Chapter 19

18 4 0
                                    

LINDELLE POV.

Nang kinahapunan na ay hindi na 'mahagilap ng mata ko si Amiel. Hindi ko alam kung saan ito pumunta. He told me lastime that he let me for my freedom to stroll. So, this afternoon I tried it.

P'wede po ba akong lumabas?” tanong ko sa prinsesa habang kinakalikot ang kuko ko.

“Siyempre. Ang bait kaya ng prinsesa.” Nakangising pang-aasar ni Aquiro kaya tiningnan siya ng masama ng prinsesa.

“Sige. Bumalik ka agad.” mahinahon nitong wika kaya napangiti ako.

“Ayaaaan! Sabi ko na, 'eh! Ang bait ng prinsesa.” halakhak ni Aquiro. Napangiti naman ako sa kasiyahan niya.

Junda!” (Tahimik!) Sigaw ng prinsesa sa kanya at tiningnan siya ng masama ng prinsesa. Nagpilit ngiti na lamang si Aquiro at napayuko.

“Tingnan mo nga naman HAHAHAH inis na inis 'na ang aking mahal na prinsesa!”

Inihatid pa ako ni Aquiro sa labas ng tarangkahan. Panay pa ang tawa niya dahil pinaseselos niya lang pala ang prinsesa kaya inihatid niya ako.

“Grabe! Pati sa paghatid sa akin, doble Kara ka! I know, pinaseselos mo lang ang prinsesa,” wika ko at napahinto sa tarangkahan. Ngiti naman niya ang makikita ko ngayon sa mukha niya. Hindi talaga maikaila sa mukha niya ang tuwa.

“Tanggapin mo na lamang ang paghatid ko sa'yo,” wika nito at bahagya pa akong binangga na siyang kinatawa ko. Ilang sandali pa ay lumungkot ang mukha niya at tinitigan ako.

“The sunset are beautiful isn't?” tanong niya at napatingin sa langit. Napatingin naman ako doon at sandaling napahinto saka siya tinitigan.

“The sunset is beautiful isn't?” tanong muli ni  Aquiro sa akin kaya bahagyang napataas ang kilay ko.

“What do you mean?” Iiwan na ba niya ako kasi nakahanap na siya ng kalinga sa mahal na prinsesa?

”Tama ba 'yun?” wika niya at napakamot sa ulo. Ilang minuto pa bago ko naisip ang ibig sabihin nito.

“Sunrise Aquiro! Hindi sunset!” wika ko at bahagyang natawa. Napatalikod naman siya sa akin pero pansin ko ang pamumula ng tainga niya.

Aquiro,” lambing na tawag ko nito sa kanya.

Hm?”

“Paano na 'yan. Kakausapin mo ba ang prinsesa tungkol doon?” napaharap siya sa akin at kapansin-pansin na ang pamumula ng mukha niya. Napahalakhak naman ako habang tinuturo siya. Nagmukhang tuloy siyang hinog na kamatis. Ang puti kasi ng mukha niya kaya pansin na pansin mo talaga kapag namumula siya.

“Makaalis na nga,” wika niya at binangga niya ng mahina ang braso ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Palihim naman akong napangiti dahil sa inasal ni Aquiro.

Habang naglalakad ako paalis ay nakarinig ako ng yabag na sumusunod sa akin pero hindi ko 'yun pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa loob at binuksan ang pinto. Siya na lamang ang pagkalaglag ng panga ko habang nakatingin sa lalaking nakaupo ngayon sa mesa habang binabasa ang mga aklat. May mapa pa'ng nakalatag dito. Nagpapasalamat ako't nakasulat ito sa alphabet at hindi niya kayang basahin ang mga plano namin.

“Anong plano ninyo?” wika nito habang hindi ako tinitignan. “Mukhang pinag-aralan mo yata ang aming asignatura.”

“Patawad! Nahuli niya ako, 'eh kasi... bigla na lamang siyang pumasok dito sa loob. May susi yata siya sa silid na ito. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang pumasok na walang pasabi,” Halos mangiyak na kuwento sa akin ni Lyka.

“Bakit ba gustong-gusto niyo kaming pag-aralan?” He told and stand up. He look at my eyes intently. “Ano ba talaga ang pakay niyo rito? Bakit mo ba kami ginugulo?”

“Amiel, mali ang pagkaintindi mo!”

“Ano palang ibig sabihin nitong mga nadatnan ko?! Ku'lang pa ba 'to!” He smirked. Tumingin siyang muli sa mga mapa na nasa lamesa at ilang mga hanay ng aklat na nakapatong at umiling.

“Bakit niyo ba kami ginugulo? Wala naman kaming ginawa para guluhin kayo! Pakiusap lang, tama na. Sawa na ako, itigil niyo na tong kahibangan niyo.” I saw the sadness and desperation on his face.

Agad naman siyang naglakad paalis at iniwan ako. Binangga niya pa ako ng mahina bago naglakad paalis.

“Lyka! Wala kang sasabihin kina Gamael at Scarlet! Wala kang nakita, okay?!” Baling ko ngayon kay Lyka na tahimik lamang na pinanood kami na nag-uusap. Marahan naman siyang tumango habang malungkot ang mukha niya.

Nilakumos ko ang mukha ko at naupo sa may upuan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nahihirapan na akong kontrolin ang mga nangyari. Ilang segundo pa ay may kumatok kaya pinagbuksan iyon ni Lyka at pumasok si Gamael.

“Anong balita? Himala at nakalabas ka,” wika nito at hinubad ang suot niyang coat sabay patong sa lamesa. Buntong hininga lang ang naging sagot ko.

“Wala akong nasagap na balita maliban sa mga pinaggagawa ni Scarlet,” wika ko at padabog na naupo 'rin.

“Yung pinagawa namin sa iyo?!” taas kilay na tanong sa akin ni Gamael.

“Wala. Hindi ko nagawa. Duwag kasi, 'eh,” wika ko at itinuro pa ang sarili. Natawa naman si Gamael sa sinabi ko.

“Maayos lang 'yan. Huwag mo'ng pilitin ang sarili mo hanggang wala ka pang lakas na loob.” wika nito at saka nainom ng tubig.

“Salamat. Mukhang may kinakailangan pa akong plantsahin na gusot,” wika ko at marahang natawa.

“Anong gusot naman ang pinasok mo?” gulat na tanong ni Gamael at tiningnan ako sa mata. Haist, mukhang hindi nga ako makakalusot sa lalaking ito.

“Wala.”

“Anong wala ang pinagsasabi mo?” tumaas na ang boses niya kaya napakamot na lamang ako sa kilay ko at tiningnan siya.

“Tumakas ako.”

“Ano?!”

“Don't be worried. Malakas naman ako do'n. Papatawarin 'din ako nu'n.” nakangiti kong wika kaya kinutusan lang niya ako.

”Ikaw talaga!”

Ilang oras pa kaming nag-usap at dumating pa sa punto na tinanong ko siya kung nasaan si Scarlet. Ang sagot naman niya ay hindi 'daw niya alam.

Nang pakiramdam ko ay malapit ng magdilim ay nagmamadali akong umalis at bumalik sa Aesthria. Nang nasa tarangkahan pa ako ay pansin ko na ang mga Aetherian na nagtutumpukan kaya nagmamadali akong tumakbo at hinawi sila. Nagmamadali akong sumuot sa kanila. Kahit nahihirapan ay nakarating ako sa gitna nila.

Nanghina ng tuhod ko at kusang tumakas ang luha ko sa aking nakita. Hindi ko aakalain huling pag-uusap na pala namin iyon. Hindi ko aakalaing huling tawa niya na pala iyon. If I know, sana hindi na lamang ako umalis at naprotektahan ko pa siguro siya.

And I failed to protect him...

TO BE CONTINUED....

Parallel Universe Where stories live. Discover now