panganib ka, ano?

Lumiko ako sa kaliwa at nagpatuloy sa pagtakbo, hindi ko namalayan ay nasa likod na pala ako ng school at dead end na.

Shit!

"Wala ka ng matatakasan Miss!" Hinihingal na sabi nung mataba "Pinagod mo pa talaga kami, ah?!"

"Ayaw mo non? nakapag-exercise ka at nawala iyang ilang taba mo?" Alam kong mas nilalagay ko pa sa pananganip ang sarili ko pero hindi ko mapigilan, e.

"Dami mong kuda!" Sabi nung boss "Sayang naman 'yang kagandahan mo kung walang makikinabang." Ngumisi siya. "Mukhang masarap ka, miss." Humakbang siya palapit sa akin.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ko pero lumapit parin sila kaya napaatras ako nang napaatras hanggang sa napasandal na ako sa pader. "A–Alam niyo bang black belter ako sa taekwondo?" Sabi ko. Pero siyempre, kasinungalingan lang iyon.

Ako lang naman ang dukhang si Czarina Franxes ‘Zaria’ Sandoval, single mom kay baby Cooler na may maipagmamalaking utak at mukha pero sadyang walang pera.

Dukha nga kasi.

"Ah, Oo. Black belter ka, congrats sayo." Punong-puno ng sarkasmo ang pagkakasabi niyang iyon. "Akala mo ba maniniwala pa kami sayo, ha?!" Sigaw niya at ngumisi na naman.

Naiiyak na ako dahil wala na akong mailulusot sa kanila. "Maawa kayo sakin, may anak na ako, ako lang ang bumubuhay sa kaniya."

"Hindi ka naman namin papatayin miss, pagpaparausan ka lang namin bilang parusa." Sabi nung boss nila at nag tanggal ng botones sa uniporme niyang suot.

Whaa! Help me, iyong birhen ko!

"Ako mauuna, hawakan niyo!"

Bago pa ako hawakan ng mataba ay nagsalita ako. "Ano iyon?" Tanong ko tinuro yung nasa langit.

Yung mga uto-uto naman ay sinundan ang tinignan ko.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tuhurin ang birdie nung nasa harapan ko–which is yung boss ng mga aso.

Sinapak ko pa siya sa mukha sabay takbo palayo sa kanila, narinig ko ang paghiyaw ng boss nila dahil sa sakit.

Iyong kamao ko, masakit din! Parang bato yung sinapak ko!

Akala ko makakatakas na ako, ngunit nagkamali ako. Napahiyaw ako sa sakit ng may humatak sa buhok ko at pinaharap sa kaniya kasabay ng pagsuntok sa sikmura ko na kinasinghap ko sa sobrang sakit.

Ramdam ko ang kakapusan ko ng hininga dahil sa ginawa niya sakin, hindi lang isang beses niya ginawa iyon kun'di dalawa na kinasigaw ko sa sakit, tumutulo narin ang luha ko at nanghihina na ang buong katawan ko.

"Gago ka ha!" Boses iyon nung boss. "Bitawan mo! Bibigyan ko ng leksyon ang babaeng ito!"

Naramdaman kong bumitaw ang may hawak-hawak sa buhok ko. Lumapit sa akin yung boss nila at nagulat ako nang wasakin niya ang uniporme ko.

Naramdaman ko ang paninitig nila sa dibdib ko, nakarinig pa ako ng sipulan.

Iwinaksi ko ang mukha ko nang haplusin iyon nung boss nila pero kinulong lang nito ang makabilaang pisngi ko gamit ang palad niya at diniinan iyon.

"Huwag ka ng manlaban at sumunod ka nalang kung gusto mo bang makabalik sa anak mo. hmm?" Sambit niya at hinapit ang bewang ko saka inamoy ang leeg ko na kinindig ng balahibo ko. "Ang bango mo miss, kung hindi ko lang nakita ang baby mo noon, hindi ko pagkakamalan na may anak ka. Ayos lang kahit hindi ka virgin, makakaraos din naman sayo.

Virgin pa ako kaya "Layuan mo ako." Halos pabulong na sabi ko. Gusto kong manlaban ngunit hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina dahil sa suntok na natanggap ko.

"Boss, simulan mo na! Natitigang na ako rito!" Sigawan ng mga aso niya, gusto kong makahingi ng tulong pero walang makakarinig sa akin kapag sumigaw ako dahil liblib na itong napasukan ko at madalang lang ang taong dumadaan.

"Manahimik kayo diyan!" Sigaw nitong nasa harapan ko at mas nilapit ang katawan niya sa katawan kong nakasandal sa pader.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mapangahas niyang labi sa leeg ko. Pinilit ko siyang itulak ngunit para lang akong nagtutulak ng pader.

Naramdaman kong bumaba ang labi niya sa dibdib ko, patuloy ang pagragasa ng luha ko dahil sa kababuyan niyang ginagawa sa balat ko.

Tinawag ko na ang pangalan ni Yno sa isipan ko para humingi ng tulong.

Napapikit nalang ako para hindi makita ang kababuyan ng boss nila, naramdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang hita ko pataas doon sa maselang parte ng katawa ko nang...

Huminto ito.

Nawala ang kamay niya sa hita ko pati narin ang labi niya sa collar bone ko.

Nakarinig ako ng malalakas na lagabag at mga ingit dahil sa sakit.

Naimulat ko ang mata ko, hindi ko gaanong maaninag dahil sa luha ko sa aking mata.

Pinunasan ko ang aking luha  hanggang sa maaninag ko na ang nangyayari sa paligid ko.

Nagulantang ako nang makitang nakabulagta na ang apat na 4th year at puro duguan ang mukha nila at namimilipit sa sakit, yung dalawa, walang malay.

Sino ang may gawa nito–?

Napalingon ako sa gawing kaliwa ko nang makarinig ako ng malakas na kalabog doon.

Iyong boss ng aso, binubugbog siya nung lalaking nakasuot ng asul na hoodie.

Hinawakan ng naka-hoodie ang buhok ng lalaki at marahas na tinayo dahil napahiga ito.

Nang makatayo, nagulat ako nang biglang inuntog nung nakasuot ng hoodie ang ulo ng lalaki sa puno ng mangga at hinayaang bumulagta ito.

May inilabas yung nakasuot ng hoodie sa bulsa ng suot niyang jeans. Isang balisong, naupo siya–squat–at may ginawa siya sa boss ng mga aso na kinahiyaw nito sa sakit.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa nung nakasuot ng hoodie dahil nakatalikod siya sakin.

Maya-maya lang ay tumayo na ito at muling tinago ang balisong na may nakadikit na dugo sa bulsa kung saan niya ito kinuha pagkatapos ay tinalikuran na niya ito.

Pagtalikod, nagtama ang paningin namin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

Kumurap lang ako ng isa ay nasa harapan ko na siya.

"C–Chiwawa..." Usal ko habang direktang nakatingin parin sa mata niya.

Hindi siya nagsalita. Hinubad lang niya ang suot niyang hoodie at isinuot sa akin pagkatapos ay nilagpasan na niya ako at parang walang nangyaring naglakad siya habang nakapamulsa.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now