Chapter 18

19 4 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

Nasa harap ng isang maharlikang silid si Aquiro habang hinihintay na lumabas ang prinsesa. Ilang ulit na niya itong kinukulit pero mas pinipili nitong 'wag siyang pansinin.

Napabuntong hininga na lamang siya habang nakatingin sa pinto. Nitong mga nakaraang araw ay mas maraming inaasikaso ang prinsesa lalo na't may namataan namang p4tay na Aetherian. Hinala ng halos karamihan ay maaring isang Eartherian ang may kagagawan nito.

Hindi pa kasi naalis sa isipan ng mga Aestherian ang nangyaring harap-harapang p4gpatay ng mga kalahi nila ng isang babaeng Eartherian. Itinuring nila itong delubyo sa buong buhay nila.

Ilang sandali pa sa paghihintay niya ay lumabas ang prinsesa bitbit ang ilang litrato. Lumapit siya sa pinakamalapit na mesa sabay lapag ng dalawang litrato.

"Sino ang mga babaeng iyan mahal na prinsesa?" Tumingin sa kanya ng malalim ang prinsesa at saka naupo.

"Napagkasunduan ng mga Aesthria na hanapin ang dalawang babaeng ito sa loob ng isang buwan." wika nito at ipinakita ng prinsesa ang litrato nina Lyka at Scarlet.

"Saan matatagpuan ang babaeng iyan?" tanong ni Aquiro at naupo sa gilid. "Ang babaeng ito, nakita ko na siya minsan." Turo ni Aquiro sa litrato ni Scarlet.

Naalala niya ito. Ito yung babaeng dumalaw kay Danaya at nagpakilala bilang Menda. Ayaw niyang ipahamak si Danaya pero alam niya sa sarili niyang mapapahamak ang buong Aetherian dahil sa isang babaeng Eartheran lamang.

"Siya si Maia. Huli siyang namataan nitong nakaraan sa bandang Hjuvi." Wika ng prinsesa habang tinitingnang mabuti ang bawat litrato 'na parang bang sinusuri ang bawat anggulo nito.

Hjuvi. Ang lugar kung saan nakatira sa kasalukuyan sina Gamael, Lyka at Scarlet. Dito 'rin nakatira nung una si Lindelle.

"Maaaring doon lang sila nagtatago." wika ni Aquiro at tiningnan ang mga litrato. Pero kung susundan niya si Danaya ay maaring ito ang magtuturo sa kanya kung nasaan si Maia.

"Hayaan mo mahal na prinsesa, kami na ang bahala ni Amiel tungkol dito." wika nito at ngumiti ng malapad sa mahal na prinsesa.

Sunod namang inilapag ng prinsesa ang isang litrato ng lalaki. Si Gamael iyon. Nakita na 'rin niyang minsan ang lalaking ito. Kasama ito ni Menda ng dalawin nila si Danaya.

"Nakita ko na siya minsan. Magkasama sila ng babaeng ito." wika ni Aquiro at ipinagtapat ang litrato nina Menda at Gamael.

"Siya si Gamael. Isa siyang Eartherian na nangakong dadalhin niya si Maia sa harap naming mga Aesthria kapalit ng kalayaan niya." wika ng prinsesa at tiningnan sa mata si Aquiro. "Sa tingin mo, mapagkatiwalaan ba siya?"

Sinubukang ibuka ni Aquiro ang kanyang bibig pero walang lumabas na salita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya sa huli ay binasa na lamang niya ang kanyang labi at napailing.

"Si Amiel, anong sinabi niya sa'yo?" Tanong ng prinsesa.

"Wala pa sa kasalukuyan." tugon ni Aquiro at saka tumayo naman ang prinsesa at gano'n na 'rin si Aquiro. "Alam kung andiyan lang siya sa tabi-tabi kaya hanapin mo siya at kausapin patungkol dito." wika nito sabay abot sa litrato.

Tinanggap naman iyon ni Aquiro at bahagyang yumuko saka tumalikod. Habang naglalakad siya paalis ay napahinto siya ng magsalita ang prinsesa.

"Mag-iingat ka!" pahabol nito kaya bahagyang nakagat ni Aquiro ang kanyang labi. Hindi niya inaasahang mag-alala sa kanya ang prinsesa. Sanay na siyang laging mainit ang ulo ng prinsesa sa kanya.

"P-Para sa iyo, mag-iingat ako." mahinang usal nito at mariing kinagat ang kanyang ibabang labi.

Lumabas siya sa pasilyo at nadatnan niya si Amiel na nakatingin sa kalangitan. Napangiti siya at lumapit dito. Matagal na silang magkakilala ni Amiel at isang kuya na ang turing niya rito.

"Kaaalis lang ng mga Aesthria." balita nito at tumingin 'din sa tinitingnan ni Amiel.

"Anong pinag-usapan nila?" Tanong ni Amiel at tiningnan sa mata si Aquiro.

"Hindi ka'ba nagtanong sa mga magulang mo? Di'ba bahagi sila sa pangkat ng mga Aesthria?" tanong pabalik ni Aquiro.

"Hindi."

"Ito." wika ni Aquiro at iniabot ang tatlong litrato. "Sila ang hinahanap ng mga Aesthria sa kasalukuyan. Iniisip nilang may kaugnayan ang mga ito sa isa't isa."

Inisa-isang tiningnan naman ni Amiel ang mga litrato. Nagtiim bagang siya ng maalala si Danaya. Natatakot siya na baka masangkot si Danaya sa gulong ginawa ng mga kalahi nito.

"Alam mo ba kung sino si Danaya? Ang babaeng pinoprotektahan mo?" Tanong bigla ni Aquiro kaya lalong nagtiim bagang siya ng marinig ang sinabi ni Aquiro.

Alam nito kung sino si Danaya. Alam niya sa sarili niyang pinoprotektahan niya ay isang Eartherian.

"Alam mo? Kailan pa?" Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ni Aquiro na kinainis niya.

"Matagal na. Huwag mo nang itanong kung kailan. Basta alam ko." wika nito at tiningnang muli si Amiel.

"Alam mo, nakita ko ang dalawa sa litrato na andiyan na kausap ni Danaya. Si Maia at Gamael. Nakaharap ko na pero hindi ko inakalang sila pala iyon." mahinang sabi nito at saka yumuko. "Anong plano mo?" tanong nito habang sinisipa sipa ang bato.

Hindi umimik si Amiel. Hindi 'rin niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang ipaghiganti ang k4matayan ng kanyang kapatid pero namayani sa kanya ang pagmamahal niya kay Danaya.

"Isa lang ang paraan para iligtas si Danaya." usal ni Aquiro kaya napatingin sa kanya si Amiel.

"Una, susundan ko si Danaya para matunton ko kung nasaan nakatira ang mga Eartherian na iyan. Pangalawa, saka na tayo magsagawa nang paghuli kapag wala na doon si Danaya." paliwanag ni Aquiro kaya napangiti naman si Amiel.

"Sige, ikaw ang bahala. Basta 'wag mo'ng idadamay si Danaya sa plano mong iyan." wika ni Ameil at nagpamulsang naglakad paalis.

Hindi na lamang umimik si Aquiro. Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis na si Ameil. Kinahapunan ay nagpaalam si Danaya sa prinsesa na umalis siya kaya napagdesisyunan ni Aquino na sundan ito.

"Saan ka ba talaga pupunta?!" tanong ni Aquiro sa sarili habang nakatago sa isang poste at nakatingin lang kay Dayana na naglalakad mula sa malayo.

"Bakit mo sinusundan si Danaya?" Napatalon naman si Aquiro sa biglang nagsalita sa gulat niya at nahulog niya ang dala niyang litrato.

Nang titigan niya ito ay parang himatayin siya ng mapansin na si Maia ito. Dahil sa takot ay kumaripas siya ng takbo paalis.

Napailing-iling naman si Scarlet at pinulot ang mga litratong nahulog. Nanlaki ang mata niya ng mapansin niyang litrato ito niya, ni Gamael at ni Lyka.

"Nanganganib ang buhay naming lahat." bulong ni Scarlet sa sarili niya. Nag-igting ang bagang niya dahil sa inasal ni Aquiro. "Yun ba ang kaibigang ipinagmalaki mo sa amin, Lindelle?"

TO BE CONTINUED....

Parallel Universe Where stories live. Discover now