Chapter 69

15 1 0
                                    

CHAPTER 69

CASPER PARK

~December 29~

Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Casper sa lahat ng nangyayari ngayon. Dadalaw lang naman dapat siya sa apartment upang ibigay kay Czarina ang regalo niya para dito at kay Cooler. Ngunit, pagpunta niya sa apartment ng dalaga, imbis na si Czarina ang makita; ang kaniyang step-brother ang nakita niya na akala niya talaga noong una ay patay na.

“They faked my funeral pagkatapos ay kinulong nila ako na parang aso sa basement.” Leon said.

Papunta sila ngayon sa airport para subukang habulin sila Czarina. Sana lamang ay maabutan nila ito bago pa man makaalis ang eroplano.

Hindi makapaniwala si Casper sa narinig. Hindi niya akalain na yung basement pala sa Mansion ng mga Chuwa na palagi niyang napapansin na naka-locked sa tuwing napapadalaw siya roon ay akala niya mga antigo ang laman, ayun pala ay imbis na antigo ang laman ay si Leon pala na akala niya ay wala na.

Bumalik sa ala-ala ni Casper ang panahong akala niya ay patay na si Leon. Grabe ang tinangis niya noon nang malaman niya na wala na ito. Ilang araw rin siyang walang ganang kumain dahil sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan.

Bata pa lamang kasi si Casper ay kilala na niya ang mga Chuwa. Lalo na ang magkapatid na si Leon at Lance.

Magkakilala kasi ang kanilang mga magulang kaya madalas silang nagkikita at nagkakaroon ng interaction. Gusto rin ng kanilang mga magulang na maging malapit sila sa isa't isa. Maging magkaibigan silang tatlo. O, mas better kung mag turingan na sila bilang magkakapatid.

Naging kaibigan naman ni Casper ang kambal kagaya ng kagustuhan ng kanilang mga magulang. Ngunit mas naging malapit talaga ang kaniyang loob kay Leon kaysa kay Lance. Itinuring niya si Lance bilang kaniyang kaibigan habang si Leon naman ay itinuring na niya bilang nakakatanda niyang kapatid.

Bago pa nga sila maging mag step-brother ay kapatid na talaga ang turing niya rito.

Kaya ganoon na lamang ang pagluluksa niya nang biglaan na lamang ito namatay.

Ang sabi sa kaniya noon ng Tito Leonardo niya nang magtanong siya kung paano at bakit namatay si Leon kung malakas pa ang katawan nito–nakapag-basketball pa nga sila, dalawang araw bago ito pumanaw eh.

Namatay raw si Leon dahil sa isang malubhang karamdaman na walang lunas. Hindi mapapansin ng taong may ganitong karamdaman na may kumakalat na palang sakit sa kaniyang buong katawan. At sa oras na kumalat na ito sa buong sistema mo, doon ka nito lalasunin hanggang sa bigla ka na lamang mamatay.

Naniwala naman si Casper sa paliwanag ng kaniyang Tito Leonardo dahil isa itong scientists. Naniwala rin siya na ang laman ng burial jar ay ang abo ni Leon dahil crinemate ang katawan nito dahil nakakahawa raw ang sakit na meron si Leon.

Ngunit ngayon na kasama na niya si Leon at ito'y buhay na buhay sa kaniyang tabi, doon niya na-realize ang lahat; naniwala siya sa isa lamang kasinungalingan.

Nang makarating sila sa airport ay laking dismaya nila nang wala silang Czarina'ng nakita. Hindi dahil sa nahuli sila ng dating, bagkus ay hindi pala eroplano ang sinakyan ng mga ito.

“Ano ng gagawin natin?” Tanong niya kay Leon habang nasa loob sila ngayon ng kotse at hindi alam kung saan na tutungo.

Bumuntong-hininga lamang ang lalaki at malakas na hinampas ang manibela ng kaniyang kotse.

Gustong pagsabihan ni Casper si Leon na huwag naman sanang sirain ang kotse niya pero hinayaan nalang niya dahil baka sa kaniya pa ibunton ang galit na nararamdaman nito at siya ang biglang hampasin nang malakas sa mukha.

Baby Series #1: CoolerWhere stories live. Discover now