Chapter 8

23 9 0
                                    

★★★★★

Pagkatapos akong ipasok ni Ameil bilang katulong sa isa sa mga maharlika ay ginagawa ko naman ang iniutos sa kanila.

“Ilang araw ka'nang nagtratrabaho doon pero hindi mo pa'rin nadiskubre? Nauubusan na tayo ng oras.” pinanlakihan ko naman ng mata si Gamael. “The time is still ticking.”

“Akala mo madali?” inis na wika ko sa kanya.

'YUN YUNG' time na huli kaming nagkita. Napabuntong hininga na lamang ako habang iniikot ang tingin sa buong bahay ng datu. Infairness, makaluma talaga ang desinyo ng kanilang bahay.

“Danaya,” napalingon ako kay Ameil na biglang nagsalita sa likod ko. Nagpilit ngiti muna ako sa kanya bago lumapit.

Kunsabhasbe?” (Kumusta ka'na?) Tanong nito sa akin.

Kunsabhasbeui.” (Maayos naman) sagot ko at huminto sa harap niya. Napadalaw ka?”

“Na-miss kita.” mangiti-ngiti nitong wika sa akin. Siniko ko naman siya dahil sa ka-cornihan niya.

“Sa kabilang banda, kumusta ka'na rito?” tanong nito sa akin habang ginagala ang mata niya sa buong pinagtrabuhan ko.

“Maayos naman,”  Nakangising wika ko sa kanya. “Bakit ka'ba labis na nag-alala para sa akin?”

On the other hand, Gamael studies their living as soon as, for our survival. Marami siyang pinag-aralan. Pati na 'rin mga asignatura ng mga Aestherian, at mga palaging ginagawa nito.

“Nakakatakot na ang mundo ngayon.”  bulong ni Meiya sa gilid habang nagbabasa ng isang basahan. Naagaw nito ang atensiyon ko rito at napatingin sa binabasa niya kaya napailing na lamang ako.

“Nakakatakot na pala talaga umalis ng gabi, ano?” pakikisali ko dito at saka naupo sa gilid niya.

“SOBRA. Ayon nga sa mga narinig ko'ng balita, may isang babaeng Eartherian na pumasok sa mundong ito at pum4p4tay ng mga kauri na'tin. Bakit kinakailangan pa ni'lang manggulo dito, gayong may sarili naman silang mundo.” wika nito habang umiling-iling.

Hindi niyo kasi naiintindihan si Scarlet. Ako kasi, naiintindihan ko siya. Labis siyang naghinagpis sa sinapit ng pamilya niya sa mundong ito.

“Kuryoso ako, nagp4p4tayan ba sila sa isa't isa sa mundo nila?” awtomikong napatingin ako ngayon kay Haila na nagsalita. Aba, krimen dito, krimen doon. Wala naman siguro'ng perpektong nilalang di'ba?

“Siguro, kaya siya nagkaganoon. Sana mahuli na ang babaeng iyan. Ang akala kasi dati ng mga Aesthria na nasugpo na nila ang may utak sa lahat ng krimen. Akalain mo, nagawa iyon ni Akiro? Aba, kahit ako hindi makapaniwala.” wika ni Nella habang nakahiyagpos.

Hindi ko naman sila masisi kung gano'n ang naging impression nila kay Scarlet. Wala naman sigurong matutuwa sa ginagawa niya. Pero ako, naiintindihan ko siya kahit na alam ko naman sa sarili ko na maling mali talaga ang ginagawa niya.

Siguro, nagkagusto lang talaga ng lubos si Akiro 'SA Maya na iyon kaya niya pinagtakpan.” singit ni Haila.

“Tama lang ang naging desisyon ng mga Aesthria na hindi bagay sa mundo na'tin ang mga Eartherian. Sisirain lang nila ang imahe'ng meron tayo.” dagdag pa ni Nella.

Aesthria. Ito yung' mga Aestherian(g) may mataas na katungkulan sa mundo nila. Mga ginagalang na pinuno 'kumbaga.

“Ano kaya ang dapat gawin ng mga Aestherian, ano? Para masugpo na ang mga ginagawa ng mga Eartherian? Ano sa tingin mo, Danaya?” napatingin naman ako ngayon kay Meiya na nagsalita.

H-Ha?” medyo gulat na tanong ko sa kanya. Napakamot na lamang si Meiya sa likod ng tainga niya sa naging sagot ko.

“Ito bago lang, nabalitaan ko na may isang lalaking Eartherian na naligaw 'din sa mundong ito. Nagpupumilit ito sa mga Aesthria na umuwi sa kanila. Napagkasunduan ng mga Aesthria na ipapahuli sa kanya ang babaeng Eartherian na narito sa kasalukuyan kapalit ng kaniyang pag-uwi. Pero ang totoo niya'n,  pagnagawa niya iyon ay p4p4tayin pa'rin siya ng mga Aesthria.” Awtomiko akong napalingon kay Haila  na ngayon ay nagsalita. P4p4tayin? Di'ba si Gamael ang tinutukoy niya?

“Di'ba mga taksil ang pagkakakilanlan na'tin sa mga Eartherian, mula pa noon? Kaya nila ipahamak ang kalahi nila dahil lamang sa pansariling interes.” Grabe naman kayo makapanghusga.

Imbis na kontrahin sila ay nanatili na lamang akong tahimik sa gilid. Hindi ko kasi akalain na habang tumatagal ay lalong nagiging komplikado ang pamumuhay ko sa lugar na ito.

Akala ko kasi nu'ng una ay magiging matiwasay ang pamumuhay ko sa lugar na ito. Akala ko, magiging payapa ako mas que na tumira ako sa lugar na ito habambuhay.

“Kaya ikaw Danaya, mag-ingat ka! Kadalasan pa naman sa mga tinutugis ng babaeng 'iyan ay gayong may katungkulan sa mga Aesthria.” napalingon akong muli kay Meiya at matipid na ngumiti.

“Oo nga pala Danaya, kaano-ano mo si Ameil?” tanong sa akin ni Haila. Ito na naman ang pinakakaiwasan ko'ng tanong sa talang buhay ko rito sa mundo ng mga Aestherian.

“Ahh..uhm....Kaibigan ko kasi siya.” paliwanag ko sa kanila. Napatitig naman sa akin si Meiya ng sandali bago tumango.

“Alam niyo ba na nitong nakaraan lang ay may isang babaeng Eartherian na naman ang namataan sa lugar na'tin. Maganda 'daw, 'yun ang sabi nila. Akala pa nga noon ng mga nakatira doon na dumiretso sa kwarto ni Danaya. Pero pala, ang totoo. Kababata mo ba 'yung nando'n, Danaya?” Tanong ni Nella sa akin. Aba, ang dali nila makakuha ng balita, ano?

“Oo totoo iyon. Nagulat pa nga kami, 'eh. Kasi, narinig naming may hinahabol sa labas. Ang totoo niya'n, ayaw pa sana naming buksan ang kasero dahil sa takot. Nang magsalita siya ng Aerethan, saka pa namin binuksan.” Napatangu-tango naman ang nakarinig sa akin. Palihim akong nakahinga ng maluwag dahil nalusutan ko na naman sila.

Aerethan. Ito yung' tawag nila sa lenggwahe nila. Kung sa Pilipinas ay Filipino, sa kanila naman ay Aerethan.

“Naku Danaya! Baka ikaw sana ang puntirya nu'n! Kaya hija, mag-ingat ka hangga't maari!” pakikisali ng mayordoma na aksidenteng nakadaan sa amin at narinig ang mga sinabi ko.

“Opo manang, tatandaan ko po lagi iyan.” tugon ko sa kaniya.

“Kaya siguro dumadami ang kr1men dito sa Aestherian, dahil dumadami 'din ang mga nilalang na Eartherian ang pumapasok dito sa mundo na'tin.” dagdag ni Meiya na nagpainit lalo sa tensyon.

“Balita ko, may kapangyarihan ang ilan sa mga Eartherian at 'yan yung' mga tinatawag na Engkantada at Engkantado. 'Yun kaya ang dahilan kaya biglang nawala ang babaeng hinahabol nila? Naku, paano na'lang kaya sila masusugpo?”

Pinigilan ko naman ang sarili ko na matawa sa paratang nila. Ang Eartherian, may lahing engkantada at engkantado? Nagtago lang kaya si Lyka para hindi siya mahuli.

TO BE CONTINUED.....

Parallel Universe Where stories live. Discover now