Chapter 43

20 2 0
                                    

★★★★★

“Ano?” gulat na tanong ni Gamael at napatayo pa sa pagkakaupo mula sa kama at napatingin sa akin. Madilim ang tingin na ipinukol nito sa akin pero hindi ko 'yon inalintana bagkus ay nagpatuloy na'lang ako sa pagkain.

Naghihintay na 'lang kami na sumapit ang takipsilim at aalis na kami. Kumakain kami ngayon ni Lyka habang sina Gamael naman at Scarlet ay nakaupo lang ang hinihintay kaming matapos.

“Kuya, sige na. Kumain ka na po.” paanyaya ni Lyka habang patuloy pa 'rin sa pagsubo. Umiling naman si Gamael kaya sunod na tiningnan ni Lyka si Scarlet pero umiling 'rin ito.

“Mas mabuting walang laman ang tiyan namin kapag pumunta doon para walang mabigat.” wika ni Gamael habang hinahaplos ang tiyan nito.

“Sus, basta kuya 'ha? Lutuan mo ako ng adobo kapag makauwi na tayo.” nakangiting wika ni Lyka. Ngumiti lang sa kaniya si Gamael ng pilit at saka niyakap ang kapatid mula sa likod.

“Kuya, mabulunan ako.” reklamo ni Lyka kaya umalis mula sa pagkakayakap si Gamael at saka tinapik na lamang sa likod si Lyka.

“Ba't ang tagal ng oras? Atat na atat na ako makauwi!” reklamo ni Scarlet kaya napatingin kami sa kaniya. Kanina pa siya palakad-lakad at hindi alam ang gagawin.

“Kumalma ka nga muna, Scarlet.” wika ni Gamael at napagulo pa sa buhok.

“Paano na 'yan? Marami na tayong alas. Imposibleng hindi tayo makakaalis.” nakangiting wika ni Lyka kaya tiningnan ko sila ng makahulugan. Anong maraming alas?

“Anong maraming alas?” biglang tanong ko. Nagkamot lamang sa batok si Gamael habang umiiling-iling naman si Scarlet. Nilingon ko si Lyka na kumakain kaya tinaasan ko siya ng kilay pero nagkibit balikat lang ito.

“May tinatago ba kayo sa 'kin?” biglang tanong ko at isa-isa silang tiningnan pero wala man lang silang naging sagot sa 'kin. Masama ang loob ko dahil lahat ng mga plano ko ay sinasabi ko sa kanila pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kinakailangan nilang itago mula sa akin ang mga plano nila.

“Hihintayin ba tayo ni Amiel mula sa labas?” pag-iiba ng usapan ni Scarlet.

“Hindi ko alam. Hindi kasi namin masyadong napag-usapan ang tungkol diyan. Basta ang sabi niya ay tutulong siya at sasama siya sa 'tin.” wika ko at napasimangot.

“Grabe naman 'yan. Para tuloy sasabog ang puso ko sa kaba. Hindi kasi na'tin alam ang unang hakbang na gagawin na'tin bago makapasok sa loob.” Dabog ni Gamael at napagulo pa sa buhok. Naiiling naman ako sa inasta nila. Masyado silang excited at bakas sa mukha nila na gusto na talaga nilang umuwi.

Ako naman ay chill na chill lang. Pinangakuan kasi ako ni Amiel at alam kung hindi niya iyon babaliin. I know him, he is a principle man. He is a one word man.

“Haist, mabuti pa si Ate Lindelle. Chill na chill lang.” parinig sa akin ni Lyka kaya napatingin ako sa kaniya.

“Simperd. Alangan naman magkandaugaga ka. E'de masisira ang plano na 'tin niya'n.” pangatwiran ko saka uminom ng tubig.

“Lyka, bilisan mo ang pagkain. Aalis na tayo.” maawtoridad na wika ni Gamael. Tuloy, nagkandataranta na ang kapatid niya sa pagkain.

“K-Kuya, s-sandali lang! Uubusin ko lang 'to.” wika nito habang puno ang bunganga. Nagpatiuna ng naglakad si Gamael at sumunod na 'rin si Scarlet.

“Tayo na.” tawag ko kay Lyka at sumunod naman ito sa akin. Panay pa ang pagpag niya sa gusot niyang hoodie bago sumunod sa akin. Naglakad na kami papunta sa Aesthria.

Medyo madilim na 'rin ang paligid at halos kinain na ang buong lugar ng kadiliman. Kung kanina ay hindi ako kinabahan ngayon ay hindi ko na maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko at parang hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaba.

Ewan ko ba, kung kailan malapit na kami sa kasukdulan ay saka pa umurong ang tapang ko. Napatingin ako sa malaking tarangkahan. Ilang beses na akong nakapasok sa tarangkahan na 'yan pero ngayon. Haist.

“Lindelle! Maghihintay ka pa ba sa mga kawal?” taas kilay na tanong sa 'kin ni Scarlet. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kanila.

“Aakyat ba tayo sa matayog na pader na 'to?” tanong ko at huminto sa harapan nila. Hindi nila ako sinagot kaya hinawi ko sila at tumingin sa matayog na pader.

”Kaya ba nating akyatin 'yan?” tanong kong muli pero kahit ni isa ay walang sumagot sa akin.

“Am I invisible?” I asked myself.

“Hindi dito.” wika ni Gamael at naglakad. Sinundan niya ang pag-ikog ng pader habang kami ay nakasunod lang sa kanya at naghihintay ng go-signal.

“Hoyy,” naiinis na tanong ko sa kanila pero biglang tinakpan ni Gamael ang bibig ko. Pilit akong kumawala sa pagkakatakip sa akin ni Gamael.

“Ano ba—!”

“Hush, mahuli tayo. Stop being childish! We need to be careful not be a reckless.” bulong sa akin ni Scarlet kaya hindi na ako umalma at nakasimangot na lamang akong sumunod kay Gamael. Napahinto kami ng huminto bigla si Gamael at muntik pa kaming nasubsob sa isa't isa.

“Ano ba 'yan?” reklamo ni Gamael ng nasubsob sa kaniya si Scarlet. Tahimik lamang ako kahit masakit na ang Paa ko.

Napayuko ako at napatingin sa Paa kong humahapdi. Nanlaki ang mata ko ng makita na may sugat ako.

“G-Guys.” my lips are trembled. Parang maiiyak na ako nito.

“Hush.”

“Shhs.”

Sabay na sita sa akin nina Gamael at Scarlet.

“Guys, may sugat ako sa Paa.” pareho silang napalingon sa kinaroroonan ko. Nabigla ako ng biglang punitin ni Gamael ang hoodie niya at nag-squat sa harap ko.

“Patingin.” maawtoridad na utos nito sa akin kaya tinaas ko ang Paa ko.

“May bubog na nakabaon. Kinakailangan ko itong bubunutin.” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gamael. No! Masakit 'yan! “Hurry,”

“S-Sige.” napipilitan man ay pumayag na 'rin ako. Biglang hinugot ni Gamael ang bubog sa Paa ko kaya muntik na akong napasigaw sa sakit ngunit biglang tinakpan ni Lyka ang bibig ko. Halos hindi na ako makahinga sa pagtakip ni Lyka sa bibig ko kaya tinulak ko ito ng bahagya.

Medyo naiintindihan naman niya 'yon at inalis ang kamay niya sa bibig ko.

“We need to hurry.” wika ni Gamael habang tinatalian ang dumudugo kong paa. Umalma na ang pagdurugo nito hindi katulad kanina.

“Iikot lang ako sa likod.” narinig naming wika ng isang kawal kaya nagkatinginan kaming apat.

TO BE CONTINUED....

Parallel Universe Where stories live. Discover now