Chapter 67

6 1 0
                                    

CHAPTER 67

LEON

~December 29~

Maagang nagising si Leon dahil plano niya ngayon maglaba para makatulong naman siya kay Czarina dahil sa pag payag nitong tumuloy muna siya sa apartment nito. Habang kinukusot ang puting damit ng dalaga ay bigla niyang naalala ang napag-usapan nila kagabi. Mariin siyang napapikit at marahas na bumuntong-hininga. Imposible naman siguro ang naiisip niya. Baka nagkataon lang. Sa pagkakatanda niya kasi ay sa kabilang kanto iyon at hindi rito. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagkusot sa damit at nang matapos ay binanlawan na niya ito. Nang ma-downy-han na niya ang kaniyang mga nilabhan ay nilagay na niya iyon sa laundry basket at binuhat saka lumabas ng apartment para doon isampay.

Habang nagsasampay, naririnig niya ang boses ni Czarina na tinatawag ang pangalan niya. Hininto muna niya ang pagsasampay at babalik na sana sa loob nang mapahinto siya at napatago sa pader nang makita niya ang isang familiar na tao, nakatayo ito sa tapat ng pintuan ng apartment ni Czarina.

“Magkakilala sila?”

Tanong niya sa kaniyang sarili.

Sumilip si Leon. Nakita niyang nag-uusap ang dalawa. Tahimik lang siya habang nakatago sa pader, takot na baka mahuli siya ng kaniyang kapatid.

Yes, He's Caspian's twin brother. Cooper Leonard Chuwa.

“Giatay!” Nanlaki ang mata ni Leon sa nakikitang tagpo ngayon. Magkayakap ang dalawa. Hinalikan pa ng kaniyang kakambal ang noo ni Czarina.

Ang sweet nila.

Hindi kaya't may relasyon sila?

Nanlamig ang buong katawan ni Leon sa napagtanto. Unti-unting nabuo ang isang konklusyon sa kaniyang isipan. Naalala niya ang kaniyang narinig na usapan sa madilim at impyernong basement na iyon kung saan siya kinulong na parang isang hayop.

Alam na ng mga ito kung nasaan ang kaniyang anak at gumagawa na ng paraan ang kaniyang kapatid para makuha ito sa babaeng kumupkop sa anak niyang maaaring maging susi sa isang masamang adhikain.

Nag init ang gilid ng kaniyang mata at naiyukom nang mahigpit ang kamao. Sa loob ng ilang buwan na kaniyang pagkakakulong sa basement ay ang laman lamang ng kaniyang isipan ay ang katanungan para sa kaniyang anak.

Kamusta na kaya ito?

Nakakain ba ito nang maayos?

May natitirahan ba ito?

Mabait ba ang kumupkop sa kaniya?

Nakaranas ba ito na mahalin, kalingain at arugain?

Ngayon ay alam na niya ang magiging sagot sa kaniyang maraming katanungan dahil nahanap na niya!

Nahanap na niya kung sino ang kumupkop sa kaniyang anak.

Si Czarina!

Ang tinutukoy pala nitong anak na ang pangalan ay si Cooler ay ang anak niyang matagal na niyang inaasam na muling makita at makasama.

Kailangan niyang makausap si Czarina bago pa man magawa ng kakambal niya ang plano ng mga ito.

Ngunit...

hindi siya pwedeng mag pakita sa kapatid niya!

“Saan sila pupunta?” Tanong ni Leon sa kaniyang sarili nang makitang may bitbit nang maleta si Lance pagkalabas nito sa apartment ni Czarina. Maya-maya lamang ay si Czarina naman ang sunod na lumabas, nagkasalubong silang dalawa ni Lance at sabay naglakad papuntang gate.

Luminga-linga pa si Czarina sa paligid, para bang may hinahanap. Natigil lang ito nang pagbuksan siya ng pinto ni Lance at pinapasok sa loob ng kotse.

Nang makaalis ang kotseng sinasakyan nila ay saka pa lamang lumabas si Leon sa kaniyang pinagtataguan at patakbong pumunta sa gate para silipin ang sasakyan. Malayo na ito at tanging likod nalang ng kotse ang kaniyang natatanaw.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now