Chapter 5

29 10 0
                                    

★★★★★

Klenebhi hanashe yurimi?” lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang tinig ng landlord sa labas ng pintuan. Nasundan siya, pag nahuli sila sa loob ng silid ko, paniguradong damay 'rin ako.

“'Wag kayong mag-aalala, hindi ako taksil katulad mo.” diininan ko pa ang huling salitang sinabi ko. “Magtago kayo sa ilalim ng kama, ako ang haharap sa kanila.” Nagkatinginan pa silang dalawa bago tumango ang lalaki sa babae.

Umalma naman ang babae at gumapang ito patago sa kama. Tinanguan ko 'rin ang lalaki hudyat na sumunod siya doon pero hindi siya nakinig sa akin at imbis na magtago ay naupo lamang siya sa kama ko. Kaya inirapan ko na lamang siya at binuksan ang pinto.

“Bakit po?” nakangiti kung tanong sa babaeng landlord.

“May nagsabi sa akin na may pumasok na babae dito sa silid mo. Meron ba, binibini?” tanong nito sa akin. Inaasahan ko na ito. Napalunok ako ng ilang beses bago siya sagutin.

Zehabe, zygih.” malumanay kung wika at pinipilit kung maging kalmado kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Pwede ko ba'ng silipin ang silid mo?” tanong nito kaya nanlaki ang mata ko. Bago pa man ako makaalma ay pumasok na siya. Nanatili akong nakatayo sa pintuan at hindi man lang magawang lingunin ang landlord.

“Anong kailangan ninyo, binibini 'at bakit kayo naparito?” napalingon ako ng magsalita ang lalaking nakaupo ngayon sa kama ko. Napasapo na lamang ako sa noo ko.

“Anong ginagawa mo rito lalaki ka?!” Inis na sigaw sa kanya ng landlord.

“Dinadalaw ko lang po ang aking kaibigan, binibini. Patawad kung nakaistorbo ako sa inyo.” wika nito at tumayo. “Pwede na po ba ako makaalis?” tanong nito at naglakad na paalis habang nakapamulsa. Nakahinga naman ako ng maluwag habang nakatingin sa landlord.

“Sa susunod, kung may papasukin ka rito magpaalam ka muna sa akin.” wika ng landlord at tiningnan ako ng masama.

O-Opo, binibini.” wika ko at naglakad naman siya paalis. Napaupo na lamang ako sa kama ko. Muli akong tumayo at isasarado na sana ang pinto ngunit natigilan ako sa pagsara ng marinig ang tinig ng landlord na may kausap sa labas.

“Oo, may kasama siya sa silid niya pero hindi babae, lalaki.”

“Marunong ba sa lenggwahe na'tin? Baka iba sila, alam mo na.”

“Oo, ang sabi ng lalaki 'dinalaw daw niya ang kaibigan niya.” buntong hininga ng landlord.

“Kaibigan o katipan?” tanong ng isa sa kanila at sabay naman silang nagtawanan. Isinirado ko na ng tuluyan ang pinto ng kwarto ko. Akala ko ba walang mga chismosa sa lugar na ito, nagkamali pala ako.

Sa ikatatlong panahon ay napabuntong hininga akong muli at napaupo na lamang sa kama ko.

“Wala na sila. Maaari kana'ng lumabas, binibini.” wika ko. Lumabas naman siya mula sa pinagtaguan niya at nagpagpag pa ng alikabok ba dumikit sa damit niya.

“Maraming salamat po,” wika nito at ngumiti sa akin. Naglakad na sana siya para buksan ang pinto ng tawagin ko siya.

“Huwag! Hindi pa sila tuluyang nakaalis sa lugar na ito 'dahil nandito lang sila.” kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“Ibig kung sabihin na, lugar nila ito. Wala tayong takas. Lugar ito ng mga aestherian.” wika ko at muling napabuntong hininga. “Antayin mo na'lang—” natigilan bigla ng may mapagtanto at napatingin sa kanya.

“Teka, ano'ng pangalan ng lalaking andito kanina?” taas kilay na tanong ko sa kanya. Napalayo naman siya sa pinto at naupo sa isang sulok.

“Si Kuya ba ang tinutukoy mo?” mahina n'yang wika at halata sa boses niya ang pagod.

“Oo.”

“Gamael. 'Yun ang pangalan niya.” wika nito kaya napatangu-tango naman ako. Gamael pala, huh? I twisted my tongue.

“Danaya!” tawag ng nasa labas kaya napatingin ako sa pinto at sandaling napatitig sa babaeng nanginginig ngayon sa takot.

Danaya! Pwede ka'bang makausap, kahit sandali lang?” tanong nitong muli sa labas ng pintuan.

Danaya. 'Yan ang pakilala ko sa kanila. Ayaw ko namang gamitin ang totoo kung pangalan. Baka mapagtanto ni'lang hindi ako katulad nila. Naalala ko lang kasi 'yung teleserye na pinanuod ko kaya Danaya ang naisipan kung pangalan.

Ininguso ko ang ilalim ng kama kaya sa muli ay 'muli siyang gumapang papunta sa sa ilalim ng kama at muling nagtago. Nang masiguro kung nakatago na siya ay saka ko pa binuksan ang pinto.

“Amiel, naparito ka?” wika ko habang hindi pa'rin umaalis sa pintuan.

“May narinig kasi akong balita na may pumunta, rito. Sino pala iyon?” Ano? Pati sa kanya, nakaabot ang balitang 'iyon? Hayst, tama nga ang sabi nila, 'may pakpak ang balita.

“Huwag mo'ng pag-abalahan ang tungkol don. Kaibigan ko lang 'yon na dinalaw ako.” wika ko at saka binuksan ng malaki ang pinto.Tuloy ka.”

Nung una ay nag-aalanganin siyang pumasok sa loob pero sa kinalaunan ay pumasok na 'rin siya. Naupo siya sa isang upuan habang naka-cross ang hita niya at nakatingin sa akin. Umupo naman ako sa tapat niya at ipinagsiklop ang kamay ko sa lamesa.

“Nga pala, kababata ko ang dumalaw dito sa akin 'kanina lang. Ilang dekada na kaming hindi nagkita kaya— kaya ng malaman niyang dito ako nakatira ay dinalaw niya ako.” napatangu-tango naman si Amiel sa sinabi ko.

“Akala ko ba ay katipan mo. Alam mo ba ang kumakalat na usapan sa labas? Dinalaw ka ng katipan mo dito mismo.” buntong hininga lang ang naging sagot ko sa kanya.

“Mukhang hindi ka yata sana'y sa kanila. Kaunting galaw lang isyu na agad.” umiiling na wika ko.

Danaya,” tawag pansin niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. “hm?” tanong ko sa kanya.

“Natatakot ako. Natatakot ako na baka, kalimutan mo na ako ng tuluyan dahil dumating ang iyong kababata.” Hindi agad ako nakasagot sa tinuran niya. Para akong kandilang natuop at hindi agad makagalaw.

Nakita ko na 'to sa teleserye 'a. Napailing na lamang ako sa naisip ko na kalokohan at muli siyang tiningnan. Napaiwas agad ako ng tingin nang nagsalubong ang tingin namin.

“Sana, papayag ang panahon na makasama kita.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya at sandali siyang tinitigan. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang pinagsasabi niya pero mas minabuti ko na lamang na hindi na mag salita pa.

TO BE CONTINUED....

Parallel Universe Where stories live. Discover now