Chapter 7

26 9 0
                                    

★★★★★

“Kilala ko ang kapatid na tinutukoy ni Scarlet. Kapatid ng lalaking nam4tay dahil sa kaniya.” wika ko habang hinahalungkat ang librong nakuha ni Gamael mula sa kamay ng isang Aestherian.

“S-Sino?” tanong nito at tumigil sa ginagawa niya at napatingin sa gawi ko.

“Si Amiel. Kilala ko siya. Nagdududa na siya'ng si Scarlet ang dahilan ng p4t4yan na nangyayari dito sa Aestherian.” 

“Kuya, makakauwi pa kaya ta 'yo?” tanong ni Lyka sa gilid habang nakatingin lang sa phone niya.

“Hindi ko alam, Lyka. Siguro, mas bubutihin kong 'makauwi ka key'sa akin.” wika nito at mapait na ngumiti.

“On the other hand, alam ba ni Amiel kung nasaan ang portal?” tanong nito sa akin. Tumango naman ako ng marahan.

“Kung gano'n, bakit ayaw mo'ng magpatulong sa kaibigan mo'ng iyon?” biglang sabat ni Lyka kaya napalingon ako sa kanya.

“Galit siya sa atin dahil sa nangyari sa kapatid niya noon.” wika ko at mapait na ngumiti.

“Baka naman maiintindihan niya ang sitwasyon na'tin.” sagot 'din ni Gamael kaya napalingon ako sa kanya at nagpilit ngiti.

Ilang sandali pa kaming nag-usap ng may kumatok sa pinto ko kaya napalingon ako doon. Sino kaya 'yan? Nagkatinginan pa kaming tatlo sandali.

Juhishame?” (Sino iyan?) tanong ko habang hinihintay ang sagot mula rito.

“Si Scarlet ito. Pagbuksan niyo ako! May ideya na ako.” Agad ko namang pinagbuksan ang pinto at pinapasok siya.

Nag squat agad siya sa sahig at naupo sa harap namin. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

“Guys, medyo delikado itong gawin na'tin—.” hindi pa nakatapos ng pagsasalita si Scarlet ng biglang mag-react si Lyka.

“Ano? Hindi na'tin p'wedeng laruin ang larong delikado. Makakauwi pa'ba tayo niyan?” medyo nagugulumihang tanong ni Lyka. Niyakap naman siya ng kuya Gamael niya at hinalikan ang noo.

“Papasok tayo bilang katulong sa pamamahay nila. Nangangailan sila ngayon ng katulong.” wika nito at kanya-kanya namang reklamo ang dalawang magkakapatid.

“Binigyan nila ako ng misyon at nasisigurado ko 'na kilala nila ako.”

“Hinabol nila ako ng nakaraan, kaya sigurado akong namumukhaan nila ako.”

“Hindi 'rin ako pwede. Muntik na nila akong p4tayin nu'ng nakaraan.” wika ni Scarlet at tumingin sa akin. “Ikaw. Ikaw Lindelle, madali kang makapasok doon lalo na't kilala ka ni Amiel.”

“A-Ako?” gulat na tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

“Hindi magtataka ang mga Aestherian sa'yo lalo na't marunong ka sa kanilang lenggwahe at mayroon ka'ng alas. Use Amiel as your ace.” nakangiting wika nito sa akin. I sigh. Then, I chuckled before looking back at him.

“Paano kung mahalata nila ako?”

“Remember this Danaya. Iwasan mo'ng masugatan ka. Lila ang dugo nila at hindi pula. Pagdududahan ka nila.” nanlaki ang mata ko sa kanya.

“L-Lila?” taas kilay na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya ng marahan.

“Lila ang dugong mayroon sila. Pangalawa, huwag na huwag kang magpahalata sa pakay mo. Kaibiganin mo ang lahat ng nandoon para madali silang magtiwala sa'yo. At pangatlo, make sure na mahahanap mo ang portal sa madaling panahon bago tayo maubusan ng oras.” wika nito at ngumiti sa akin saka tinapik ang braso ko.

“I believe your skill. You can do it.” Kahit napilitan ay tumango-tango na lamang ako sa kanila. Ako na'lang ang pag-asa nila para makaalis kami sa lugar na ito.

“Fine, wala naman akong pagpipilian. Baka kasi 'pag hindi ako pumayag ay bukas ng makalawa isusuko ako ni Gamael kahit hindi naman ako ang pum4p4tay.” wika ko at pasimpleng sinulyapan si Gamael. Napakamot naman siya sa likod ng tainga niya ng marinig iyon.

Kinahapunan ay kinausap ko si Amiel at sinabi ko sa kanya ang balak kong pagpasok bilang katulong sa mga Aesthria. Tulad ng inaasahan ko ay nagulat siya sa naging desisyon ko.

“Ano? Sigurado ka'ba diyan?” tanong niya habang gulat na nakatingin sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

“Bakit mo naman iyon naisipan? Maayos naman ang pagtrato sa'yo rito ng landlord.” gulat na tanong niya sa akin.

Amiel, sorry, I didn't tell you about our plan. Hindi ako papayag na baka pati ikaw ay madamay katulad ng nangyari sa kapatid mo noon.

“Gusto ko lang.” wika ko saka nagpilit ngiti sa kanya.

“Gusto mo lannnnng?” wika nito at hinabaan ba ang huling sinabi niya.

“Malaki naman siguro ang sahod doon, di'ba? At saka hindi kasi ako kuntento sa sahod ko rito.” wika ko at napanguso. Napabuntong hininga na lamang siya sa sinabi ko. Papayag na 'yan.

“Sige, tutulungan kitang makapasok doon. Pero paalala, 'wag ka'ng pasaway. Lagot ka sa'kin.” napangisi naman ako sa sinabi niya. Pumayag na siya!

“Pangako. Maasahan mo ako.” wika ko at tinaas pa ang kanang kamay ko bilang patunay.

“Kahit m4m4tay ka'pa?” tanong nito sa akin kaya umiling naman ako.

“'Di p'wede ang ganyang kasunduan. Alam mo namang 'walang ipinanganak na perpekto.” wika ko at napanguso. Ginulo naman niya ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya sabay taas ng kilay ko.

Zygih.” (Wala) wika nito at ngumiti sa akin ng makahulugan “Magpakabait ka doon. Hindi ako papayag na mapahamak ka.”

“Hala, nag-aalala siya sa akin.” madamdamin kong wika at niyakap siya. Nagulat naman siya sa biglaang pagyakap ko at natuop sandali. Ilang segundo ay naramdaman ko'ng hinaplos niya ang buhok ko.

May tiwala ako sa'yo.” he whispered.

Kinabukasan ay nagplano naman kami ni Scarlet, Gamael at Lyka para sa unang araw ko.

“Huwag kang magpahalata na ignorante ka. Ignorance can drag you into their doubt.” Scarlet said while flipping the next page of the book.

“Observe what they do.” dagdag ni Gamael at nasa libro pa'rin ang mata nito.

“Don't meddle their problem. Stay behave, listen, observe and seek what they are going to do.” muling usal ni Gamael at binaba ang aklat.

“Don't forget to report.” wika ni Lyka na ngayon ay alalang-alala na nakatingin sa phone na hawak niya. She told me last time na 50% na'lang ang percentage ng phone niya at hindi namin alam kung ilan na ito ngayon.

“Danaya, tara na. Pinapatawag ka ng kamahalan. Ito yung unang araw mo.” nagkatinginan kaming apat na naroon. Andiyan na si Amiel. .

“Hindi maaaring makita niya kayo.” mahinang usal ko sa kanila at sapat na iyon para marinig nila.

“Anong gagawin na'tin?” tanong ni Gamael.

TO BE CONTINUED......

Parallel Universe Where stories live. Discover now