Chapter 5

13 3 0
                                    

CHAPTER 5

Alas otso na ng umaga, tatlong oras simula ng kinuha ko ang sanggol sa labas ng gate.

Tatlong oras narin akong nakatitig sa kaniya. Tumawag din ako sa Tita ni Yno na hindi ako makakapasok ngayon sa trabaho dahil nagkaroon ako ng emergency.

Emergency naman talaga itong nangyayari sa akin ngayon, dahil paano ako papasok sa trabaho kung may sanggol na mukhang tatlong linggo palang ang nandito sa kuwarto ko?

Mabuti nalang talaga at mabait si Tita Chris dahil pinayagan niya akong mag absent ngayong araw.

Nagbuga ako ng marahas na hangin, nagugutom na ako pero hindi ako maaaring lumabas dahil walang magbabantay sa kaniya.

Tawagan ko kaya si Yno para ipaalam sa kaniya ang nangyayari sa akin ngayon na parang panaginip lang?

Ang kaso, workaholic yung lalaking iyon, may trabaho siya ngayon sa café shop. Kailangan din kasi niyang magtrabaho dahil may binubuhay siyang mga kapatid at magulang.

Normal pa naman ang buhay ko bago ko idilat ang mata ko kanina.
Kahapon, walang bago sa buhay ko, namumulubi parin pero ngayon may sanggol na akong aalagaan na hindi ko alam kung paano!

Single, virgin, pero may sanggol na akong aalagaan ngayon!

Para akong single mom dahil sa baby na 'to!

Hays!

Gutom lang iyan, Czarina. Kailangan mo ng kumain dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi mo.

Pero paano ako makakain kung wala namang pagkain?!

Kung isama ko nalang kaya ang sanggol na 'to?

No choice rin naman ako kun'di ayon na nga ang magagawa ko.

Kailangan ko rin palang bilhan ito ng mga gamit at gatas niya. Mabuti nalang at may iniwan ang magulang nito ano? Kung wala baka maluka na ako kung ano gagawin ko!

Kumuha ako ng limang libo sa sobre para pangbili ng gatas at diaper nito. Pagkatapos ay maingat ko siyang binuhat pero umiyak siya na kinataranta ko naman.

"B-Baby tiyanak, huwag kang umiyak oh!" Pagkausap ko sa kaniya at tinapik-tapik ang hita niya. "Nagugutom na ako at kailangan kong bumili ng makakain ko pati narin ng gatas mo. Tumahan kana, please, baby Cooler."

Mabuti naman at unti-unti na humina ang pag-iyak niya hanggang sa tumahan na siya.

"Sama ka sakin, bibili tayo ng pagkain natin." Sambit ko at naglakad na palabas ng apartment.

Malapit na ako sa gate nang tawagin ako ni Aling Flora.

"Oh, Czarina. Kaninong bata iyang kalong-kalong mo?" Tanong niya habang may hawak pang walis tingting.

Ano sasabihin ko? Na nakita ko lang siya sa labas ng gate kaninang umaga?

Kapag sinabi ko ang bagay na iyon, siguradong ipapadala ni Aling Flora sa mga otoridad ang bata para ibalik sa magulang nito pero ang magulang nga ang naglagay doon 'di ba?

Hay! Ewan, gulong-gulo na ako. Dami kong problema; una sa pera, pangalawa gutom na ako, pangatlo itong bata.

"Kay cute naman nito. Puwera usog, baby." Giliw na sabi ni Aling Flora nang lawayan ang tiyan ni baby Cooler.

"Uhm..anak po ng kaibigan ko, pinaalaga lang po sa akin." Pagsisinungaling ko.

"May anak na si Yno?" Gulat na tanong ni Aling Flora. Kilala kasi ni Aling Flora si Yno dahil minsan ay dinadalaw niya ako rito sa apartment.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now