Chapter 76

10 1 0
                                    

CHAPTER 76

~December 31~

“Gusto mo bang sa bahay kana namin mamaya mag new year's eve?” Tanong ni Aesia sa lalaking nagluluto ngayon ng almusal. “Isama mo narin si Leon.”

Sumagot si Sahir habang hinahango ang naluto ng ginisang kamatis na may itlog. Sinalin niya ito sa isang mangkok. “I’ll ask Leon first.” After niyang maisalin ang ginisang kamatis ay naglagay siya ng ka-onting mantika sa kawaling kaniyang pinaglutuan at nang uminit na ito ay nilagay na niya ang tuyo.

Nang araw na nabangga niya si Leon ay patungo na dapat siya sa airport dahil may flight siya papuntang Switzerland. Doon niya kasi dapat sasalubungin ang bagong taon kasama ang pamilya niya. Ngunit dahil nga sa nangyari ay hindi na siya natuloy pa at mas pinili na lamang muna manatili rito sa Pilipinas kasama si Leon. Tumawag naman siya sa pamilya niya sa Switzerland at sinabi ang dahilan kung bakit hindi siya makakauwi at naiintindihan naman nila iyon.

Matagal din siyang nangulilala sa matalik na kaibigan.

“Nasaan pala si Leon?” Tanong ni Aesia na kanina pa hindi napapansin ang lalaki. Lumapit siya sa cabinet kung saan nakalagay ang mga utensils niya at kumuha ng isang kutsara doon pagkatapos ay lumapit siya sa lamesa. Kumuha siya ng tinapay at gamit ang kaninang kinuhang kutsara ay ginamit niya ito upang lagyan ng ginisang kamatis na may itlog ang kaniyang tinapay. Nang mapalamanan na ang kaniyang tinapay ay pinatungan niya ito ng isa pang slice ng tinapay pagkatapos ay kumagat na siya. “Hmm... Sarap.” Dinampot niya ang tasang nasa kaniyang gilid na may lamang green tea at humigop doon.

Nang makita ni Sahir ang ginawa ng babae sa tinapay at ginisang kamatis na may itlog ay binaliwala na lamang niya at sinagot na lamang niya ang tanong nito. Sanay na kasi siya sa pagiging weirdo nito sa mga combination na kinakain.

“Nasa mini-garden ng clinic mo. Kasama si Pochi.”

Nang matapos magluto ni Sahir ay pinuntahan na niya si Leon sa backyard para ayain na itong kumain. Pinaubaya na niya kay Aesia ang paghahain sa lamesa.

Pagkarating ni Sahir sa garden ay naabutan niyang nakikipaglaro si Leon sa aso. Nakatawa ang lalaki at masaya na tila wala itong dinadalang problema. Habang nakatanaw siya sa kaibigan ay napahinga siya nang malalim, hindi lang niya kasi matanggap na noong mga araw na nakikita niya ang masaya at ang nakatawang mukha ni Leon ay sa likod pala niyon ay may nakakubling takot at lungkot sa puso nito at ang sarili pa nitong magulang ang naging dahilan.

“Mate, umiiyak ka ba?”

Nabalik sa sarili si Sahir. Napakurap siya nang makitang nasa harapan na niya si Leon na may pagtataka sa mukha, buhat-buhat din nito si Pochi na nakalabas pa ang dila at nakatingin din sa kaniya.

“Huh?” Napapahid ng mata si Sahir at nakaramdam ng pagkabasa roon. Umiyak ba siya? “Gago. Napuwing lang ako. Bakit naman ako iiyak?” Kaniyang pagkaila at tumikhim. “Kumain na nga lang tayo sa loob. Nagugutom na ako.” Pag-aaya niya at inakbayan ang lalaki upang akayin na ito pumasok sa loob ng clinic.

Hindi naman na nagtanong pa si Leon at nag patianod na sa lalaki dahil nakaramdam narin siya ng gutom.

“Tinanong ako Aes kung gusto mo raw ba na sa kanila tayo mag new year's eve mamaya?”

Napahinto sa pag tangkang pagsubo si Leon sa hinimay na tuyo na nasa kaniyang kamay at gulat na napaangat ng tingin kay Sahir. “New year's eve na mamaya?” Hindi siya makapaniwala. Sa dami ng nangyari ay hindi na niya namalayan na ilang oras na lang pala ay panibagong taon na. Tumango si Sahir sa kaniyang naging tanong. “Ano naman sinagot mo sa kaniya?” Silang dalawa na lamang ni Sahir ang nasa kusina dahil nasa clinic na si Aesia at tapos na itong kumain.

Baby Series #1: CoolerKde žijí příběhy. Začni objevovat