Pagkalabas namin ay naroon na kaagad si Rebecca at Tricia, naghihintay saamin.

"Kung ang ate niyo walang pasalubong sainyo, pwes kami meron. Ito sayo Jino at sayo naman Mica" sabay inabot ni Trish at Becca ang mga regalo nila. Napa crossed arms ako at ngumuso. Nakakainggit. Mas maganda naman talaga mamili ng pasalubong sa Maynila.

"Yeey. Salamat mga ate."mabilis silang tumakbo muna papasok para iwan ang bigay na regalo.

"Next time kasi, pagplanuhan mo din muna ang pag uwi ng Bicol" natatawang sabi ni Rebecca. Napailing na lang ako. Pumara kami ng traysikel sa labasan nang dumating na ang dalawa kong kapatid.

Since SM na ang pinaka malaking Mall dito sa Legazpi ay doon na kami nagpahatid.

"Ang sexy natin ah" sipat saakin ni Tricia nang makaapak kami sa loob ng mall. Pabiro ko lang siyang sinamaan ng tingin.

Una kaming pumunta sa section ng mga sapatos. Kaagad na pumili ang dalawa pati kina Trish ay nakikipili din. Mabuti na lang at madami dami din ang ipon ko sa pagtatrabaho. Ayoko din namang umasa sa pera ni Hilton.

Nang makabayad kami ay pumunta naman kami sa mga damit. Namili din ako ng para kina mama at papa. Medyo natagalan pa kami kasi nakikipagtalo pa itong si Rebecca kay Mica na kesyo yun daw dapat na pinipili niya eh sa ayaw naman ng kapatid ko ng mga revealing clothes. Tapos sasagutin naman ni becca, na fashion daw.

Kung hindi ko pa sinasaway ay di pa titigilan si Mica. Ang babaeng ito talaga walang pagbabago. Nakakatawa dahil hindi pa din nagpapatalo, siya magbabayad ng mga napili niyang halos kita na ang kaluluwang mga damit at ibibigay sa kapatid ko. Napairap na lang ako sa hangin at hinayaan na lang ito.

Ginutom kaming lima sa pagsho-shopping kaya pumasok kami sa malapit na food court para kumain muna.

"May nobyo't nobya na ba kayong dalawa?" tanong ni Rebecca sa dalawang teenager na kasama namin. Tahimik akong nagmamasid sa paligid at ngumunguya habang nakikinig sa kanila.

"Ako po wala, itong si Jino ang meron" sagot ni Mica. Pinanlakihan ng mga mata ni Jino ang ate niya at nagtawanan kaming lahat.

"Ang daldal mo talaga ate Mica noh" si jino

"Nakoo. Highschool boy, may jowa agad. Huwag ka lang munang mambubuntis, wala pang pampakasal ang ate Rheiniel mo" namula si Jino sa sinabi ni becca.

"Gaga" saway ko dito.

"Bakit? Alam mo naman na ang mga kabataan ngayon, mapupusok. Para sa kanila, love is sex" walang tigil sa pagsasalita si Rebecca kahit na patuloy din ito sa pagnguya ng french fries. "Gayahin niyo ate niyo, marriage before sex. Very conservative" humagalpak ng tawa si Rebecca at Tricia.

"Kaso nga lang yung napangasawa pa green flag kuno, may tinatago din palang red signs"

"Correct. Nakuha mo, Trish"

"Manahimik nga kayong dalawa. Bakit napunta na saakin ang topic niyo?" Pabiro ko silang inirapan at kumuha ng tissue para magpunas ng mukha at kamay. I suddenly feel like want to go home, they're gonna put me in a hot seat again.

"Syempre. Kapag usapang love life, ikaw lagi ang example. Ikaw ang may LL eh"

Ako lang ang naka busangot habang naglalakad na kami palabas ng mall. Si Tricia at Rebecca ay kung anu ano ang binubulong sa mga kapatid ko. Alas sais na ng gabi kaya napag desisyunan naming umuwi na at bukas na mag grocery. Hindi ko na nga in-invite ang dalawang bruha kaso nag volunteer pa at wala daw pakialam kung umayaw ako.

Ganito silang dalawa kapag may pinagdadaanan ako. Sa halip na i-comfort ay binu-buwisit ako at ayaw akong tantanan kapag gusto ko ng makalayo sa kanila.

At dahil enjoy na enjoy sila ay hinatid pa kami. Nagsayang pa ng pamasahe ang dalawa. Madami dami nga naman ang pinamili namin kaya tumulong sila hanggang sa bahay namin.

"Pero alam niyo ba yang ate niyo, napaka choosy. Ang dami dami niyang manliligaw nung college kami. May engineering, may nursing, may classmates namin. Ang daming binibigay kaso ang arte. Literal na taga Kolehiyo ng Arte at Letra kasi literal na maarte"

At hanggang sa labas ng pintuan namin ay ako talaga ang topic nila. Ang lakas pa ng boses ni Rebecca na gustong gustong naririnig ko kasi nagpapaiwan ako.

"Talaga? Eh ang ganda naman kasi talaga ng ate rhein namin kahit nung estudyante pa lang. Lalo na ngayon" dugtong ni Jino

"Pero kung ako ang ate niyo, papatulan ko lahat yun na nanligaw sa kaniya. Potek ang po-pogi eh. Kaso isa lang pinatulan niya sa lahat ng pomorma sa kaniya" Napa tsk-tsk pa ito. Nasa loob na sila ng bahay. Bumuntong hininga ako at sumunod na sa kanila.

"Si kuya—"

"O my God"

"Tita, ang daming foods natin ah"

"Halaa" Si Tricia. Kaagad nila akong hinanap. Nagtaka ako sa mga itsura nila at mabilis na pumasok ng bahay.

Naabutan ko sa loob si mama na abala sa pag aayos sa kusina. Ang daming nakahain na pagkain sa mesa. As far as I'm concerned, wala akong iniwan na pera para bumili sila ng ganito karami at ka expensive na mga pagkain.

"Nandito ang asawa mo, Rene"

Lumabas mula sa kusina ang matangkad na lalaki na dahilan kung bakit ako umuwi para maiwasan siya.

Napalunok ako sa paraan ng titig nito saakin. Para akong mahuhulog mula sa kinatatayuan ko dahil sa panghihina ng tuhod ko.

"H-hilton?" Pabulong kong tawag. Tanging pagtikhim nina Rebecca ang narinig ko ngunit di inaalis ang tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

His PromisesWhere stories live. Discover now