Chapter 45

19 2 0
                                    

Warning:It is cointain a bl**dy scene. Can you leave this chapter if you have fear in bl**d. Can you proceed to the next chapter.

★★★★★

Napaatras kaming tatlo ng papalapit na sa amin ang mga kawal. Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko ng biglang bumangga ang likod naming tatlo sa wall.

“Lalaban ako.” determinadong wika ni Gamael. Handa na sana siyang lalaban ng biglang bumulagta sa harap namin ang tatlong kawal sa hindi namin maipaliwanag na dahilan.

Biglang lumapit sa amin si Amiel at tila gulat na gulat. Parang hindi siya ang gumawa nito. Base sa mukha niya ay nagulat siya sa mga nangyari.

“May sinabi ba akong saktan niyo sila?” biglang tanong ni Amiel. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong binibintangan niya kami.

“Ano? Kami?” I mocked. “Hindi ko nga alam kung bakit bigla 'yang bumalagta, 'e!”

“Aba—.” mag-co-complain pa sana si Amiel pero biglang kumalabog ang pinto ng silid ng portal.

“Alam ko na.” Nakangising wika ni Gamael at hinila kaming dalawa ni Lyka.

Nang malapit na kaming makapasok sa silid ay biglang tumakbo si Lyka papunta kay Scarlet. Naiiyak siya habang niyuyugyog ito.

“A-Ate, gumising ka!” he said in between of her sob. “W-We made it! We survived. Makakauwi na tayo.”

“Lyka, tama na.” awat sa kaniya ni Gamael at pilit na hinawakan ang kamay nito ngunit panay pa 'rin ang pag-iyak ni Lyka at pilit inaalis ang kamay ni Gamael.

“A-Ate, natutulog ka 'lang di'ba? Di'ba, sabay tayong uuwi. Sabay tayong papasok sa portal at uuwi. Di'ba sabi mo noon na dapat walang m4m4tay sa atin?” he sobbed.

Hindi ko naman mapigilang maiyak dahil sa mga sinabi ni Lyka. Hinawakan ko si Lyka at mula sa likod at niyakap ko siya.

“L-Lyka, tama na.” My voice are cracked too.

“No! Buhay siya! Humihinga pa siya!” naiiyak na wika ni Lyka at pilit na niyayakap si Scarlet.

“L-Lindelle, umalis ka diyan.” utos sa 'kin ni Gamael kaya umalis ako sa pagkakayakap kay Lyka at tumayo. Patuloy kung pinapahiran ang luhang wala 'ding humpay sa pag-agos.

“A-Ate, tara na. Tumayo ka na.” hagulgol nito habang pilit na niyugyog si Scarlet. Nakarinig naman kami ng mga yabag na papunta sa kinaroroonan namin kaya kahit napipilitan si Gamael ay pinuwersa niyang kargahin si Lyka.

“Let's go, Lindelle." Wika nito at nagpatiuna ng pumasok.

Agad kaming pumasok doon at sinirado ang pinto. Naabutan naming hawak-hawak ni Amiel sa pulsuhan ang prinsesa.

“Mauna ka 'na, Lyka.” wika ni Gamael. Umiiling-iling naman si Lyka habang nakatingin sa portal.

“Kuya, what if sa ibang lugar ako magigising?” tanong nito at wala pa 'ring humpay ang pag-iyak. Nanginginig si Lyka at mukhang masyado siyang na-trauma sa mga nangyari.

“You can't hold me!” sigaw ng prinsesa kaya naagaw ang tingin namin dito.

“Let me go!” sigaw ng prinsesa at biglang sinipa si Amiel. Natamaan si Amiel sa sikmura kaya napadaing ito sa sakit. Napatakbo naman ang prinsesa at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob ng portal.

Ibinalibag naman ni Amiel ang silya na nasa malapit sa kaniya kaya pilit ko siyang pinapakalma pero panay pa 'rin ang daing niya.

“Sige na.” pagpupumilit 'din ni Gamael na pumasok na si Lyka sa portal pero patuloy pa 'rin sa pag-iling si Lyka.

“I-Iiwan ba na 'tin dito si Ate?” tanong nito at kapansin-pansin ang panginginig sa kaniyang labi. Nakarinig kami ng takbuhan kaya napatingin si Gamael kay Amiel.

“Puwersahin mo siyang makapasok at gagawin ko naman ang lahat para hindi makapasok ang ibang kawal.” wika ni Gamael at tiningnan si Amiel.

Tumango naman si Amiel at lumapit kay Lyka. Patuloy ito sa panginginig at panay ang pagsisipa-sipa nito at halos hindi na makalapit sa kaniya si Amiel.

“Puwersahin mo!” sigaw ni Gamael.

Ilang minuto pang naging ganon ang sitwasyon. Nahihirapan si Amiel na puwersahin si Lyka lalo na't nagwawala ito hanggang naririnig na namin ang kalampag ng mga kawal.

“Kuya!” sigaw ni Lyka kaya napatingin ako kay Gamael. Pinagpapana pala ng kawal ang pintuan at saktong inaayos ni Gamael ang lock kaya natamaan siya.

“Save my sister.” sigaw nito at kasabay ng pag-ubo niya ng dugo. Natamaan siya sa dibdib! Tumulo naman ang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Hindi inaksaya ni Amiel ang panahon. Nang mapansin niyang natulala si Lyka ay mabilis niya itong tinapon sa portal hanggang kami na'lang dalawa ang naiwan.

“Danaya,” he called my named but I felt deaf. Imbis na lumapit sa kaniya ay lumapit ako kay Gamael.

“Gamael,” wika ko at lumapit kay Gamael saka hinaplos ang mukha niya para pumikit ang mga mata niyang nakadilat.

“You promises us. You promised us!” I yelled. “What is the fuck'n happen and you leave us!”

“Danaya, calm down! Let's go!” sigaw ni Amiel at niyakap ako mula sa likod. Patuloy pa 'rin na kinalabog ng mga kawal ang pintuan ngunit tila para sa akin ay tumigil ang mundo.

Dahil sa panghihina ng katawan ko ay napaupo ako sa sahig at nagsimulang napahagulgol. Pakiramdam ko ay biglang nag-slow ang lahat na nangyayari.

“You have promises to your sister! Why are you doing this!” I yelled again. I felt Amiel's hand caressed on my back.

“You've promises that you will leave this place breathing not like this!” Pumiyok na 'rin ang boses ko sa kakasigaw. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit at naghalo-halong emosyon.

“Di'ba nag-promise ka sa 'min? You'd promises us. Pero bakit ang daya-daya mo? Bakit mo kami iniwan? No, bakit ka magpaiwan? Ba't ang daya mo?” wika ko habang nanginginig ang labi ko at patuloy na umaagos ang luha ko.

Pakiramdam ko ay namanhid na ako sa lahat ng nangyari. Mula kay Scarlet ngayon kay Gamael naman? Sa aming apat ay maaring dalawa lang kami ni Lyka ang makaligtas?

“Let's go!” madiing wika ni Amiel at tinulak ako sa portal. Napapikit ako ng maramdaman ko ang lamig sa buong katawan ko.

Para akong nakahiga sa ulap habang dinamdam ang lambot nito. Isa lang ang nakikita ko. Ang kulay bughaw na ilaw mula sa nahulugan ko.

Kumawala ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa taas. Inaalala ang lahat na pinagdaanan ko sa mundong ito. Lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa mundong 'yon ay isa-isang bumalik sa isipan ko.

Mula sa pagkawala ni Aquiro at ilang mga rebelasyon. Sunod ang biglaang p4gkamatay ni Scarlet at Gamael. Sa huli ay pumatak muli ang luha mula sa mata ko at mapait na ngumiti.

“Rest in peace of you two.” I mumbled in the air before closing my eyes.

TO BE CONTINUED.....

Parallel Universe Where stories live. Discover now