Chapter 24

19 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV.

Naguguluhan ng lalo si Amiel. Nangako siya nitong tutulungan niya itong umuwi pero may parte sa kanya na ayaw. Ayaw niyang mawala ito sa kanya ng tuluyan pero ayaw naman niya'ng makulong ito sa lugar nila at hindi maging masaya sa buhay.

Napag-isip-isip na 'rin niya na iba na'lang ang kondisyon na lang ang kanyang hihingiin lalo na't alam niyang hindi ito papayag sa nauna niyang kondisyon.

Hindi muna niya pinaalam kay Danaya ang tungkol dito. Ayaw 'rin niyang matagalan pa ang pag-uwi ni Danaya lalo na't alam na alam niya kung paano ito naghihirap habang naninirahan sa lugar nila. Alam niyang na-s-suffocate na ito sa lugar na meron sila. Lalo na't pakiramdam nito ay tinutugis siya araw-araw sa mga naninirahan dito.

Gusto 'rin sana ni Ameil na ipagpatuloy ang naiwang misyon ni Aquiro patungkol kay Maia para maipaghiganti niya si Aquiro at ang kanyang nakakatandang kapatid pero natatakot siyang madamay si Danaya.

Sa ikailang pagkakataon ay napabuntong hininga siya kasabay ng paggulo niya sa kanyang buhok. Hindi na niya kasi alam ang gagawin niya sa kasalukuyan.

“Ang lalim yata ng iniisip mo.” tawag pansin sa kanya ng prinsesa. Hindi tulad ng dati na palagi itong nakasuot ng natural na damit. Nakasuot na ito ngayon ng mahabang gown na sumasayad na sa sahig sa haba.

Panay 'rin ang paganda nito at pag-aayos ng sarili habang nakaharap sa salamin. Nakasuot 'din ito ng pulang kapa sa likod niya.

“Medyo marami lang na problema ang gumugulo sa akin at ayaw ako tantanan, 'eh.” wika nito at saka nagpalakad-lakad. “Sa kabilang banda, saan ang punta mo't nakasuot ka ngayon ng pang-prinsesang suot? Hindi ka ganyan, dati.”

“Aasikasuhin ko ang kaso tungkol kay, Aquiro. Hindi ako matatahimik hangga't hindi nahuhuli ang sarilin.” wika ng prinsesa at pinag-flip ang buhok niya. Napabuntong hininga naman si Amiel.

Alam niya sa sariling, alam ni Danaya ang lahat pero patuloy pa 'rin iyong magbulagbulagan. Matakpan lamang ang ginawa ng kanyang mga kalahi.

“Sa tingin mo, mahuhuli na natin ang salarin?” taas kilay na tanong ni Amiel.

“I see. Ilang tulak na'lang at makakamit na ni Aquiro ang hustisya.” wika nito at saka tumayo na saka hinarap si Amiel. “Bago nangyari sa kanya ang karumaldumal na krimen may naamin siya.”

Nanlaki ang mata ni Amiel habang nakaharap sa prinsesa. May parte sa kanya ang natatakot. Natatakot siya na baka bago pa man namatay si Aquiro ay nasabi na nito kung sino si Danaya.

“A-Ano iyon? P'wede ko ba'ng malaman? Baka sakaling makatulong ako.” His lips are trembling in fear. He wouldn't know what he can do inmanner to save Danaya and set her free.

“Bakit tila intresado ka?” tanong pabalik ng prinsesa at tiningnan siya.

He gulped.

Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya. Natatakot siya'ng paghinalaan ng prinsesa pero alam niya sa sarili niyang kinakailangan niya itong gawin. For Danaya's sake.

He tried to open his mouth but no words come from it. He can't know what is the fit word to explain. Natatakot siyang baka sa kaunting pagkakamali niya ay paghinalaan siya ng prinsesa.

“Can I know?” The princess asked again. Amiel scratch his head and he gave a weak smiled on the princess.

“Kaibigan ko 'rin si Aquiro. Bakit hindi na'lang tayong dalawa ang magtulungan?” Tanong ni Ameil at tinitigan ang prinsesa. Nakipagtitigan pa ang prinsesa kay Ameil ng matagal hanggang sa kusa na itong umiwas.

“Bago nangyari ang aksidente. Sinabi niya sa aking nakita niya'ng magkasama sina Gamael at Maia. Nais ko sanang buksan ang usapang ito sa pagpupulong.” wika nito at saka nagpalakad-lakad.

“Ipapatawag namin si Gamael. Pag-uwi niya, pasusundan siya hanggang sa mahuli sa akto na magkasama sina Gamael at Maia.” wika ng prinsesa at muling tiningnan sa mata si Amiel.

“Nice idea, right? Suportahan mo ako.” dagdag nito

“Makakaasa ka kamahalan.”

Yumuko ng bahagya si Amiel bago iwanan ang prinsesa sa loob. Naglakad siya palapit sa veranda. Mula roon ay nakita niya si Danaya na nagdidilig ng halaman.

“I am willing to sacrifice at all. Inmanner to help you.” He whispered in the air and smiled weakly. He know what are waiting him, in-order to saved and help the girl he loves. If he will  stay those place even everyone's knows what he does he will be punished to death. At the last, he made up his decision. He will leave the place where he reelevated.

On the other hand, Scarlet and Gamael planning a new mission. They know each other that Lindelle have no intention to help them. They understand Lindelle's situation because they know how hard to lost a being that she considered as her friend.

“Nahihirapan ako, Scarlet! How can I? Noon nga hindi kita sinuko, ngayon pa?!” Halos inis na boses ni Gamael at napasabunot pa sa ulo.

“Narinig mo naman ang sinabi ni Lyka, di'ba? Nakita na ni Lindelle ang portal! We can't survive together! Alam na natin 'to sa umpisa pa 'lang.” Naiiyak na wika ni Scarlet at napayuko pa.

“Scarlet,” tawag pansin ni Gamael.

“Sa umpisa pa lamang, wala nang nagmamahal sa akin.” bulong nito at tumawa ng mapakla. “Itinuring ko kayong kaibigan sa ganito kaikling panahon kahit na may trust issue ako. Lahat kasi ng mga naging kaibigan ko noon ay pinagtaksilan ako.”

“S-Scarlet, let's make the imposible into possible.” naiiyak na wika ni Gamael. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para lamang hindi marinig ang mahina niya'ng hikbi.

“Teleserye ba 'to?” She chuckled. “Mabuti sana't teleserye 'o di kaya'y nasa isang pelikula lang tayo. Ako ang writer at ikaw ang direktor. Siguro, kaya pa nating baguhin ang eksena.” pinahiran ni Scarlet ang ilang luha na tumulo mula sa kaniyang mata.

“Makakauwi tayo ng walang galos at sugat. P'wede 'rin nating sabihin na... na panaginip lang ang lahat ng ito.” She mocked and shooked his head. “Pero, hindi 'eh. Sa panahon natin ngayon kinakailangan nating maging praktikal. Kinakailangan ng isa para magsakripisyo at mabubuhay ang iba.”

“Ano?! Maging praktikal?! Dahil ba sa pagiging praktikal na gagawin natin ay kinakailangan na may magsasakripisyo?!” Inis na tanong ni Gamael at napatayo. Hindi na 'rin niya napigilan ang luha niya at kusa itong tumulo.

“Yaong mga namamatay ay mas maswerte pa. Pero yaong mga naiiwang nabubuhay ay habang buhay na magdudusa. Hindi ko 'yun kakayanin, Scarlet!” nasa mata ni Gamael ang pagkalungkot.

TO BE CONTINUE...

Parallel Universe Where stories live. Discover now