Chapter 46

8 1 0
                                    

CHAPTER 46

“Yung hinahanap ko, matagal ko na palang nakilala at nakasama.”

Nanlulumo ako habang nakatingin kay Casper na patuloy lamang sa pag-iyak dahil sa katotohanan naming nalaman.

Pati ako ay hindi makapaniwala. Kapatid ni Casper si Yno. Si Yno ang matagal na niyang hinahanap pero noong malaman niya ang katotohanan ay huli na ang lahat dahil wala na si Yno.

“C–Czarina, ang sakit...”

Wala akong magawa kung hindi ay ang yakapin lamang siya at iparamdam na hindi siya nag-iisa, nandito akong kaibigan niya na maaari niyang masandalan.

Hinayaan ko lamang siyang umiyak nang umiyak hanggang sa mawala ang bigat sa dibdib niya at huminahon siya.

“S–Sorry...” Siya na mismo ang lumayo sa akin at pinunasan ang basa niyang mukha bago suminghap. “Uuwi na kita, baka mahuli pa tayo sa klase mamaya.”

Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Nag-aalalang napapatingin ako sa kaniya dahil minsan ay nahuhuli ko siyang napapatulala sa kawalan pero agad ring bumabalik sa sarili. Umayos siya nang pagkakaupo at napapatikhim bago muling ibalik sa pokus ang sarili sa pagmamaneho.

Ligtas naman kaming nakarating sa apartment, nakahinto na ang sasakyan sa tapat. “Baba kana,” Sabi sa akin ni Casper nang mapansing hindi ko pa hinuhubad ang seatbelt ko.

Pero ayoko pang bumaba, nag-aalala ako sa kaniya dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya kapag iniwan ko siya.

“C–Casper...”

“I'm okay,” Sabi niya at hinubad ang sariling seatbelt pagkatapos ay dumukwang palapit sa akin at siya na mismo ang nag tanggal ng seatbelt ko. “Sige na, baba kana.”

Ngunit nang mapansin niyang wala akong balak bumaba ay napabuntong-hininga siya.

“Hey, don't worry about me. I'm fine.” Sabi niya at ngumiti sa akin para ipakitang okay lang siya. “Baba kana, kita nalang tayo mamaya sa school. Hmm?”

Huminga ako nang malalim bago tumango, ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

“Ingat,” Sabi ko bago buksan ang pinto at tuluyan ng lumabas. Nakatayo lang ako sa labas at hinintay siyang makaalis.

“Bye!” Kumaway si Casper sa akin bago paandarin ang sasakyan hanggang sa makaalis na siya palayo.

Malalim akong napahinga bago buksan ang gate. Kahit sabihin niyang okay lang siya, kita ko naman sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot at nasasaktan. Bumaba lang ako sa kotse niya dahil baka gusto niya munang mapag-isa.

Nang makapasok na ako sa loob ng apartment ko ay bigla akong may naalala. Kailangan ko siyang makausap mamaya. Siguro naman ay mayroon pa siya non. Hindi ko lang talaga kasi kayang makitang ganoon kalungkot si Casper.

Nagmamadali akong umakyat ng hagdan papasok sa classroom ko. Tinext ko si Casper at tinanong kung nandito na ba siya sa school kaso wala akong nakuhang sagot sa kaniya.

Pagkarating sa classroom ay wala pa rito ang inaasahan ko kaya naman lumabas muna ako sa classroom tutal ay may 20 minutes pa ako bago mag umpisa ang klase.

Habang bumababa ng hagdan ay bigla ko na lamang naalalang may number nga pala ako niya na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano o kanino niya nakuha.

Gumilid muna ako dahil may mga kasabayan akong bumababa at umaakyat ng hagdan pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang numero niya.

To: Chiwawa🐾
Message: San ka?

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now