Chapter 9

15 3 0
                                    

CHAPTER 9

Lumipas ang mga oras ay puro pagpapakilala lang ang ginawa namin sa mga sumunod pang subject pero wala ng kasabihan.

Nang mag lunch na ay inaya ako ni Casper na sabay na kami. Ang sabi ko sa kaniya ay kasabay ko ang kaibigan ko pero pwede namang sabay-sabay kaming tatlo at ipakilala ko narin siya kay Yno.

Nakasalubong namin si Yno sa corridor sa ikalawang palapag, patungo narin siya sa classroom namin para sunduin ako.

"Sino 'tong kasama mo?" Tanong sa akin ni Yno at inginuso ang katabi kong si Casper.

"Nyaks! First day na first day ipagpapalit mo na agad ako, babe?"

"Hoy, gago! Babe ka riyan?" Sigaw ko at sinuntok siya sa sikmura.

"Ouch! Grabe ka naman Zaria, ang sadista mo!" Sabi ni Yno habang iniinda ang sakit ng pagkakasuntok ko. "Lutong mo pa magmura!"

"Heh!" Inirapan ko lang siya bago humarap kay Casper na nakatingin lang sa amin. "Cas, si Yno-kaibigan ko. Gyino, si Casper." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Sheytt! Maghahanap narin ako ng bagong girl best friend para kung iitchapuwera na ako ng isa riyan, may ipapalit na ako sa kaniya." Saad ni Yno.

"Pag pasensyahan mo na 'yan, humihithit kasi ng katol 'yan tuwing sasapit ang gabi." Sabi ko kay Casper.

"Hoy, Czarina Franxes Rukawa Sandoval! Huwag mo ngang sinisiraan ang magandang imahe ko!" Sigaw sa akin ni Yno na kinatawa ko lamang, humarap siya kay Casper. "Pre, kung ako sa iyo, layuan mo na ang babaeng ito. Masama ito sa kalusugan mo. Binabalaan na kita, kung gusto mo pang maging masigla ang buhay mo, layuan mo na itong si Czarina." Hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro lang itong si Yno pero nainis ako sa sinabi niya.

"Hoy! Bunganga mo Yno, ha!" Sigaw ko sa kaniya at masama siyang tinignan. "Masama sa kalusugan ka riyan. Baliin ko kaya ang buto mong hinayupak ka?!"

"Tara na nga, kain nalang tayo." Sabi ko at hinila na si Casper. "Iwan na natin itong si boy katol." bumaba na kami ng hagdanan at iniwanan si Yno.

"Zaria! Anong boy katol ka riyan? Gusto mong gawin kitang lamok?!" Sigaw pabalik ni Yno habang hinahabol kaming dalawa ni Casper.

Itong lalaking 'to, ang ingay, akala mo nasa kabilang bundok ang kausap. Hindi na nahiya sa mga nakakasabayan namin sa pagbaba at pag-akyat ng mga estudyante.

Pagkarating namin sa cafeteria, yung dalawang lalaking kasama ko ang nag order ng pagkain namin habang ako naman ay pinahanap na ni Yno ng bakanteng table para sa aming tatlo.

Nang makahanap na ng table ay naupo na ako sa isang silya pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa mono bloc chair.

Hinintay ko ang dalawa na bumalik dala ang pagkain namin, nilibre lang ako ni Yno. Kahit ganoon ang pag-uusap naming dalawa ay hindi naman namin dinaramdam ang mga asaran namin, sanay na kami sa ugali naming ganon.

Bigla kong naisip si Baby Cooler, kamusta na kaya siya? Dalawang diaper at hanggang tatlong timplahan lang ng gatas niya ang ibinigay ko kay Aling Flora.

Hinahanap na kaya niya ako?

"Madame, ito na po ang pagkain niyo."

Napukaw ang pansin ko sa nag lapag ng plato sa harapan ko. Si Yno. Pagkatapos ay naupo na siya sa tabi ko at ganoon din si Casper na nasa harapan naman namin ni Yno naupo.

Nagsimula na kaming kumaing tatlo. Pansin ko lang na nag-uusap na itong si Casper at Yno habang ako naman ay hindi maka-relate sa pinag-uusapan nilang dalawa.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now