Chapter 50

11 1 0
                                    

CHAPTER 50

“Anong ginagawa mo rito?”

Palabas na sana ako nang apartment para pumunta sa tindahan nang makita ko si Chiwawa na handa na sanang kumatok sa pintuan.

“I'm visiting you. Hindi ka kasi pumasok ngayong araw.” Sagot niya at bahagyang nangunot ang kaniyang noo. “Are you okay? Bakit parang ang putla mo?”

Sasagot na sana ako para sabihin sa kaniya na masama ang pakiramdam ko ngunit bago pa man ako makapagsalita ay umangat na ang kanang kamay niya hanggang sa naramdaman ko na lamang ang palad niya sa aking noo nang salatin niya iyon.

“Ang init mo.” Sambit niya at bumaba ang kaniyang palad sa aking leeg ay iyon naman ang kaniyang sinalat. “Nilalagnat ka.” Nag-aalalang tumingin siya sa akin. “Nakainom kana ba ng gamot?”

“Bibili pa lang ako ngayon.” Sagot ko at maikling ngumiti sa kaniya. ’Yon kasi ang plano ko kaya ako lalabas ng apartment, bibili ako ng pagkain ko pati narin ng gamot. Kaso nga lang ay dumating siya.

Nang gumising kasi ako kaninang umaga ay hindi ako nakabangon ng kama dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ganoon narin ang aking ulo na para bang may nakadagan doon na mabigat na bagay tapos parang pinupukpok pa ito ng martilyo dahil sa sobrang sakit.

Dahil siguro ito sa ilang araw kong pagpupuyat dahil binurol si Yno. Sinamahan pa ng pagod at sakit ng katawan kaya ngayon ay bumigay na ang katawan ko at nagkaroon na ako ng lagnat.

He sighed. “Ako na bibili ng gamot. Mag pahinga ka nalang sa loob.” Sabi niya ngunit tumanggi ako.

“Huwag na. Nakakahiya. Kaya ko naman bumili.” Sabi ko sa kaniya at lalabas na sana nang apartment ko nang mapahawak ako bigla sa hamba ng pintuan nang makaramdam ako ng pagkahilo.

“Oh, tignan mo na? Hindi mo kaya. Huwag kana makulit, Czarina, baka mahimatay ka pa sa daan, hmm?” Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat at itinalikod ang katawan ko paharap muli sa loob ng apartment. “Mag pahinga ka nalang.” Iginaya niya ako papasok sa loob. Nadaanan pa namin si baby Cooler na nasa kaniyang kuna, natutulog habang yakap-yakap pa ng kaniyang maliit na braso ang baby bottled niyang may lamang gatas na malapit ng maubos ang laman.

Pagkarating namin sa kuwarto ay inupo niya ako sa kama. “Diyan ka lang, ha? Huwag kang aalis. Huwag ka rin tatayo. Mahiga ka nalang.” Utos niya sa akin na para bang isa siyang Nanay at ako yung anak niya. “Saglit lang ako.” Maglalakad na sana siya palabas ng kuwarto ko nang ginagap ko ang kaniyang braso kaya nahinto siya at lumingon sa akin.


“Salamat, L–Lance...” Mahinang usal ko at maikling ngumiti sa kaniya. Hanggang ngayon talaga ako ay hindi parin ako sanay na tawagin siya sa tunay niyang pangalan. Nasanay kasi talaga ako sa Chiwawa.

Ngumiti siya sa akin. Mas malawak kaysa sa ibinigay ko sa kaniya. “Ang ganda talaga sa pandinig kapag tinatawag mo ako sa tunay kong pangalan. Hindi ko maiwasang hindi kiligin.” Sabi niya at pinisil ang pisngi ko na ngayon ay ramdam ko ang pag pula hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa kaniyang sinabi.

“Alis na ako.”

Nag paalam na siya sa akin para bumili ng gamot ko. Baka rin daw kasi abutan pa siya ng ulan. Kanina nga nang lumabas ako at naabutan siya ay madilim na ang kalangitan, nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na si Chiwawa–Hindi talaga ako sanay na banggitin siya sa kaniyang pangalan, nasanay na talaga ako sa Chiwawa.

“Kumain kana ba?” Tanong niya at umiling naman ako, hindi pa ako nakakapagluto ng pagkain ko.

“Tamang-tama. I also bought food. Kumain kana para makainom kana ng gamot.” Sabi niya at sinalansa sa kama ko ang pagkain na binili niya.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now