SDTR: Kabanata 49

Start from the beginning
                                    

"Hindi po ba't isa sa dahilan kaya niyo rin inilayo sa akin si Seb ay dahil napaka bata ko pa at umaasa lang ako noon sa pamilya ko. Pero ngayon ho, nakikiusap ako, Sir, h'wag niyong ilayo sa akin si Claire. Kaya ko nang ibigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya, ganoon rin kay Seb."

"Hindi ko kailangan ang pera mo para lang bilhin ang anak ko." Mariin na pahayag ni Dad nagpabaling sa akin sa kanya.

"Dad! Mahal ko siya!" Sa wakas ay may lumabas na rin na salita mula sa labi ko, tumaas ang tingin sa akin nila Lolo at napabuntong hininga sila. Narinig kong umiiyak na si Jenica pero niyakap nalang siya ng kapatid niyang si Kuya Justine upang pakalmahin.

Tumayo si Dad. "Claire, hindi kita pinalaki para makapang asawa ng isang lalaking mataas ang tingin sa sarili! Mayabang! Walang modo!" Sigaw ni Dad na nagpatulo sa luha ko, tumayo ako at hinarap ko si Dad.

"Hindi mo siya kilala, Dad!!" Sigaw ko, kinabig ako ni Ethan at pilit niya akong hinihila patungo sa kanya upang pigilan ako sa pagsagot kay Dad. "Kilala ko siya! Sa loob ng apat na taon nakilala ko ang lalaking iyan, ginagamit ka lang niya!" Pagdidiin ni Dad at dinuro duro niya pa si Ethan sa harap ko, mabilis kong hinawi ang kamay ni Dad na nagpalaki sa mga mata niya, wala akong pakialam kung magalit sa akin ngayon ang pamilya ko pero hindi ko masisikmurang tanggapin ang mga masasakit na salita na ibabato nila sa lalaking mahal na mahal ko.

"CLAIRE!" Sigaw ni Dad!

"Paul John!" Suway ni Mama, bumigat ang paghinga ni Dad at matalim ang titig niya sa akin.

"Dad, mahal ko siya. Sana naman bilang kapalit sa panloloko niyo sa akin ni Mama, pabayaan niyong sumaya ako kasama si Ethan." Umiiyak na sambit ko, ramdam ko ang pagtitig sa akin ng dalawang pinsan ko. Isa isa ko silang pinag masdan at umiling iling ako.

Ngumisi ako ng mapait kasabay non ang pagtulo ng luha ko, "Sa buong buhay ko, akala ko isang perpektong pamilya ang mayroon ako. Masaya, punong puno ng pagmamahal. Pero mali ako." Humihikbing sambit ko, tumayo si Ethan sa tabi ko at hinawakan niya ang balikat ko. "Claire, enough." Bulong niya sa tainga ko, umiling ako.

"Sinungaling ang pamilyang 'to!" Sigaw ko!

"CLAIRE!!" Banta ni Lolo at Lola. "Mag ingat ka sa pananalita mo!" Patuloy ni Lolo.

"No! Bakit? Ayaw niyo bang marinig ang katotohanan? Si Dad na hindi matalikuran ang first love, si Mama na piniling magpanggap na buo at masaya ang pamilya namin para lang hindi ako masaktan. At kayong lahat na piniling itago sa akin ang pagkatao ko nung panahong nawala ang alaala ko! Natatakot kayong masaktan ako, pinoprotektahan niyo ako pero bandang huli, winasak niyo pa rin ang pagkatao ko!" Humahagulhol na sigaw ko at maging ang sariling paghikbi ko ay naririnig ko na, ang sakit sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay may bato nanamang nakasabit sa puso ko at ang bigat bigat nito.

"PUNONG PUNO NG KASINUNGALINGAN ANG PAMILYANG ITO!" Sigaw ko sa kanilang lahat at kusang bumagsak ang pababa ang katawan ko. Napaupo ako at tinakpan ko ang mukha ko saka hinayaan kong humagulhol ako. Naramdaman kong umupo si Ethan at niyakap ako mula sa balikat ko. "Baby, stop crying." Mabigat na bulong niya.

"Mahal kita! Bakit ba hindi nalang nila tanggapin yon?!" Panunumbat ko sa mga tao sa paligid ko. "Claire..." Boses iyon ni Mama na ngayon ay umiiyak na rin.

"I'm so sorry, Claire!" Umiiyak na sigaw ni Mama.

"Aalis na tayo, alam mong ayokong umiiyak ka." Namamaos na bulong niya sa tainga ko, pilit niya akong itinayo pero nanghihina ako, pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko dahil sa kaiiyak. Para bang nalulusaw ako at hindi ko magawang ibalik sa dati ang lakas ko.

"Come on, baby." Aniya, tatayo na sana ako pero nanlaki ang mata ko nang biglang tumalsik si Ethan sa may gilid ng upuan.

"Dahil sa walang kwentang lalaking ito, nawalan ka na rin ng modo!" Sigaw ni Dad at doon ko lang napansin ang dugo sa gilid ng labi ni Ethan.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now