Chapter 66.2

4 1 0
                                    

Trigger Warning: This chapter contains attempted suicide.

Read at your own risk.

____________

CHAPTER 66.2

2 hours left before New year.

Nandito kami ngayon sa beach. Nakaupo sa nilatag na sapin ni Lance sa buhanginan at kaharap ang isang bonfire. Hindi lang kami ang tao rito sa dalampasigan dahil marami ring mga turistang nandito at inaabangan ang fireworks display mamaya.

“Look! Nakagawa ako!” I said happily at ipinakita kay Lance ang s'mores kong nagawa na nakatusok sa hawak kong stick. “Yah!” Sigaw ko nang pagtapat ko ng marshmallow sa harapan ni Lance para ibida ay bigla na lamang niya iyon kinagatan! “Akin yun eh.” Nakasimangot na sabi ko.

He just laughed habang nginunguya ang marshmallow ko! “Here. Take mine.” Inilapit niya sa akin ang marshmallow niyang nakatusok sa hawak niyang stick.

Kinuha ko naman iyon at kinain lahat.

“Masarap?” Tanong niya at tumango naman ako. “Mas masarap yung ginawa mo.” Sabi niya dahilan para samaan ko siya ng tingin na kinatawa naman niya. “Gusto mong tikman ang ginawa mo?”

“Pa'no? E, inubos mo ng lahat!” Sagot ko pagkatapos kong itusok ang panibagong marshmallow sa hawak kong stick.

Itatapat ko na sana iyon sa bonfire nang mahulog ko ang hawak ko at napatili nang hapitin ni Lance ang bewang ko palapit sa kaniya.

May sasabihin sana ako ngunit bago ka pa man magawa iyon ay naramdaman ko na ang labi ni Lance na lumapat sa labi ko.

Napakapit na lamang ako sa balikat niya nang gumalaw ang labi niya. Lasang marshmallow ang labi niya. Ito ba ang tinutukoy niya para matikman ko ang s'mores na ginawa ko kanina pero kinain lang niya?

“Kumusta ang lasa ng s'mores na ginawa mo?” Lance said pagkatapos maglayo ang labi naming dalawa. Nakatitig siya sa mga mata ko. “Masarap, right?” Tumaas ang sulok ng labi niya nang tumango ako.

“Gusto mo pa?” Tanong niya.

“Ubos na ang lasa.” Sagot ko sa kaniya.

Doon ay lumawak ang ngisi niya.

“Gumawa ka pa. Damihan mo.”

1 hour left before New year.

“Masaya ka ba ngayon?”

Sinulyapan ko si Lance nang itanong niya iyon sa akin. Nandito kami ngayon sa tinayo naming tent kung saan mahimbing na natutulog si Cooler.

“Yes. Sobra.” Sagot ko habang may ngiti sa labi.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa pwesto niya.

Pinaupo niya ako sa lap niya at kinulong sa mga bisig niya.

“Thank you, Lance. Thank you for everything.”

Dinampian niya ako ng halik sa noo, at hinaplos ang mukha ko. “Ako dapat ang magsabi niyan. Thank you for everything, Czarina. I am not deserving for your love pero minahal mo parin ang isang kagaya ko. Kagaya kong maaari kang masaktan.”

“Hindi naman natin maiiwasan ‘yan. May mga pagkakataon talaga na maaari nating masaktan ang isa't isa.”

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko at dinampian ng halik ang aking leeg. “I love you, baby... Sana hindi na matapos ang oras na kasama kita.”

“I love you, too, Lance.”

30 minutes left before New year.

“May ibibigay pala ako sayo.”

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now